CHAPTER 3: What's beneath is just a cliff

10 0 0
                                    


~ELYSHA~

It's the day para ilibing na si Lola. It was just the two of us since hindi naman namin alam kung anong trabaho ni Lola. We just lay low pero ang dami naming yaman. Despite those riches we have, we still have no one to lean on. At habang hinahatid na namin siya sa huling hantungan, pareho kaming umiiyak ni Elisha. My hands clenched because of anger that started to rise within me.

'Hindi ko mapapatawad kung sino ang gumawa ng ganyan kay Lola. Tao man o may kapangyarihan o kung ano man yan, hinding hindi ko kakalimutan kung anong ginawa ninyo sa kanya para matapos ang buhay niya. Mahahanap ko rin kayo balang araw...'

"Paano na tayo Elysha? Hindi natin alam kung sinong lalapitan natin?" nakayakap kami ni Eli sa isa't isa pero nakatingin ako sa puntod ni Lola habang hinawakan si Eli sa buhok. "I'm sure we'll get by. As long as we're together."

Hindi na namin nagawang pumasok ng school matapos ng burol ni Lola. We both just stayed in each other's room, isolated ourselves there. I was just staring at my ceiling with my arm in the forehead. Ano nga bang gagawin namin?? Maraming tumatakbo sa utak ko at hindi ko alam kung anong uunahin doon. I feel so...empty.

Biglang pumasok si Elisha ng hindi man lang kumakatok. "Hey..." tinignan ko siya at nag-hey din sa kanya. "You know, I was just thinking..." napahawak pa siya sa doorknob at mukhang hindi alam kung sasabihin ba niya yung gustong sabihin.

"Ano kasi—uhm, I was just doing this per last order ni Lola..." bumangon ako bigla. "Lola??"

"Ahhh, sinabi niya sa akin nung kinausap niya ako in the hospital. She said I have to initiate it so...gusto mo bang sundan si Lola?" umarko yung kilay ko dahil hindi ko naintindihan. "Ha?"

"Gusto mo bang tignan yung bangin na sinasabi ni Lola mamayang gabi?"

"Are you saying naniniwala ka na sa kanya and her so-called underworld???" balik kong tanong sa kanya.

"Ang galing mo rin ano. Tanong ko, sasagutin mo rin ng tanong. But no. Hindi ako convinced na may ganoong mundo. Hindi ako tulad mong naniniwala doon. Pero ginagawa ko 'to dahil ito ang huling hiling sa akin ni Lola in case na mawala talaga siya."

Napahawak ako sa batok ko at nag-isip bago sumagot. "Alam mo ba kung saan?"

"Unfortunately, yes. Lola brought me there once unlike you na wala gaanong sense of direction...we'll be leaving at 11 so prepare." Sarkastiko niya pang sambit habang pilit na nakangiti. Isasarado na niya sana yung pintuan nung tinawag ko siya.

"By chance na totoo nga yon...anong gagawin mo?" tinitigan ko siya ng walang ekspresyon at tinitigan niya rin ako, kaya ang nangyari ay nagtitigan kami.

"Ewan. Hindi nga ako naniniwala tapos tatanungin mo pa ako kung anong gagawin ko. Parang timang." Sinarado na niya yung pinto pero sininghalan ko lang siya. Ang sungit niya! Isa sa pinaka ayaw ko sa ugali niya...yung pagka-suplada niya! Nag-aaway kami minsan dahil dyan minsan. I hate suplada!

'And speaking of underworld...' Pumunta ako sa desk ko at nag-search sa Internet about Pluto Underworld. And what I got?... Nothing. Nothing except for Greek and Roman myths tapos yung planeta. Underworld? Na-da. Wala din. It's just a land of the dead. After doing research if nag-e-exist nga ba talaga yung sinasabi ni Lola ay napagod na ako kaya humiga na ako sa kama, nakatingin sa kisame...

'Dark Sorcerer? Is that what I think it is? A bad wizard or magician? And what is this dark human? If I base this on my fantasy thoughts...it would probably be a human that is bad or wicked. Or di kaya they are some sort of a race. Ganon ba talaga ang tawag doon? And if Lola said that the underworld is a world where superpower exists, then...'

Princess Chronicles: Powers AwakenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon