KENNETH'S POV
-
Kasalukuyan akong nag babasa ng mga lesson na Ipina sulat samin kahapon nakasanayan kona kasi ang mag advance reading, mayamaya ay nagtaka ako kung bakit biglang naging maingay sa may campus at yung mga classmate kong babae at mga bakla ay nagmamadaling lumbas kaya tinanong ko yung isa kong kaklase.
"Ate bakit kayo naglalabasan, ano pong meron?"
"Nandyan yung "GOLDEN BOYS!"
yun lang yung sinabi nya at nilayasan nako agad "GOLDEN BOYS?" ano yon? mga lalaking gawa sa ginto? dahil sa na curious ako ay sinilip kona ang labas at nawindang ako kasi halos lahat ng studyante ay nasa may corridor may pa banner at may mga nagsisigawan at nagtitilian at nakatingin sa may quadrangle kaya sinilip kodin, nasan ang sinasabi nilang GOLDEN BOYS? eh tatlong studyante lang naman ang nandon nababaliw naba ang mga studyante dito sa school? nang nilibot ko ang mga mata ko ay nakita ko yung kaibigan ko sa may baba dahil sa na excite ako ay sinigawan ko sya as in super duper mega siga.
"CHARLENE!!! CHARLENE!!!!"
dahil sa lakas ng sigaw ko ay narinig agad ako ni charlene eh nasa may 3rd floor lang naman ako hanggang 6th floor kasi tong school hahaha skl hahaha pero hindi lang si charlene ang nakapansin sakin, halos lahat ng studyante ay nakatingin na sakin lahat na para bang mangangain ng tao, problema nila?.
narinig ko yung mga iba na nagbubulungan may mga nagsasabi "sino sya?" "na babaliw naba sya?" "di ba nya kilala ang golden boys" ilan lang yan sa mga sinabi nila sakin at yung iba puro pang lalait na sakin, diko nalang si pinansin at bumaba nalang ako para puntahan si charlene.
"Besh! long time no see!"
binati ko sya sabay niyakap masaya lang kasi ako this kasi may makakausap nadin ako maya maya pa ay may tatlong lalaking lumapit samin at yung isa hinawakan pako sa balikat at hinarap sa kanya.
"Wala ka ba talaga alam gawin sa buhay mo kundi ang sirain ang araw ko"
yan ang bungad sakin ni yabang hindi ko alam kung bakit tinopak na naman to siguro hindi to nakainom ng gamot o di kaya pinaglihi sa sama ng loob.
"Ano bang problema mo YABANG?"
"anong sabi mo mayabang ako?"
"Ang sabi ko ang bait mo!"
"Di mo ba talaga ako nakikilala?"
medyo naiinis na yung boses ni yabang ang sarap nya lang pikunin hahahaha.
"Pano kita makikilala eh wala ka namang ID"
biglang namula si yabang at yung dalawa nyang kasama ay pinipigalan nalang ang pagtawa.
"Gusto mong pakaiinin kita ng id!?"
"Id? ayoko nga gusto ko kung pakakainin moko yung masarap na"
"Pinipilosopo mo ba ako?!"
"Hindi, bakit naman kita pipilosopohin"
hihilahin ko na sana si charlene paalis dito sa grupo ni yabang para matapos na, baka kasi atakin sa puso si yabang sa sobrang galit pero hinawakan ako ni yabang sa braso.
"San ka pupunta?!"
"Sa room ko, bakit sasama ka?"
"Hindi ka pupunta sa room mo!"
aba! aba! aba! sino sya para pagsanbihan ako na wag pumunta sa room ko, bakit sya ba ang may ari ng school nato.
"Bakit ikaw ba ang may ari ng school nato ha yabang?"
dahil sa ang kulit ni yabang ay kinagat ko yung kamay nya para mabitawan nya ako sabay hila kay charlene at tumakbo kami pero sumigaw si yabang
"HUMANDA KA SAKING BAKLA KA!"
kinabahan naman ako sa banta nya nako baka katapusan kona huhuhu
-
-
"Baks? dimo ba talaga sila kilala? lalong lalo na yung yabang na sinasabi mo?"
halata sa boses ni charlene ang pag aalala
"Bakit charlene sino ba sila?"
Kinuwenti sakin ni charlene ang tungkol sa tatlong magkakaibigan nayo sila daw ang "GOLDEN BOYS" bukod sa mga gwapo, mayayaman ay myembro din sila ng varsity ng school at talagang kilalang kilala sila sa buong campus at halos lahat ng babae at mga bakla ay nagkakandarapa mapansin lang sila ng tatlo at ako palang daw ang kauna unahang na naglakas loob na umaway sa tatlo lalong lalo na kay yabang, pero ang isang nag pakaba sakin ng sabihin ni charlene na ang may ari ng school na pinapasukan namin ay pamilya ni yabang! OMG! diko alam kung anong gagawin ko! ano bang ginawa ko huhuhu patay ako nito pamilya pala ni yabang ang may ari ng school nato.
"Baks ayos kalang ba bakit parang namumutla ka ata?"
"Ah eh ih a-ayos lang ako be"
Pumasok na kami sa room namin kasi magkaklase pala kami ni cha, at pag pasok ko nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko yung parang nakagawa ako ng malaking kasalanan, hindi ko nalang sila pinansin dahil may mas malaki pa akong problema! Si yabang
baka ano mang sandali ay ipatawag ako sa guidance office.
Mayamaya pa ay dumating na ang prof namin.
"Sino pala sa inyo si mr. kenneth mendoza"
Nagulat ako kasi bakit nya ako tinawag, hindi nga ako nagkamali at sinabi nya na pinapatawag daw ako sa guidance at kailangan konang pumunta. kabadong kabado akong pumunta sa guidance pakiramdam ko ano mang oras ay matutumba ako sa sobrang nerbyos, habang naglalakad ako may mga studyanteng lumapit sakin at pinagbabato ako ng maraming papel ang sakit lang kasi nakabilog yung mga papel kaya solid ang pagtama saki, may lumapit naman sakin na lalaki at hinimas ang likod ko.
"Ayos kalang ba? pagpasensyahan mo na yung mga studyante nayon"
ouch na touch naman ako kasi meron pa palang natitirang mabait dito sa school namin habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante at pinagtatawanan, anong problema nila? nababaliw naba sila? hanggang sa naramdaman kong parang may nakadikit sa likod ko kaya kinapa ko, may nakapa akong isang papel na ang nakasulat ay " BAKLA AKO! SALOT AKO!" diba ang hard nila sakin, inalala ko kung pano ako nagkaroon nito sa likod at naalala ko na yung lumapit pala sakin na lalaki kanina ang naglagay nito.
Nang makarating ako sa tapat ng guidance ay lalo akong kinabahan pero nilakasan ko ang loob ko at pumasok nako.
pagpasok ko sa loob nandon na si yabang at yung mga kaibigan nya pati si dean na lalong nagpakaba sakin.
"Good morning po ma'am"
"Siguro naman alam mona kung bakit kita pinatawag dito mr. mendoza"
"O-opo ma'am"
Jusko po halos mangiyak nako sa sobrang kaba hinihiling ko nalang na bumukas ang lupa para kainin nako.
"Alam mo ba na ang taong binastos mo ay anak lang naman ng may aring pinapasukan mo?"
"Hi-hindi ko naman po kasi alam"
"At alam mo ba na pwede kang mapatalsik sa eskwelahang ito? o di kaya naman ay mawalan ka ng scholar ship"
natahimik ako sa sinabi ni dean, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, paano ko sasabihin sa nanay ko ang tungkol dito kung mapatalsik man ako dito sa school san pa ko makakahanap ng magandang paaralan at mag sisimula ulit ako sa wala.
"Ma'am sorry po hindi ko naman po talaga sinasadya at hindi ko din po alam na anak si yaba- ay anak sya ng may ari ng school nato."
"Hindi ka sakin dapat mag sorry, mag sorry ka kay mr. alcantara"
Hinarap ko si yabang at aba! nakangisa pa pati yung isang asungot na kaibigan nya, ano happy sya na nagyayari sakin to? sama talaga ng ugali nya. Nag dadalawang isip ako kung manghihingi ba talaga ako ng sorry kasi una, sya naman yung nakasakit sakin at sibihan ba naman ako na bulag at tanga, pangalawa kinamista kolang naman yung kaibigan ko at bigla na lang sya sumulupot at kung ano ano ng sinabi kesho sinira ko daw ang araw nya at hindi ko daw ba sya kilala.
"Nako dean, mukhang ayaw nya atang mag sorry pakisabi nalang kay dad na palayasin na sya dito sa school" -yabang
"wait lang, eto na nga eh mag sosorry na excited? may lakad? san punta? sama. 'Sorry po' "
"Sorry yun lang? pag katapos mo kong kagatin kanina? sorry lang sasabihin mo?" -yabang
"Diba sabi mo mag sorry, edi nagsorry na nga po ako, sorry po"
"Hindi ko matatanggap ang sorry mo gusto ko lumuhod ka sa harap ko tsaka ka mag sorry sakin, tapos ang usapan"
Mukhang gusto talaga akong pahirapan ng yabang nato, nag sorry na nga ako chuicy pa! piling pogi! dahil sa natatakot na mawalan ng scholarship at mapaalis dito sa school ay susundin ko nalang ang utos nya para matapos nato, pero habang papaluhod ako naalala ko ang sinabi ng tatay ko "anak kapag alam mong nasa tama ka wag kang matakot ipaglaban ang sarili mo" kaya imbis na lumuhod ay hinarap ko si dean.
" Dean sorry po hindi kopo magagawang lumuhod dahil unang una wala akong ginawang kasalanan sa yabang na yan, at pangalawa hindi po ako aso para sundin ang ipinaguutos nya, tanggalan nyo po ako ng scholarship kung may kasalanan ako hindi po dahil anak yan ng may ari ng school nato"
pagkatapos kong sabihin yon ay umalis nako, kahit natatakot akong mawalan ng scholarship o hindi makapag aral ay magaan ang pakiramdam ko dahil naipaglaban ko kung anong dapat at kung ano ang tama, bubuksan ko na sana ang pinto ng may pumasok na isang babae at nabasa ko ang pangalan nya sa kanyang ID Ms. Lylanie Tuazon, nag isip ako bigla parang pamilyar kasi ang pangalan buti nalang at hindi ako makakalimutan at naalala ko na yun ang pangalan ng school dean namin, pero kung sya si ms tuazon sino yung dean na kausap ko kanina kaya bumalik ako sa loob at laking gulat ko dahil nagtatawanan sila yabang at yung banaeng dean kanina ay biglang naging lalaki, biglang pumasok lahat sa isip ko kung ano ba talaga ang ginawa nila! niloko nila ako?!, agad kong dinampot yung basurahan at binato ko kala yabang!
"Ikaw talaga yabang! baliw ka! gusto mo talaga akong atakihin sa puso dahil sa kaba! mabuti nalang nalang at hindi ako tanga!"
sabay walk out, habang naglalakad ako pabalik sa room ko ay nakasalubong ko yung medyo matandang lalaki na tinulungan ko kahapon at nagulat din sya sa pag kikita namin.
"Sir kayo po pala, ano pong ginagawa nyo dito? may anak po ba kayo o apong nag-aaral dito?"
"Ay hindi anak, ako ang may ari ng school nato pero ang anak kona ang namamahala pero may apo din ako dito, ang liig ng mundo dito ka pala nag-aaral"
"ah eh opo sir, nakuha po kasi ang ng scholarship dito sa school kaya nakapasok po ako dito"
habang naglalakad ay nagkwentuhan kami nakilala ko na sya pala ay si MR. EMILLIO ALCANTARA, kung ang tatay ni yabang ang may ari ng school nato ibig sabihin ay lolo nya si air Emillio pero bakit ang layo ng ugali nila sa isat-isa super layo talaga.,
,
,
,
TERRENCE'S POVAng sakit ng ulo ko dahil sa ginawa ng baklang yon batuhin ba naman kami ng basurahan.
"Ano nakahanap din kayo ng katapat nyo"
sinamaan ko ng tingin si lance hindi ko alam kung kaibigan ko talaga to eh, kasi di man lang ako inaalala.
"Terrance ayoko na lumapit don sa amazonang bakla nayon, ang tapang grabe hindi manlang natakot sayo ahhahaah" -kevin
dahil sa inis ko ay binatukan ko si kevin, hindi kasi sya nakakatulong eh nakakabwiset pwede pa, napakamot nalang tuloy sya sa ulo nya.
"May araw din sakin ang baklang yon ewan kolang kung hindi mawala ang pagiging matapang nya"
Habang nag usasap kami ay biglang dumating si lolo.
"Lo? ano pong ginagawa nyo dito?"
"Wala lang, i just wanted to visit my favorite grandson, bakit ganyan ang itsura nyo soguro nakipag away na naman kayo no?"
"Ay hindi po sir, may nagtapon lang po samin ng basurahan na isang bastos na estudyante" -kevin
"Are you sure na hindi kayo ang nanguna?"
"Opo sir hindi po" -kevin
"Sige bukas gusto kong ipatawag yang estudyanteng sinasabi nyo, at kayo din ay pumantang tatlo"
Pag katapos non ay umalis na si lolo, binatukan ko naman si kevin dahil sa katangahang ginawa nya.
"Aray ko torrence, buntis kaba? at ako ang pinaglilihian mo? o baka naman meron ka ngayon" -kevin
kita moto ang lakas na naman mang trip.
"Bakit ka sinabi kay lolo ang tungkol sa nangyari, yang bunganga mo talaga hindi matigil para kang babae".
Ayaw ko nga muna sana makita ang baklang amazona nayon kasi panira ng araw pero dahil sa kapalpakan nitong si kevin ay kailangan ko ulit mag tyaga na makita ang baklang amazona nayon.
BINABASA MO ANG
The Golden Boys Meet The Superstar
Genç KurguKapag PUSO na ang nasaktan ISIP na ang lalaban! Kapag PAMILYA na ang nasaktan Hindi pwedeng dika LALABAN! . . . Sa mundong ating ginagalawan Hindi pwedeng dika MAHIRAPAN Pero sa lahat ng hirap na ating PINAGDAANAN Tayo'y naging MATATAG at natutong...