KEN'S POV
.
Kanina pako hindi komportable dito sa kasabay ko pano ba naman nakabuntot sakin si YABANG! ewan koba kung bakit? at anong nakain nito at hindi nananahol hahaha.
"Bakit kaba sumusunod?"
"Ako sumusunod? Bakit naman ako susunod sayo, maganda kaba?, syempre maglalakad din ako sa daang to kasi nga recess diba?" -Yabang
OMG! pahiya ako don, masyado akong nag assume na sinusundan nya ko. Inirapan ko nalang sya at dumiretso nako sa canteen, kaya lang nang malaman ko ang mga presyo ay halos mangiyak ako diko afford ang mga bilihin dito kaya naisipan kong bumalik nalang ng room.
"San ka pupunta? di kaba mag rerecess" -Yabang
"Sa room paki mo ba?"
Nilagpasan ko nalang si yabang pero sa pangalawang pagkakataon may humarang ulit sakin ang mga babae ni YABANG.
nagsalita naman ang isang babae na parang leader ata nila
"Look guys, nandito pala ang baklang nanakit sa bebe terrence natin"
aalis na sana ako pero hinawakan ako ng mga babaeng kasama nito, at hiniwakan naman nya ako sa pisngi.
"Ang ayoko sa lahat ay yung kapag kinakausap ko ay tatalikuran ako"
Inagaw nya ang tubig ng isang estudyante at ibinuhos sakin ang laman nito kaya nabasa ako at nakatingin na samin halos lahat, pero si YABANG?! ayon nakatingin lang na parang walang nakikita. nahihiya ako para saking sarili dahil wala man lang akong nagawa, muli nya akong nilapitan.
"Tandaan mo ang mukhang to, ako ang reyna sa campus nato kaya pipiliin mo ang babanggain mo, by the way kung di mo pa ako nakikilala hayaan mong magpakilala ako sayo, I AM QUEENIE IMPERIAL"
pagkasabi non ay tinulak nya ako at tumawa ng tawa ng isang kontrabida sa isang teleserye, para akong basang sisiw sa itsura ko tumakbo nalang ako, hindi ko alam kong saan ako pupunta basta kailangan ko lang makalayo sa mga taong yon, nakarating ako sa may likurang bahagi ng school building ng school at doon ako umiyak ng umiyak sayang wala dito si mama para mapagsabihan ng mga problema ko, habang umiiyak ako ay may lumapit sakin na lalaki at nagabot ng isang panyo nang tingnan ko ay si lance pala.
"Akala ko ba matapang ka?" -Lance
"Matapang? pano mo naman nasabi?"
"Kasi wala pang taong naka tapat ka Terrence, i mean ikaw palang ang naglakas loob na sakta sya, kaya nga tawag nya sayo amazona" -lance
Napangiti ako sa sinabi nya, amazona daw kasi sa ganda kong to amazona? da! hahahaha.
"Hindi ako amazona, Fairy ako"
"Oh ayan ngumingiti kana, bagay sayo" -lance
Tinitigan ko ang mukha ni lance hindi nakakasawang tingnan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, is this LOVE? wag naman po sana kasi mas priority ko ang pag aaral at ayoko nang muling mainlove kasi nakakatakot na masaktan para kasi sa mga kagaya kong bakla ay mahirap makahanap ng lalaking magmamahal sakin ng tunay at walang hihinging kapalit
"Bakit ka nakatingin sakin, may dumi bako sa mukha?" -lance
"Ah-eh wawaala, salamat nga pala dito sa panyo mo at sa pag comfort"
Wow? ken comfort agad? nag assume kana naman kaya ka nasasaktan eh.
"always welcome kahit sino naman siguro ay gagawin ang ginawa ko kapag may nakita silang taong umiiyak." -lance
"Hindi lance, hindi lahat"
Pagkatapos namin magusap ay sinamahan nya ako pabalik sa room ko baka daw kasi makita na naman ako ng mga babae ni Terrence at saktan ako nahihiya man ay tinanggap ko ang alok nya. Naikwento ko din kasi sa kanya kung bakit ako nandon at bakit ako umiiyak. Nakita kong nakaupo nadon si YABANG nakangiti pa sakin, parang nakakaloko akala nya siguro natutuwa ako.
"Bakit mag kasama kayo ni lance? Buti napagtyatagaan ka ng kaibigan ko,si lance talaga ang hilig sa mga pusa"
Dinedma ko lang sya, Aaminin ko napikon ako sa sinabi nya pero mas nanaig paden sakin ang magpakumbaba dahil tinuro sakin ng nanay ko na dapat sa lahat ng pagkakataon kailangan nating magpakumbaba pero kapag sobra na hindi masamang lumaban at ipagtanggol ang ating mga sarili.
Nag mag uwian na ay nagmadali na akong lumabas baka kasi maabutan na naman ako ng mga babaeng yon lalo na si QUEENIE nakakatakot sya.
.
.
Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin ay may nakaparadang isang magandang sasakyan, sa isip ko siguro kaibigan ni mama yon, pag pasok ko ay si Sir Emillio lang pala ano kayang ginagawa nya dito? ano kayang kailangan nya?
pero biglang lumapit si kuya sakin at inakbayan nya ko para bang hindi na sya galit sakin.
"Tol dimo naman sinabi samin na may kakilala ka palang mayaman, baka naman pwede mokong mautangan dyan"
Ako ang nahiya sa sinabi ni kuya, kaya naman pala bigla syang bumait basta talaga pag dating sa pera ay nagiging anghel sya, mabuti nalang at nandon si nanay at hinila na si kuya paalis.
"Good Eve po Sir. Emillio ano po palang sadya nyo?"
"Didiretsohin na kita ken, Gusto kong ikaw ang maging tutor ng apo ko"
Na schocked ako sa sinabi ni sir emillio, me? Tutor? OMG! why me?
"Ah eh sir bakit po ako, marami naman pong iba dyan na mas magaling sakin"
Hindi lang talaga madiretso si sir emillion na kaya ayaw ko ay dahil sa ugali ng apo nya, baka isang araw palang na makasama ko si YABANG ay worldwar 2 na huhuhu.
"50 thousands a month, at bukod pa dyan ang matatanggap ng pamilya mo na mga groceries"
Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nya 50k! a month! san ka makakakuha non? Kahit libutin mo pa ang buong pilipinas ay wala kang mahahanap na 50k.
"Ah eh kasi sir ayos lang naman po sakin ang mag tutor, kaso lang po baka si YABANG, ay, yung apo nyo lang ang maging problema"
"Alam ko kaya nga kita inoferan ng malaking halaga, dahil alam kong mapag tyatyagaan mo ang apo, at alam kong kailangan mo ng pera para sa pamilya mo."
Sa hinaba haba ng pag-uusap namin ay sa oo kodin nag tapos ang lahat sinabi nya din sakin na after class namin ay tuturuan ko si YABANG since am shift naman kami pareho. Good luck talaga sakin sana lang talaga magkasundo kamj ni Yabang, sana lang.
-
-
-
TERRENCE'S POV
-
Tinawagan ako ni lolo na pumunta daw sa condo unit nya dito sa may cainta, may mahalaga daw kasi syang sasabihin at kailangan sa personal, halos mga 10 minutes akong naghintay bago nakarating si lolo at may kasama sya na nagpasakit sa mata ko, bakit kasama nya si baklang amazona?
"Lo, bakit kasama nyo nanaman yan?"
"Pumasok muna tayo apo sa loob at dun na tayo mag usap"
Ano bayan si lolo maguusap lang pala bakit sinama payang baklang amazona nayan pagnakikita koyan kumukulo ang dugo ko.
"Okay apo, kaya ko kasama si ken ngayon, because from now on he will be your tutor"
What! tama ba yung narinig ko! tutor! ano ako bata?! its a BIG NO! ano nalang sasabihin sakin ng mga kaibigan ko lalo na oag nalaman ni kevin parang babae pa naman yon mahilig pumutak ng pumutak.
"lo!? hindi napo ako bata para mag tutor pa"
"Exactly Terrance, hindi kana bata pero sa asal na pinapakita mo sakin ay mas masahol kapa sa bata" -lolo
"Lo pasensya napo hindi ko po talaga matatanggap ang mag ka tutor"
"Sigurado ka opo?"
"Yes lo, 100% sure"
"Okay madali lang naman ako kausap, sayang pa naman dito pa naman sana kita papatirahin sa condo ko at papayagan na sana kita na makuha ang kotseng pinapangarap mo, kaya lang mukhang ayaw mo ata" lumingon sya kay baklang amazona at sinabing "Pasensya na ken ayaw ng apo ko,makakaalis kana"
dahil sa sinabi ni lolo kahit labag sa kalooban ko ay nagdesisyon akong pumayag nalang, minsan lang sabihin ni lolo to kaya igagrab kona ang opportunity baka mag bago pa ang isip nya.
"Sandali lang lo, pumapayag napo ako"
"Papayag din naman pala, pero sasabihin ako sayo apo dito din titira si ken"
Sabay pa kaming napa WHAT! ni baklang amazona! wow maka what sya kala mo naman gusto kong makasama sya kala mo maganda iwww.
"Pero sir wala po sa usapan natin yan diba? ang sabi nyo po tutor lang, bakit may pagtira na magaganap" -Baklang amazona
"Dont worry ken, napag usapan na namin yan ng mama mo kahapon bago kapa dumating at pumayag naman sya" -lolo
kung maka react naman si baklang amazona akala nya gusto kong makasama sya
"Lo ano ba namang kalokohan to, bakit nyo naman ako hahayaang makasama yan malay ko ba kung saang galing lupalop yan galing"
"Sa ayaw at sa gusto nyo ay wala na kayong magagawa, ken sabihin molang sakin kung may ginawang kalokohan tong si terrence"
nilapitan ni lolo si baklang amazona at sinabing "Ikaw na ang bahala sa apo ko" , makaalis lang talaga si lolo ay yari sakin tong baklang to, grabe talaga si lolo sakin hayaan ba naman akong maiwan kasama tong amazona nato mamaya kung anong gawin nito sakin.
BINABASA MO ANG
The Golden Boys Meet The Superstar
Teen FictionKapag PUSO na ang nasaktan ISIP na ang lalaban! Kapag PAMILYA na ang nasaktan Hindi pwedeng dika LALABAN! . . . Sa mundong ating ginagalawan Hindi pwedeng dika MAHIRAPAN Pero sa lahat ng hirap na ating PINAGDAANAN Tayo'y naging MATATAG at natutong...