~Omniscient~Dalawang araw ang nakalipas at naglalakad sa isang magical hallway si Count Estaro, Noph at Elysha at pumasok sa isang malaking kwarto. "Eto ang Count's Magic Hall, Elysha. Dito namin ginaganap ang mga pagpupulong o kaya gumagawa ng mga desisyon na related sa buong Elf Landia." Wika ni Noph pero tumango tango lang si Elysha dahil nililibot niya nag paningin niya. Puro bituin at constellations ang ceilings nila at may kalahati din na puro gubat at green dusts.
May naglagay naman ng bolang crystal sa gitna ng mesa at may ilang elf din ang nakatayo sa gilid. Huli namang iyon napansin ni Elysha kaya siya rin ang huling lumapit doon. "Woah ano yan? Nakikita ninyo ba yung future dyan?" inosenteng tanong ni Elysha.
"Haha. Hinde. Ang tawag diyan ay Diarang. Isa iyang instrumento na ginagamit namin para malaman kung may kapangyarihan nga ba ang isang nilalang. O di kaya'y para sukatin ang lakas at dami ng mana sa katawan nila. Wala pa kaming nagagawang magic instrument para malaman kung anong kapangyarihan ng isang nilalang kaya ayan na lang muna ang gagamitin natin."
"Edi pag-aaralan ko mag-isa kung ano at paano ko mapapalabas yung kapangyarihan ko ganon ba?" hindi maiwasan ni Elysha ang mag-alala dahil wala siyang ka-ide-ideya kung paano niya gagawin yon.
"Ang gagawin mo lang ay hawakan ang bola." Tinuro nung Conde yung bola sa mesa. "That's it? Yun lang? Wala na?..." nilapitan ni Elysha ang bola at simple lang na nilapit ang hintuturo. "I'll just—WAH!!" bigla naman silang nagulat at napaigtad pa ang buong katawan ni Elysha at lumayo agad dahil sumabog at nabasag yung bolang kristal. Sa takot na baka mapaparusahan siya dahil nasira yung bola ay agad nagpaliwanag si Elysha.
"C-Conde, I swear nilapit ko lang yung daliri ko. H-hindi ko pa siya nahahawakan. H-Hindi ko pa naramdamang dumikit sa daliri ko yung bola. B-baka may strong magic lang sa paligid or ano para mabasag. Pero promise talaga, Count Estaro, hindi ako ang nakabasag niyan." Pero mukhang mas na-enganyo lalo ang conde at napatingin sa nabasag na bola.
"How interesting..." sabi niya sa sarili at naniningkit ang mga mata. "Kumuha pa kayo ng isa pang bola doon. At ang iba sa inyo...siguraduhin ninyong walang gumagamit ng kahit anong abilities o kapangyarihan sa buong kwarto." Utos niya sa mga tauhan. "Eh???" react ni Ely. "Hindi ninyo ba ako paparusahan dahil sa nasira yung bola?"
"Ha ha ha ha. Kumalma ka, Elysha. Marami kaming Diarang dahil kami ang gumagawa niyan at dito lang iyon magagawa sa Elf Landia. Kung hindi mo na itatanong ay ang lupa namin ang pinakamatalino pagdating sa paggawa ng mga magic instruments."
"Aah hahaha. Buti na lang talaga..." ginhawang sagot ni Elysha. It really took the nervous state out of her. Matapos ng ilang minuto ay dumating na ang panibagong bola. May pinasubok muna silang isang elf para malamang epektibo ang bola bago si Elysha. Muling lumapit si Elysha pero hindi pa man din niya nahahawakan at nilalapitan pa lang ay sumabog ulit ang bola. 'What's this? Bakit ayaw sa akin ng bola??? Am I a problem?'
"H-hindi po kaya ang ibig sabihin ay wala akong kapangyarihan?" takang tanong niya sa conde pero umiling siya sa dalaga. "Hindi. Dahil kung wala kang kapangyarihan ay wala dapat mangyari sa bola. Maaaring may iba pang dahilan kaya nababasag sayo at sayo lang ang bola."
Kinamot ni Elysha ang ulo dahil na disappoint siya. Hindi niya nalaman kung ano ang kapangyarihan at kung gaano iyon kalakas. "Hindi kaya...may sumpa ako or something? Sa mga nababasa ko kasing libro noon, isa sa mga reasons kaya may kakaiba ay dahil pwedeng may sumpa sila. Hindi kaya ganoon din yung sitwasyon ko?"
Si Noph ang sumagot. "Imposible pa rin iyon, Elysha. May sumpa man o wala, ang layunin lang ng bola na yan ay sukatin ang lakas ng mana sa katawan mo. Kahit may sumpa ka ay malalaman pa rin ng bola ang sukat ng mana sa loob ng katawan mo."
BINABASA MO ANG
Princess Chronicles: Powers Awakened
FantasyElysha, an oddball and has a thing for fantasies and fairytales are living peacefully with her twin sister. They are often notice to be nothing alike. One is cold-hearted but fragile inside while the other is kind-hearted yet invulnerable. After the...