Chapter 2: The Side-Character

22 2 0
                                    

In this strange fictional world, stars were born with their own strings of inherent knowledge. They know a lot of things in the world yet the most ignorant of it at the same time. Maybe because of the difference between theories and experience. Kaya di ko alam bakit ako naiiba at may alaala ako sa nakaraang buhay.

Stars rarely felt the passing of time, sabihin na nating halos wala silang time consciousness. Halos hindi ko na matandaan ilang taon na simulang nong nagmulat ako dito. Siguro mga 5, 6, 7 years? Napakamot nalang ako ng batok kahit alam kong wala ako non.

Oh gawd, gusto ko muling maging tao. Gusto kong magtravel, magvacation trip sa holdiays, gusto kong magbabad sa tubig, gusto kong magfoodtrip, at gusto kong magpagulong-gulong sa kama.

Speaking of gods, ang parating pampalipas oras dito ay mga tsismis na madalas ginagawa ng mga nilalang na namumuhay sa planeta at mga pakulo ng mga dyos at dyosa ng mundong ito. Even our said to be mother and creator, Goddess Thanari ay hindi nakalusot sa tsismis dahil sa favoritism, syempre amin-amin lang iyon ng mga kapatid na hindi ko kapatid na mga bitwin.

Oo, buhay ang tsismis culture mapaano o saan ka man kahit sa kakaibang mundo.

In order for a star to fall to the surface, some said that you could hear a voice calling and a star is chosen by a wish to grant it. It made me think, so what happens next?

Would a star disappear right away after? Was that the whole meaning of their existence?

There was an inkling on the back of my head that we are all just stardust waiting to be blown by the wind on the surface.

"May isang alamat na isang bituin na nagkatawang tao.," tila misteryosong kwento ng pinakamatandang bituin sa amin. Nagniningning at nakakagloomy ang ilaw nyang kulay dark violet.

Bakit parang isa ito sa mga graphic novels na nabasa ko noon na tila kaharap ng isang character ang nakahood na manong na may color purple aura na sumisigaw ang itsura na nakapanghihinala at walang dulot na maganda?

"Sekreto lang natin ito.," bulong nya. "Alam nyo namang pagbaba ng bituin sa surface ay agad silang nagiging parte ng kalikasan, pero alam nyo bang pwede kayong maging tao o nilalang na may intellect kapag marunong kayong pumili ng mga pangarap na tutuparin?"

Ramdam ko ang pagkalito ng mga katulad kong bituin. Ano nga bang pinagsasabi ng mapanghinalang bulalakaw na ito? It has always been the wish that chooses a star not another way around.

"No, no, no! Ito ang hindi nyo alam, nong ginawa tayo ng dyosang Thanari binigyan na nya tayo ng kapangyarihan na tumapad ng mga pangarap. Ibig sabihin walang limitations kung anong pangarap ang itutupad mo. Ang mga kasabihang pumipili ang pangarap ng bituin ay mali rin, dahil ang totoo nyan madalas boses ni Dyosang Thanari ang mismong nag-aassign nyan sayo at iyong iba ay depende na sa nakapunot."

I had my doubts so I raised a hand.

"Yes, ahm-Ano ngang pangalan mo?"

I was a pure white light, masyadong common ang itsura ko kaya hindi na ako nagtaka bakit hindi nya ako matandaan.

"Kuya Dan, kung totoo ang sinabi mo, bakit wala kaming kilalang bituin na naging intellectual na nilalang sa surface?"

"Dahil wala naman talaga kayong alam. Ilang taon ka na ba? Masyado pa kayong bata. Ito ang tandaan nyo, mahal ni Dyosang Thanari ang mga tao pero iba iyon sa mga anak nyang bituin. As much as possible, may separation ang pangmamahal nya sa kanyang mga anak at mga tao."

Pamilyar sakin iyong sinabi nya. Is this like 'an aunt doting on their nieces and nephews while being painfully strict with their own children' type of situation?

Starlight 'n NightskyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon