~ELYSHA~Eli and I rushed to the said hospital. Praying that Lola's condition is not bad or worse. She's in her late 50's already. Yung mga raiders ba ang may gawa nun sa kanya? How dare they!
"Miss sa'n po dito yung patient na matanda?" tanong ni Eli sa babae na nasa lobby. "Po?" tanong nung babae. Napakamot si Elisha out of patience kaya hinawakan ko siya sa balikat at ako na ang kumausap. "A patient named Laureza Terese Liwanag. May natanggap kaming tawag na nadala siya dito."
Agad niyang tinignan ang computer bago nagsalita. "Ah yes po. Kakatapos lang ng operation niya five hours ago. Tumawag po siguro yung staff after ng operation niya. She's in room 102, third floor."
"Thank you—ah." Aalis na sana ako nung may itatanong ako. "Ano po palang sitwasyon niya?"
Nag-dalawang isip muna siya bago nagsalita. I take it as bad news... "She almost experienced a near death situation. She has 4 broken fingers and a fractured rib. She lost a lot of blood but thankfully, may compatible para sa kanya. She also has concussion and dislocated leg. Must have fallen from a high place. She also has burn marks. It's a miracle that she survived all that despite her age."
Naramdaman kong nanghina yung tuhod ko kaya nabaling ko yung bigat ko sa counter. Hindi ko kinakaya yung shock at sitwasyon ni Lola.
'Near death?! Anong klaseng tao ang gagawa nun?! Tapos sa matanda pa!!! Mga hayop sila!'
Tumakbo na ako papuntang elevator kasi iniwan ako ni Elisha matapos niyang marinig kung nasaan si Lola. I'm sure magugulat siya pag nakita niya si Lola. God, I hope it does not shock her too much.
Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko nang nakaupo si Eli sa sahig, umiiyak habang nakatingala sa unconscious na katawan ni Lola. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Lolaaaaaaaaaa!!! Ano nangyare, bakit ka ganyan...!" hagulgol ni Eli.
May bandage ang ulo nya at sa kung saan saan pang parte ng katawan nya na may mga support para marecover ang baling buto. Mukha nga talagang nahulog sa mataas na lugar. May paso din yung ibang parte ng katawan niya pati yung kalahating mukha niya. Nanginginig ang mga kamao ko sa galit at sa sitwasyon niya. Naririnig ko ang tunog ng ECG monitor, sign that she's still alive. At least I'm relieve to hear and see those rising lines.
'Pakshet! Kung sino man ang gumawa nito sa kanya ay walang puso. How could they do this to her?! She's a 59 years old woman! Tanga ba sila?! They are so heartless! They are monsters!'
Lumuhod ako sa tabi ni Eli at hinawakan siya sa balikat. She immediately wrapped her hands around my neck and wailed there. She keeps on saying 'No' while crying. Tinapik ko siya sa likod habang yakap siya, tahimik na lumuluha at nakatingin kay Lola.
'Anong gagawin naman kung ganyan ka, Lola?'
Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Lola. The doctor said to prepare for the worst. Worst? What worst?! Walang worst ang magaganap dapat!
Elisha never left her side kaya ako ang umuuwi sa bahay para kumuha ng damit at gamit niya. Ako na rin ang nag-ayos at nag-linis ng makalat na bahay. Hinayaan ko na yung mga cracks sa ceilings and walls dahil hindi ko alam kung paano iyon ipapaayos. Ako na rin ang nagpunta ng Roxmarth para ipaalam na may problema kami kaya hindi muna kami makakapasok. Hindi na ako nagpa-investigate for robbery and raiding kasi may napansin ako.
'Walang nakuhang gamit kahit isa sa bahay. So how come na nagkagulo ang bahay namin? Wala namang nawawala so anong nangyari? Wala naman akong nabalitaan na lumindol. Wala din namang kaaway si Lola. Never siyang nakipag-away. Did someone just randomly pick a person and hurt them? Yun ba yon?? What a stupid idiot.'
BINABASA MO ANG
Princess Chronicles: Powers Awakened
FantasyElysha, an oddball and has a thing for fantasies and fairytales are living peacefully with her twin sister. They are often notice to be nothing alike. One is cold-hearted but fragile inside while the other is kind-hearted yet invulnerable. After the...