Unang Kabanata

3 0 0
                                    

Chapter 1

Fier's POV

Kagaya ng nakasanayan kong gawin sa loob ng ilang libong taon, nag iikot ako ngayon sa palasyo ng Hari ng Impyerno.

Sa tagal ko ng nandito, kabisado ko na ang lahat ng pasikot sikot ng palasyo, ang daing ng mga preso, ang temperatura ng apoy. Kung anong oras madalas dumating ang mga bagong preso, kung ano ang dahilan kung bakit sila andito, ang mukha nila, ang oras ng pagkain ng hari, kung anong oras sya natutulog, kung anong oras sya nagigising, kung saan sya unang pumupunta at marami pang iba.

At dahil nga ang tagal ko na dito, sasabihin ko sainyong hindi siya demonyo. Hindi siya kagaya ng madalas na nababasa ng mga tao, hindi siya malupit.

Dahil kung demonyo sya, paano pa ako diba?

----

"FIER!!!!" Dumagundong ang sigaw ng hari sa buong impyerno.

Naiinis akong tumayo at nagbihis. Galit na naman siya sakin, bakit? Kasi...

"Fier! Nasa impyerno na nga sila pero pinapalangoy mo pa sila lalo sa kasalanan nila!!"

Tama, ganon nga ang ginagawa ko.

Ang makamundo ay tinatalikan ko, ang mga gutom ay binibigyan ko ng sobra sobrang pagkain, ang mga naiinggit sa iba ay pinapakitaan ko ng mga eksenang lalong nagpapalago ng inggit nila, ang mga mapagmataas ay lalo ko pang pinapataas ang tingin sa sarili nila, ang mga tamad ay hinahayaan ko lamang, ang mga galit sa mundo ay ginagalit ko pa lalo, at ang mga sakim ay tinuturuan kong maging sakim pa lalo.

Sabi ko sainyo, kung demonyo ang tingin nyo sakanya na pinanonood ang mga taong dinadala dito ng may matinding awa. Anong tawag nyo sakin?

By the way, I am Fier. Walang apelyido,walang nickname. Hindi ko alam kung ilang taon na ako. Pero ako ang pinakaunang nakatungtong ng impyerno. Tao rin ako noon sa pagkakaalam ko. Pero ginawa akong devil dahil ako nga ang unang nakarating rito. Naging malapit kami ng hari, at sya ang humiling na gawin na lamang akong demonyo para makausap ko sya.

Kapag nasa dagat dagatang apoy kasi ang kaluluwa ng tao, hindi nya ito pwedeng kausapin.

Nung ginawa ang langit at impyerno ay sya ang naatasang magbantay dito. Kaya naman ay naging mag isa sya ng mga dalawang araw at bigla nalang akong napunta dito.

Tama na nga ang kwento sa buhay ko.

"Sumama ka sa akin sa palasyo, may pag uusapan tayo." Naiiling nalang na sabi ng hari.

Sumunod ako sa loob. Dumiretso kami sa silid aklatan. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang 'secret' nya.

"FIER!!" Dumagundong na naman ang sigaw nya.

"Binibiro lang kita. Ano ba ang pag uusapan nating dalawa? Mukhang importante yan. Dahil niyaya mo pa talaga ako dito."

"Fier, sobrang sakit ka sa ulo. Paano pa sila magkakaroon ng tyansa na makapasok sa langit at hatulang muli kung imbis na hayaan mong pagsisihan nila ang lahat ng kasalanan nila ay inilulubog pa sila sa kanilang kasalanan?"

Oo tama kayo ng nabasa, pwedeng muli silang litisin at makaakyat ng langit kung pinagsisisihan talaga nila ang kasalanan na nagawa nila.

Matagal ng panahon simula ng mas maraming kaluluwa ang pumapasok dito kesa sa langit. Kaya nagbago na din ang patakaran sa langit. Napakabait Nya na umabot Sya sa puntong pati ang matinding pinagbabawal nya noon ay handa nyang baliin dahil sa pagmamahal Nya sa tao.

Pero hindi ito araw araw o linggo linggo nangyayari. Daan daang libong taon lang kung maganap. At kahit pwede na muling litisin ay swerte na kung limang kaluluwa mula rito ang paakyatin nila sa langit.

Ang mga nahatulan na noon, ay hindi na muling hahatulan.

Namomroblema ang mga anghel sa langit, parami ng parami ang umuuwi sa paraiso habang patagal ng patagal ang panahon.

Paano, imbis na bumuti ang mga tao sa lupa ay palala sila ng palala. Imbis na tanggapin ang hari ng langit sa buhay nila ay pinipili nilang magpakalulong sa kasamaang matagal ng inilalayo sa kanila.

Kabaliktaran ang nababalita noon, hindi umunlad ang mundo, walang makabagong teknolohiya ang lumabas, wala ng nakakaalala sa mabuti.

"Demonyo ako, hindi ako kagaya mo na naatasan lamang na bantayan ang impyerno."

"Tao ka noon, kagaya din nila."

"Noon,pero ni hindi ko na nga maalala kung ilang taon na ako sa impyerno. O kung naging tao ba talaga ako. Demonyo ako, gagawin ko kung ano ang dapat na ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagbabantay sa napakasamang lugar na ito, hindi ka bagay dito. Mas mabuti ka pa nga sa anghel na tagapagbantay ng langit."

"May dahilan ang lahat. Sa ngayon, bago pa malilis ang ating usapan sasabihin ko na sayo kung ano ang gusto kong sabihin."

"Ano yun?"

"Aakyat ka sa lupa."

"Ano?!!" Napatayo ako sa pagkabigla.

"Hangga't andito ka, walang pag asa ang mga kaluluwang nandito. Hangga't nandito ka, lalangoy lamang sila sa kanilang kasalanan. Hangga't nandito ka, hindi mo makukuha ang pag asang pwede ka pang makaakyat sa langit."

"Ayoko! Ni hindi ko hinangad makaakyat ng langit! Masaya ako rito! Masaya akong kasama ka sa araw araw na ginawa ng Diyos!" Tumakbo ako palabas ng silid aklatan.

"Sa muling pagkikita, Fier."

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang maputing liwanag.

Wala na, hinigop na ako paakyat sa lupa..

AN:

Just like what I said, this is fiction. Hindi totoo. So hindi totoo na pwede pang mabigyan ng pagkakataon ang mga kaluluwang napunta sa impyerno na makaakyat ng langit. It is written in the bible na hindi na pwedeng umakyat ang nasa impyerno para pumunta sa langit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon