TTF 11: Smiley Face

271 16 2
                                    

dedicated kay @thequizissoyzie kasi comment siya ng comment at gusto ko ng ganun! haha ano daw? pero thankyou sa comments, labyu!

Kathryn's POV

Good morning world! Kakagising ko lang, pero si Nadine tulog pa din. Back to normal na ulit siya. Parang kahapon lang ang aga niya nagising. Sayang, akala ko tuloy tuloy na.

Bumaba ako para maghanda ng food, para saamin na ni Nadine. Nakasanayan ko na ako na ang naghahanda ng breakfast namin. Pero minsan sina Yaya pa din kapag di ako nagigisng ng maaga.

"Good morning po, Lady Kath." Ay sus, ayan nanaman sila akala mo na ang taas taas ko. Saka ang awkward kaya.

"Hay naku, sabi ko po sainyo. Kath nalang po ang itawag niyo saakin. Pantay pantay lang naman po ang estado natin dito sa mundo." Nakangiting sabi ko.

"Ang bait niyo po talaga." Nginitian ko nalang sila tapos nagpunta na sa kitchen para maghanda ng breakfast.

Pancakes lang ang ihahanda ko for today, nothing special. Kasi wala lang, gusto ko lang ng easy to cook. Pero masarap, ayoko namang gutumin si Naddie.

"Good morning Kath." Bati saakin ni Mommy, gagawa siya ng breakfast for everyone. Saakin kasi para saamin lang ni Nadine, nakasanayan na kasi.

"Good morning Mommy!" Masiglang sabi ko tapos umalis muna siya ng kitchen. For sure ay gigising niya muna si Nadine. Ganun ang routine!

"Wow, pwede ka na maging chef anak." Sabi ni Daddy bigla galing sa likod ko.

"Daddy talaga oh, gusto mo gawan din kita ng pancake?" Alok ko pero ngumiti lang siya.

"Wag na 'nak, baka magtampo lang ang Mommy mo. Dahil ang breakfast na ginawa mo ang kainin ko at hindi ang sayo." Natawa nalang ako sa sinabi ni Daddy.

"Ikaw ha! Nawala lang ako ng saglit kung ano ano ng sinasabi mo sa anak natin." Biglang sulpot ni Mommy tapos pinisil ang ilong ni Daddy.

"Halika nga dito." Sabi ni Daddy tapos yinakap niya ng sobrang higpit si Mommy. Tapos nakita niya akong nakatitig sakanila, "Halika din, Kath!" Sabi ni Daddy tapos lumapit naman ako.

Ilang seconds din kaming nagstay ng ganun, ng bigla kong nakita si Nadine sa may pintuan ng kitchen. "Nadz! Halika sama ka!" Alok ko sakanya.

Di lang siya sumagot pero lumapit din, mataray talaga. Nagstay kami ng ganun for a while tapos biglang humiwalay si Nadz para umihi. At nagluto na kami ni Mommy. Si Daddy ewan, baka nanonood ng kung ano ano sa tv.

****

Nandito na kami ni Nadz sa school. As usual, kami ulit ang maaga. "Inaantok pa ako." Sabi ni Nadz, hay nako.

"Ang haba haba kayaa ng tulog mo, 10:45-7:30 pm." Mahinahon kong sabi sakanya.

"E, kahit na! Kapag walang pasok 1:00 am-2:30 pm ako natutulog." Sabi niya tapos nagpout. Ang cute ng kapatid ko.

"Nakabusangot ka nanaman Nadine!" Biglang sulpot ni Liza galing sa likod. Ang ingay talaga ni Liza, pero ang cute niya. Ang kulit hahaha, at nakakatawa.

"E ano nanaman?" Sagot ni Nadine na tumawa lang si Liza at Julia, ay jusko kakaiba talaga ang mga kaibigan ko. Kaya mahal na mahal ko 'tong mga 'to e.

"Di gagana saakin yang katarayan mo!" Sabi ni Liza tapos inikutan lang siya ng mata ni Nadine. Natahimik kami ng biglang dumaan si Daniel sa may table namin.

Tiningnan ko siya pero nagulat ako ng makitang nakatingin din siya saakin. Nagtitigan kami? Yun ba tawag duon? Pero hindi manlang siya ngumiti.

Si Daniel ba talaga yun?

"Ay hala, ang weird naman. Bakit hindi ngumiti si Daniel saatin?" Tanong ni Liza na nagkibit balikat lang ako.

"Okay lang kung di siya ngumiti saatin, pero kay Kath? Parang bago ata yun." Sabi naman ni Julia tapos inasar nanaman ako ni Liza kay Daniel.

"Ewan ko sainyo." Sabi ko nalang habang nakangiti.

"Ang gwapo niya pa din ha." Biglang sabi ni Nadine, matagal ko ng napapansin na attracted siya kay Daniel.

Sabagay gwapo naman talaga si Daniel, at sobrang lakas ng charisma. Iba yung dating niya e. Basta um, ano bang magandang term? Ayun, ang angas niya. Yun ang nagpapagwapo sakanya.

Ano ba itong iniisip ko? Buti nalang at nag ring na ang bell. Ng magising na ako sa katotohanan, kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko dahil kay Liza! Ang dami niya kasing sinasabi tungkol saamin ni Daniel.

Pumasok na kami sa room, nanduon na si Daniel. Tinabihan siya ni Nadine. Nagkatitigan ulit kami pero hindi pa rin siya ngumiti. Edi wag! Joke.

Bigla akong napatingin kay Julia tapos nagkibit balikat lang siya. Tapos nakita ko si Liza na nakikipag asaran na kay Enrique, grabe ang dalawang yun. Hindi na napagod.

Buong klase hindi ako pinansin, nginitian, lingunan ni Daniel. Ang weird niya naman, hindi ako sanay. Madalas kasi ay ginugulo niya ako kapag klase. Masyado daw kasi akong concentrated.

Kaso ngayon, lalo akong hindi nakakapag concentrate dahil sa inaasal niya. Shinake ko nalang ang ulo ko, wag ko na nga lang siya munang isipin. Baka may dalaw.

Break time na namin, pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Wala nga siyang pinapansin. Ang tahimik niya lang, iniisip ko na baka may problema lang siya kaya ganun. Nagmadali nga siyang lumabas ng room e.

Kumakain na kaming 4 sa canteen ngayon. Napagdesisyunan namin na kumain muna bago ang practice. Pero hindi talaga mawala sa isip ko si Daniel.

Bakit ba kasi ganun ang inaasal niya? May nagawa ba akong kasalanan sakanya? Ano ba yan, kung kailan nagkabati bati na si Nadine at James, Julia at Iñigo, e ngayon naman 'to mangyayari? Hay nako.

"Kath!"

"Oy Kath!"

"Okay ka lang?"

Napalingon ako, "Ah-ah oo! Sorry." Masyado na ata akong na pre-occupied at hindi ko na napapansin ang pinag uusapan nila. Kaya nagdesisyon ako na mag paalam na pupunta na ako sa pag prapractice-an namin.

Pagdating ko duon wala si Daniel, pero okay lang. Magprapractice pa rin ako. Pagka kuha ko ng bike napansin ko sa basket na mayroong letter na nakalagay duon. Kaya agad kong binuksan.

Punta ka sa likod ng school.

- :)

Galing kay smiley face? Wow, lahat naman ng tao pwedeng maging si smiley face. Pero sinunod ko pa din yung sinasabi sa letter. Umangkas ako sa bike at nagpunta sa likod ng school.

Pagkadating ko dun napanganga ako, "Wow."

Kasi, nandito si Daniel sa likod. Nakaupo siya sa isang banig na maraming pagkain. Parang picnic. Ang cute nga e, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kuhanan siya ng picture.

"Wag ka na nga mag picture diyan! Kumain ka na, alam kong di ka kumain kanina." At sa wakas ngumiti na siya.

Lumapit ako dun at sinabayan siya sa pagkain. Ang sarap nga ng mga dala niyang food, mga paborito ko. "Sinong nagluto?" Tanong ko.

"Mommy." Nakangiting sabi niya, na nagpanatag ng loob ko. Finally, bumalik na yung dating Daniel.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa napaisip ako, "Para saan nga pala 'to?"

"Yayayain sana kita mag date." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Date? As in D-A-T-E? As in yung four letter word na yun? What? Imposible!

"I-I mean hindi yung romantic date. Friends friends lang ganun. Para lang mas makilala natin yung isa't isa." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Sige, tutal weekends na bukas." Nakangiting sabi ko tapos napalingon ako sa may bandang puno. At nagulat ako ng nakita ko na nandun si Nadine. Pinikit ko ang mata ko, pero wala na siya.

Ang weird.

"May problema ba, Kath?" Tanong ni Daniel pero umiling lang ako habang nakangiti.

****

sorry sorry sorry at nalate 'to ng update. ptc kasi namin kahapon! kaya ayun medyo nawala sa isip ko. :)

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon