KENNETH'S POV
-
Hindi ko alam kung parang ang bigat ng katawan ko parang pinipigilan ako na pumasok sa school, papalapit palang ako sa school ay nilapitan na agad ako ni charlene at pawis na pawis sya umagang umaga mukha na syang uwian.
"Cha, anyare sayo? bakit pawis na pawis ka?"
hinila ako ni charlene sa may gilid
"Ken, wag ka muna kaya pumasok" -charlene
Ha? nagtaka naman ako bakit hindi nya ako papapasukin?
"Ha? bakit naman?"
"Basta wag kanang pumasok umuwe kana muna" -charlene
"Bakit nga? sabihin mo sakin, may problema ba?"
"Kasi ken, hinabol ako nila Quennie at ng mga alepores nya at hinahanap kanila"
"Ha? Queenie? sino sya? at bakit nila ako hinahanap?"
Ikinuwento sakin ni charlene yung nangyari si Queenie pala ay babaeng patay na patay kay terrence at ang mga babaeng kasama nya, hini hunting daw nila ako kasi binastos ko daw ang bebe nila, napakababaw naman ng dahilan nila.
"Thats the gay! sugurin natin sya girls!"
nilingon ko kung saan nang galing ang boses nayon, at nagulat ako kasi andaming babae at mga bakla na papalapit sakin.
"ken takbo! ako nang bahala dito sa sarili ko" -charlene
kumaripas ako ng takbo papalayo sa mga baliw na mga babae at mga bakla na supporters ni YABANG, habang tumatakbo ako ay may humila sa braso ko at tinakpan ang bibig ko, kinabahan ako mamaya hired killer to na inutusan ni yabang para patayin ako, pero bigla syang nagsalita.
"Wag kang maingay baka marinig ka nila"
Nilingon ko yung lalaking humila sakin, at sya sa mga kaibigan ni YABANG!, nakaalis nadin yung mga baliw na mga babae at bakla.
"Ayos kalang ba?"
Omg! Besh bigla akong natatameme ito ba yung sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT? ang gwapo nya pala sa malapitan, matangos ang ilong ang ganda ng labi at nakakaakit ang mga mata nya.
"Ah eh oo salamat po"
"Ano kaba wag mo na ako ipo di naman tayo nagkakalayo ng edad, by the i am LANCE BUENAVENTURA"
inabot nya sakin ang kamay nya, hindi ko alam kung dapat ko ba to abutin, pero in the end inabot ko din hahaha pabebe lang.
"Ako na man si Kenneth ken Mendoza, ken nalang for short"
"Tara sabay na tayo baka mamaya makita kapa ng mga babaeng humahabol sayo"
"Ah eh wag na po, nakakahiya naman"
"Ano kaba naman ayos lang yon, bakit kaba nila hinahabol?" -lance
sabay kaming naglalakad sa hallway yung ibang nakakita samin ng bubulungan parang mga bubuyog, pasimple kong tinitingnan ang mukha ni lance ibang iba sya kay yabang, ewan koba kung paano sila naging magkaibigan.
"Sa totoo lang wala naman talaga akong atraso sa mga yon, nagalit lang sila sakin kasi inaway kodaw ang bebe nilang si yabang"
"Sinong yabang" -lance
"Sino pa edi yung kaibigan mong si Terrence!, ay pasensya napalakas ata"
"hahaha nakakatuwa ka pala talaga kaya pala inis na inis sayo si terrence," -lance
habang naglalakad kami ay dumating si charlene.
"Ken may malaki tayong problema" -charlene
problema na naman hindi ba ako mauubusan ng problema.
"Anong problema cha?"
"Yu-yung may ari ng school nato yung lolo ni terrence gugusto kang makausap"
si sir Emillio gusto akong kausapin? siguro nagsumbong na yong YABANG nayon, ang tanda tanda na sumbungero paden ahhaha.
"Asan sya?"
"Nandon sa may admission office" -cha
"Tara cha samahan moko"
"Samahan ko nadin kayo" - lance
.
.
.
.
TERRENCE POV
.
ewan ko lang ngayon kung lalabas pa ang pagiging amazona ng baklang pag nakaharap na nya si lolo ha!ha!ha!
Ilang saglit pa ay dumating na si baklang amazona at kasama nya si lance, but why? bakit kasama ni lance si baklang amazona.
"Good morning po sir EMILLIO"
bati ni baklang amazona kay lolo, sandali pano nya nalaman ang pangalan ni lolo? magkakilala ba silang dalawa?
"Ken? is that you?" -lolo
"opo sir, the one and the only KEN"
pa one one and only pa eh mukhang tukmol.
"So ken, ikaw pala yung sinasabi ng apo ko na nagtapon sa kanya ng basurahan" -lolo
Yan sige po lo pagalitan nyo yang bakla nayan wuhahahaha.
"Sya po kasi ang nanguna sir, pinagtripan ba naman po ako"
Nako paktay na nagkwento ni si baklang amazona at hindi napigilan ang bunganga nya parang armalite sa pag bira.
"So ang apo ko pala ang nanguna?" -lolo
"parang ganon napo sir"
This time nakisali nako para naman malaman ni lolo ang side ko.
"Lo? wag ka ngang maniwala sa baklang yan sinungaling yan, sino bang paniniwalaan nyo? sya o ako na apo nyo?"
Kilala ko si lolo hindi sya kumukunsinto kung alam nyang mali at dahil sa kilala ako ni lolo alam kona kung anong susunod na mangyayari.
"Ah ken, pwede kanang bumalik sa room mo kasama ng kaibigan mo, ako nang bahala sa apo ko" -lolo
Kinabahan ako kasi alam kona kung anong gagawin sakin ni lolo walang katapusang sermon na naman at sigurado ako pipilitin na naman ako ni lolo na pumuntang ibang bansa at yun ang ayaw ko na mangyari.
"Terrence after ng class mo dumiretso ka ng bahay at mag uusap tayo".
-
-
Pag uwe ko ng bahay ay dumiretso ako sa may library room namin dahil don madalas magpalipas ng oras si lolo.
"Lo? ano pong paguusapan natin?"
"Apo hindi kana ba talaga magbabago?
"Lo ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang nauna, bakit ba ang hirap sa inyo na paniwalaan ako?"
"Kasi mahirap terrence, napaka hirap, kung hindi ka magtitino mapipilitan akong pasunodin sa daddy mo sa ibang bansa sa ayaw at gusto mo"
siguro para sa iba akala nila perpekto akong tao mayaman, maraming pera, gwapo at may talento sa larangan ng basketball pero hindi nila alam na gusto ko din maranasan maging malaya yung hindi titingnan o mamatahin yung nga ginagawa mo, yung malaya kang gawin kung anong gusto para sa sarili mo ng walang kokontra sayo.
.
.
.
KENNETH'S'S POV
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga naging lessons namin kahapon ng dumating yung prof namin at sinabing may iaannouce daw syang importante may bago daw kasi kaming classmate, kaya medyo na excite ako sino kaya yon, lalaki kaya? sana hahahahah, sana pogi ahhahahaha, pero taliwas lahat sa inaakala ko dahil ang pumasok sa classroom namin ay walang iba kundi si yabang, oo si yabang! ang nagiisang si YABANG! todo kilig naman yung mga iba kong kaklase akala mo sinilihan ang mga pwet sa pag pasok ni yabang! akala mo kung sinong gwapo iwww yakkkk kadiriii.
"Okay class listen, Mr alcantara is your new classmate he wanted to be part of this section dahil may gusto daw syang makasama dito, sino kaya yon?"
Nagtilian naman yung mga pakawala kong classmates akala mo artista si yabang, may pa dahilan pa syang may gusto syang makasama dito, paki ko pwe!
"Okay mr. alcantara you can sit down beside of mr. mendoza since wala naman syang katabi"
Ano? what?! why?! sabihin nyong hindi totoo yung sinabi ng prof namin, tell me! huhuhu.
"Sir! what!"
sakin naman na baling ang tingin ng mga kaklase ko at mga naka killer eyes pa sila ah may narinig pako "Hay nako ayan na naman sya, bidabida" "ano bang problema nya" "kung maka react kala mo maganda"
"Why Mr. Mendoza? may problema ba sa sinabi ko"
"Ah eh wala po sir, pasensya napo."
Tumabi naman sakin si Yabang at pangiti ngiti pa akala naman nya madadaan nya ako sa mga ngigi nya, neknek nya!
"Hi new sit mate, Terrence nga pala"
with matching abot kamay pa, inignore ko lang sya, dedma sa kanya lokohin na nya lahat pero wag ako!.
"Ay ang sungit naman po pala"
dedma ulit sya sakin, dedma na sana pero bigla syang bumulong "kung makapaginarte akala mo maganda" kaya na highblood ko 200 over 300 charot! haahahha.
"ANO BANG PROBLEMA MO YABANG! DI KANAM NAMAN BA NAKAINOM NG GAMOT MO HA?"
dahil sa inis ko nawala sa isip ko na nasa Classroom pa pala ako kaya for the second time na sakin na naman ang atensyon ng mga classmates ko huhuhu.
"Mr. Mendoza kung hindi ka interesado sa subject ko pwede kang lumabas malawak ang pinto"
"So-sorry po sir"
Narinig ko namang ang mahinang tawa ni yabang kahit na pinipigilan nya ang tumawa, pero dahil ako si KENNETH ANTON MENDOZA! lumapit ako sa kanya at pasadyang tinapakan ang paa nya kaya napasigaw sya sa sakit at sya naman ang napagalitan hahaha buti nga sa kanya masyado kasing papansin eh.May binato naman sya sa mukha ko na papel ang sakit ah sa feslak ba naman ibato bastos lang? nakasulat sa papel "Humanda ka sakin mamaya" sinagot kodin naman sya "Takot ako grabe".
"Okay class meron kayong by partner na activity, and you can choose your partner"
yung mga classmate ko nakapili na sila ng mga partner pero ako wala pa kasi wala pa naman ako masyadong ka close.
"Tayo nalang partner"
sinamaan ko sya ng tingin kung may binabalak syang hindi maganda pwes hindi sya mag tatagumpay.
"ayoko nga"
Akala nya ha? madadala nya ako sa pagpacute nya utot nya.
"Sige ka wala kang ka partner mazezero ka sa activity at babagsak ka at mawawalan ka ng scholarship"
Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi nya.
"Oo na partner na tayo dami mo pang sinasabi dyan"
"Okay partner"
BINABASA MO ANG
The Golden Boys Meet The Superstar
Teen FictionKapag PUSO na ang nasaktan ISIP na ang lalaban! Kapag PAMILYA na ang nasaktan Hindi pwedeng dika LALABAN! . . . Sa mundong ating ginagalawan Hindi pwedeng dika MAHIRAPAN Pero sa lahat ng hirap na ating PINAGDAANAN Tayo'y naging MATATAG at natutong...