Chapter 4: A Gift

6 1 0
                                    

Napatingin ako sa full moon, sa moon palace, na nagliliwanag. Everyone parted like the red sea as the moon palace descended on the space where stars resides. Its like giving way to a king who suddenly appears on the middle of the ballroom.

Syempre, alam kong dyosa ang nasa loob ng palasyo na yon. The moon palace always does that every month like a routine inspection.

Pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Napakalaki ng maaring daanan ng espasyo na itong walang ibang laman kundi puro liwanag na dala ng bituin.

Hindi naman sa wala akong modo o walang galang sa dyosa pero isa lang naman akong unnoticeable wallflower sa may corner. While  everyone started backing out, I shift my attention downwards.

Bumaba ang consciousness ko at agad kong binati si Nicoris. Because of the the astonishing moonlight from the full moon this beautiful evening, di ko maiwasang maging energetic.

"Hey, hey! Tingnan mo, twinkle twinkle little star?"

Kahit ilang beses ko pa akong magtwinkle ay wala pa rin syang reaksyon. Look, maaliwalis ang langit, I'm sure nakikita mo ako, bakit ayaw mo akong tingnan ngayon?

Sinilip ko anong ginagawa nya pero mukha syang tulog, mali, nakasandal sya sa pader at nakayuko habang nakatingin sa kawalan at di mawari anong tumatakbo ngayon sa isip. Huli ko ng napansin na nadagdagan naman ang sugat nya sa katawan. Ilang beses ko rin syang nakikitang kinakaladkad ng tao mula sa loob at kahit ilang mura at sumpa ko ay wala ring silbi.

"Hello, Nico? Yohoo?"

Nagmumukha na akong baliw na bituin na kinakausap ang sarili. After a few seonds, I saw him look up which took me by surprise. Wait, narinig nya kaya ako? Imposible.

He started staring at stars like he always did. He was always looking at me, kaya bakit ayaw mong magwish? Magwish ka na, sisiguraduhin kong ako ang tatanggap non kung hindi ay aawayin ko si Dyosang Thanari sa bahay nyang malapit lang sakin.

Am I his favorite star? Hehe, di ko maiwasang maging proud as if ako iyong pinakamagandang star sa balat ng langit.

"Nico, bakit ayaw mong magkwento? Di pa kita narinig magsalita."

He's grayish eyes turns groggy; he blinked a couple of times before curling himself up on the hard cold floor made of stones. Siguro napagod sya. Fine, magpahinga ka na, huwag ka ng masyadong mag-isip, itulog mo nalang lahat---Is what I thought until I saw him shivering a couple of times and groaning.

I was watching him all night, ni di ko sya iniwan ni miski isang segundo habang ilang beses napapahugot ng hininga. Kung may katawan pa ako ay baka kanina pa ako nanginginig habang pinapanood sya. Nico, huwag kang ganyan, please huwag. Gusto kong maiyak, gusto ko syang yakapin. Di ko alam anong pinagdadaanan nya but I saw him scratching the floor, groaning in pain, convulsing until parts of his body started to bleed, and then he sometimes woke up emptier than ever.

Nicoris naman.

Umiyak ka, bakit ayaw mong umiyak? Magreklamo ka, magalit ka, magrebelde ka! Bakit wala ka man lang reaksyon? Kung masakit, humingi ka ng tulong, sumigaw ka! Sabihin mong hindi ka ayos, walang maayos sayo, hindi ka okey. Kahit kamuhian mo man ang mundo, ilabas mo lang lahat. Please...

Dawn came, the sun rose, he sat up with a blank expression and then he looked up from that small window. Pinagmasdan ko lahat ng maliliit na bagay na may kinalaman sa kanya kaya agad kong napansin ang bahagyang pagkagulat sa kanyang bilog na gray eyes.

Ano? Nagulat ka dahil andito pa ako? Siguro dahil sa dala ng energy mula sa fullmoon ay nagawa kong manalo sa antok.

Oh my gawd! Gusto kong magcelebrate.

Starlight 'n NightskyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon