Chapter 2 "Basura"

0 0 0
                                    

KENNETH'S POV
.
Nung nagpaulan ng kamalasan ngayon nasalo ko lahat, nalate na nga ako, nakilala ko pa si YABANG at higit sa lahat yung perang tinitipid ko huhuhu nakalimutan kopang kunin yung sukli, ewan koba naman kasi sa mga driver hindi nalang binigay agad yung sukli ko edi sana hindi ko nakalimutan, lutang ako ngayong araw sa dami ba namang nangyaring kamalasan na nangyari sakin, kaya ako ngayon eto naglalakad pauwe wala na kasi akong pamasahe huhuhu at habang nag lalakad ako biglang may huminto na kotse ang ganda at mukhang mamahalin, pero may nag laro na naman sa isip ko, hindi kaya ito yung kumukuha ng bata? at kukunin yung kidney ko!? napa sign of the cross tuloy ako ng wala sa oras, biglang bumukas yung bintana ng kotse at bigla nalang may hinagis saking puro basura. wtf sabi ko sa sarili ko, humarurot na paalis yung kotse hindi ko na nagawang sumigaw dahil nabigla ako sa pangyayari, Mukha bakong basurahan? oo alam kong hindi ako maganda pero hindi ako mukhang basurahan! how dare them! diko na talaga na pigilang umiyak naaawa ako sa sarili, bakit ba ako nagkakaganito? dahil ba sa mahirap lang ako? kaya kailangan kong danasin ang lahat ng ito?
habang naglalakad ako sa isang super market ay may nakita akong isang lalaki na medyo matanda na natumba kaya dali dali ko itong nilapitan at tinulungang makatayo.
"Si-sir? ayos lang po ba kayo?"
"Ah, oo anak medyo nahilo lang ako dala ng init, salamat ng pala sa pagtulong mo"
"Wala po yon sir kahit sino naman po gagawin yon, ay san po ba kayo samahan ko napo kayo?"
"nandon yung kotse ko sa may parking lot, pauwe na kasi ako"
Wow taray may kotse! richkid si sir! balato naman dyan! charot lang!
"Ganon po ba samahan ko napo kayo sir"
Sinamahan ko si sir papunta sa kanyang kotse, nagaalala kasi ako baka mamaya ay matumba ulit sya at walang tutulong sa kanya, inantay ko siya makasakay bago ako aalis.
"Anak taga saan kaba?"
tuggs tuggs tuggs tu tu tugs tuggs tuggs charot!
magbubudot sana ako eh ahhahaha
"Ah dyan lang po sir malapit lang"
"Talaga? gusto mo ihatid na kita para naman mabayaran ko ang kagandahang loob mo"
"Ay wag napo sir ayos lang po sakin, baka maabala ko pa po kayo"
"Sige na pumayag kana, sige ka"
Nahihiya man ay pumayag nadin ako baka sabihin eh pabebe pako.
hindi nako nagpahatid hanggang samin kasi medyo na kakahiya at nakakaabala pako at may inabot sya sakin
"This is my calling card if you need my help you can call me anytime at nandyan din nakalagay yung address ko"
"Nako po sir salamat po talaga"
, pagbaba ko at nagtinginan agad sakin yung mga kapit bahay naming chismosa
pag uwe ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng aking nanay na katatapos lang ata mag laba.
"Anak bakit ganyan ang itsura mo?"
bakas sa boses ni nanay ang pag aalala at ayoko kanang dagdagan ang mga iniisip nya.
"Nag PE po kasi kami kanina nay kaya ganyan"
"Nag PE! sabihin mo humarot kalang bakla ka!"
Biglang dumating si kuya na nakainom, hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalan at ang init ng dugo sakin ni kuya.
"Tumigil ka dyan Cyruz! lasing kana naman! pagod na nga ako dumadagdag kapa! matulog kana!"
"Oo nga po kuya matulog kana, lasing kana oh"
aalalayan ko sana si kuya pero tinulak nya ng malakas.
"Wag mo nga akong hawakan nakakadiri ka! bakla! salot! hik, at wag moko papakialaman sa ginagawa ko baka tamaan ka sakin!"
Sa pag kakataong yon ay umiyak nako, hindi ko alam kung bakit ganon sakon si kuya kung ituring nya ako parang hindi nya ako kapatid, kung saktan nya ako parang may nagawa akong kasalanan aa kanya, ganito ba talaga pag bakla ka? ang tingin sayo sakot at kadiri?
"Ikaw CYRUZ sumusobra kana hindi mo dapat ginawa yon sa kapatid mo!"
"Kapatid! diko kapatid yan! magsama kayo ng anak mong bakla"
Inawat kona si nanay para dina humaba ang gulo.
"Nay tama napo"
Niyakap ako ni nanay at hindi kona napigilang humagulgol ng iyak.
"Anak pag pasensyahan mo nalang ang kuya mo lasing lang yon".
Hindi ko alam kung bakit galit na galit sakin si kuya, simula ng nalaman nya na bakla ako dun na nagumpisa ang lahat. Naiindihan ko naman yon kasi kami nalang ang inaasahan na magatatanggol sa nanay namin tapos bakla pa ako? pero ang hindi ko maintindihan na bakit kailangan dumating sa time na saktan nya ako. Pero naniniwala pa din ako na darating ang araw na magiging ayos din kami ni kuya at matatanggap nya din ako.
-
-
-
TERRENCE POV
.
"Pare ang lupit mo, Nagmukhang basura yung baklang yong kanina hahahahaha at mukhang na shock pa hahahaha"
eto na naman si kevin ang ingay ingay.
"Hindi ba mukhang sobra naman ata yung ginawa nyo kanina?"
eto namang si lance masyadong mabait tinali pa yung isang santo.
"Pwede ba lance wag ka nga dyang kj, ayaw mo ba non happy natong tropa natin" -kevin
"Bagay lang yon sa kanya dahil sinira nya ang araw ko at ang sumisira sa araw ni TERRENCE ALCANTARA ay dina aabutan ng bukas"
diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng pangalan ko.
"Wow ang astig talaga ng tropa namin hu! Lodi ka talaga bro! petmalu!" -kevin
Inakbayan na naman nya ako na ayaw na ayaw ko feeling ko kasi may malisya yung akbay nya hahaha pero straight talaga sya trip kolang na asarin na bakla sya para tigilan na yung pangungulit sakin.
.

Pag uwi ko ng bahay naabutan ko si lolo sa may salas na nagpapahinga nag mano naman ako ng makalapit.
"Lo nakauwe napo pala kayo? bakit dipo kayo nagsabi na sundo po sana kita"
"Hindi ko talaga sinabi sayo apo because i want to surprise you, balita ko puro ko kalokohan at puro pang chichix ang ginagawa mo"
"San mo naman po yan nakuha lo? ang bait ko kaya"
bigla akong pinagpawisan sa sinabi ni lolo mabuti nalang talaga at mabilis ako mag isip
"Apo, hindi naman sa nanghihimasok ako sa mga gusto mo ang akin lang ay unahin mo ang pag aaral mo kesa dyan sa hilig mong basketball"
"Lo? basketball is my passion and my life at kung mawala to diko alam ang mangyayari."
"Basta! kung patuloy na bababa ang mga grades mo mapipilitan akong ipala ka sa States kasa ang mommy at daddy mo!"
"lo?-"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinalikuran nako ni lolo, isa ito sa pinaka ayaw ko yung dinidiktahan nila ako sa mga bagay na ginagawa ko.

The Golden Boys Meet The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon