KENNETH'S POV
-
Ako nga pala si Kenneth Ken Mendoza, 17 years old ang LIZA SOBERANO ng Antipolo City, charot lang!, diba? lalaking lalaki ang pangalan ko? pero ang puso kopo ay babaeng babae, pero before you judge me simpleng gay lang ako, hindi ako masyadong baklang bakla unlike sa mga ibang gays na todo kong mag foundation, pak na pak ang mga labi ako simple lang talaga kung hindi moko kakausapin di rin kita kakausapin, pero madaldal ako sa mga kaclose ko.
Isa akong grade 11 dito sa isang kilalang school dito sa ANTIPOLO ang ASTON UNIVERSITY pero di ako mayaman, poor po ako nakakuha lang talaga ako ng scholarship kaya ako nakapag enroll dito.
-
-
Dahil first day of class maaga ako nagising kasi super excited ako sa new school ko, at sa mga new classmates ko.
"Ma papasok na po ako"
"Sige anak ingat ka ha? eto nga pala ang baon mo, pagpasensyahan mona wala kasi akong nahiraman kahapon"
Inabot sakin ni mama yung 30 pesos na hawak nya, alam kong gusto nya akong bigyan ng malaking baon pero ayon lang talaga ang kaya nya at tanggap ko yon, ayos lang sakin kasi sanay ako sa hirap, hindi ako nag eexpect na malaking pera ang babaunin ko.
"Ano kaba ma, ayos lang po yon ang importante may baon ako diba?"
Niyakap ko ang mama ko at nagpaalam na aalis nako.
ETO ang pinaka ayaw ko sa lahat ,ang walang katapusang TRAFFIC, ang aga ko na ngang umalis ng bahay pero bakit ganon malelate paden ako, kung nilakad ko nalang siguro nasa school nako, tinangnan ko yung phone ko at 10 minutes nalang malelate nako buti nalang at nakarating nadin ako.
Mabilis akong bumaba ng jeep at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko, WOW! ang ganda ng school at ang laki pa siguro mayayaman talaga ang mga nag aaral dito, pero mas lalong lumuwa ang mata ko ng maalala kong hindi ko nakuha ang sukli ko sa driver! pano nato! yun nga lang ang pera ko huhuhu pano ako makakauwe nito.
"Manong yung sukli ko!!!! sandali lang!!!"
Tinodo kona yung boses ko pero walang effect humarurot na paalis yung jeep
Wala ako sa wisyo ng pumasok ako sa school at lutang na naglalakad at hindi ko na napansin na may kasalubong ako at nag kabanggaan kami para akong nauntog sa pader kaya natumba ako, omg mga besh! ang sakit sobra pero imbis na mag sorry ay nagalit pa sakin yung naka bungguan ko.
"Are you blind?! o sadyang tanga kalang?!"
aba! bastos tong lalaking to ah, gwapo pa naman sana kaso bulok ang ugali di man lang marunong mag sorry!
"Wow ha? ikaw na nga tong nakasakit ikaw pa may ganang magalit dika man lang nag sorry"
diko na talaga napigilan ang sarili ko na highblood nako sa lalaking to
"Bakit ako magsosorry?!, kasalan mo yon kasi tatanga tanga ka"
aba! aba! sumusobra na talaga tong lalaking to, kung makapagsabi ng tanga akala mo kung sino
"Tol tama nayan malelate na tayo"
nagsalita na yung isa nyang kasamang lalaki, gwapo din ha, at yung isa naman ay nanunuod lang gwapo din pero mukhang manyak hahahahah
"Eto kasing baklang to, bago kaba dito at hindi mo kami kilala? HINDI MOKO KILALA?"
ay? kailangan talaga makilala ko kayo? lalong lalo kana YABANG artista ba kayo? gusto ko sanang sabihin sa kanila pero wag nalang
"Oo bago ako dito, ano naman? bakit kayo ba may ari ng school nato? atsaka wala akong balak makilala kayo, lalo kana YABANG"
"anong sabi mo? pakiulit nga?"
Lumapit sakin yung lalaki na parang papatayin ako, jusko po ayoko ko pang mamatay marami pakong mga pangarap sa buhay huhuhu.
"Ah eh ih wala wala"
Tinulak ko sya at mabilis na tumakbo pero sumigaw sya "magkikita din tayo bakla!" kinabahan naman ako mamaya member pala sya ng isang sindikato baka ipapatay ako at kunin ang kiney ko, JUSMIYO MARIMAR AMO NI PULGOSO late nako ng 5 minutes buset kasi yung YABANG nayon eh paepal! First day na first day late agad ako huhuhu nakakahiya.
-
-
TERRENCE POV
.
Ako si TERRENCE ALCANTARA 18 years old anak ng may ari ng school nato, at myembro ng varsity at madalas akong habulin ng mga babaeng diko kilala kaya madalas akong mag tago baka malapa pa ko ng mga ayon at hindi ako natutuwa sa ginagawa nila.Gusto ko lang ng simpleng buhay yun lang.Nakakabadtrip ngayong araw, badtrip na nga sa bahay pati ba naman sa school badtrip den! tsssskk
"Tol baka naman mamatay lahat ng makasalubong natin dahil sa kunot ng nuo mo"
Nilingon ko Kevin mabuti nalang talaga kaibigan ko sya kundi nasapak kona tong lalaking to, lakas mang asar sakin kundi kolang talaga to kilalang kilala iisipin ko bakla to at may gusto sakin.
"Tama na nga yan, pumasok na tayo at malelate nadin tayo"
Buti patong si Lance kalmado lang at hindi ako kinokontra.
"Pero maiba tayo, Hindi imubra yung kagwapuhan mo dun sa baklang nakabangga mo kanina siguro malabo mata non" -KEVIN
ttssssskkkkk pina alala nya pa isa nga yon sa nakapag badtrip sakin, mag kikita din kami non at pag nangyari yon pagsisihan nyang binangga nya ako.
BINABASA MO ANG
The Golden Boys Meet The Superstar
Teen FictionKapag PUSO na ang nasaktan ISIP na ang lalaban! Kapag PAMILYA na ang nasaktan Hindi pwedeng dika LALABAN! . . . Sa mundong ating ginagalawan Hindi pwedeng dika MAHIRAPAN Pero sa lahat ng hirap na ating PINAGDAANAN Tayo'y naging MATATAG at natutong...