TTF 4: School Fair

433 16 2
                                    

Julia's POV

Break time na namin. Pero hindi na muna kami kumain. Ewan, mas trip lang talaga naming magkwentuhan! Ang baliw lang. Syempre si Liza pasimuno e.

"Oy Jules! Naalala mo ba yung mga bata tayo. Yung lagi pa tayong hinahabol nila Mama dahil ayaw nating maligo. Grabe laughtrip yun yung nadapa ka sa putikan kaya napilitan kang maligo!" Sabi ni Liza tapos nagtawanan silang tatlo.

"Ano ba Liza!" Sigaw ko tapos kumunot noo ako sakanya.

Natahimik kaming apat ng biglang dumating Enrique. Simula kasi kanina nung nagkaron sila ng sagutan ni Liza e hindi na siya bumalik ng classroom.

"May demonyong dumating." Sabi ni Liza natawa naman ako baliw talaga!

"Akala mo naman kung sinong anghel." Sabi ni Enrique pero hindi siya nakatingin kay Liza. Jusko ang gulo nila.

"Makasagot naman akala mo siya yung kausap. Boys nowadays." Sabi ni Liza, ang warfreak din minsan netong pinsan ko.

"Wow, akala mo naman siya ang kausap. Girls nowadays napaka assumera." Sabi ni Enrique tapos napalingon siya sa bintana.

"Ang gwapo talaga niya!" Sigaw ng mga babaeng nasa labas. His flings? Or baka die-hard fans niya.

"Tumigil na nga kayo." Sabi ni Kath, sasagot pa sana kasi 'tong si Liza.

Tumayo muna ako sa kinauupuan ko. Naiihi kasi ako e! Sorry na, hahaha. Nang malapit na akong makalabas ng room may nabunggo ako or may nakabunggo saakin.

"I'm sorry." Sabi niya, oh. The almost nerd. Wala naman kasi siyang glasses and braces even pimples wala. Sadyang tahimik and matalino lang talaga siya.

Kaya ayaw ko sakanya. Kung gusto niyo nalaman kung bakit, wait. Kakausapin ko lang 'to.

"Tumabi ka nalang, okay?" Sabi ko sakanya.

"Okay, sorry again." Sabi niya, paulit ulit?

"Paulit ulit? Tss." Sabi ko tapos naglakad na papuntang cr.

I hate Iñigo dahil, he reminds me of my ex. Wooh, ex ko na nakakabobo. Siya kasi yung tipo ng lalakeng mabait, tahimik at matalino. Katulad ng ugali ni Iñigo. Pero demonyo pala siya. For breaking me and my heart.

Actually last year lang kami nagbreak. Nakapag move on naman na ako. Hindi ko na siya mahal, whenever nakikita ko siya nung summer, wala na. Pero yung galit nandun parin. Lahat ng panloloko niya.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng cr. Back to mataray, Julia. Hindi yung bitter at heartbroken. Wag kang magpapadala. Okay? Okay.

Kath's POV

Pagka labas ni Julia, I mean after makipag away ni Julia kay Iñigo. Lumabas din ako. May nagpunta kasi ditong 1st year at sinabing pinapatawag daw ako ni Sir Nic.

Kaya nagpunta naman ako dun, pero nakita ko si Daniel sa hallway. "Um, Daniel right?" Ngumiti siya saakin at tumango.

"Sorry nga pala tungkol sa kahapon. Yung muntik ka na naming mabangga." Sabi ko tapos ngumiti nanaman siya.

Smiley face ba siya?

"Okay lang. Kasalanan ko din naman, masyado kasing napabilis ang pagba'bike ko." Sabi niya tapos nginitian ko siya at naglakad na ulit.

Pagka dating ko sa faculty, pinuntahan ko kaagad ang table ni Sir Nic.

"What took you so long?" Galit nanaman siya, lagi naman e.

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon