NAGISING si Michael sa kanyang mahimbing na pagkatulog dahil sa ingay. Magulo pa ang kanyang buhok nang siya ay bumangon. Sa tulong ng kanyang tungkod nakababa siya ng kama na walang tulong na kahit sino. Napag-alaman niyang nasa loob pala ng kanilang silid nagmula ang ingay.
“What’s happening here? bungad tanong niya sa mga taong nasa loob. Samantalang nabuhayan naman ng loob si Angelie nang makitang gising na si Michael. Baka siya ang pakikinggan nito at hindi ang kasinungalingan ng kanyang biyenan.
“M-Michael!” tawag niya sa kanyang asawa.
Kahit nanlalambot na ang kanyang mga tuhod sinikap niyang makarating sa kinaroroonan ng asawa. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalapit kay Michael hinarang na kaagad siya ni Myrna.
“Back off, slut!” matigas na saad nito kay Angelie. At hinila siya ng walang kalaban-laban papalayo sa lalaki. Nanlaban siya, ngunit hindi sapat ang kanyang lakas para makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Myrna sa kanya.
“S-sino ka ba? Bakit pilit kang nakikisawsaw sa buhay naming mag-asawa! Private nurse ka lang naman hindi ’di ba? Hindi mo trabaho ang pakialaman ang relasyon namin ni Michael! Babae ka pa man din, sana alam mo ang nararamdaman ko. Pero ikaw mas lalo mo kaming sinisira!”
Napuno na siya sa babae dahil sa pakikialam nito sa kanila at paggawa ng kwento na hindi naman totoo. Nakita niyang natigilan ito sa kanyang tinuran. Napalunok ito ng ilang beses bago siya binitawan.
“Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi ninyo sabihin sa akin!” ubos na ang pasensiya ni Michael, ayaw pa man din nito ang pinahihintay siya.
“Michael, son. I don’t want you to get hurt. But you deserve to know the truth!” panimula ni Donya Clemente, nagkunwari pa itong naiiyak ngunit ang totoo malapad itong ngumingiti habang nakatingin sa kanyang anak. Ramdam na niya na sa araw na ito, magtatagumpay na siya sa pagpapaalis nil Angelie. Masaya ito dahil malapit ng mawala ang babae, sa kanilang pamamahay na tila basura kung kanyang tratuhin.
“For what, Mom? P’wede ba sabihin mo na sa akin? You know na ayaw kong pinahihintay! Hindi ako manghuhula, na mahuhulaan kung ang nangyari!” nagsimula ng mawalan ng pasensiya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit rinig na rinig niya ang pag-iyak ni Angelie.
“Michael!” muling sigaw ni Angelie sa pangalan ng kanyang asawa.
“Shut up! Ingrata!” baling ng Donya Clemente kay Angelie hindi nito binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Angelie.
“I’m sorry, son. Pero nagpatira tayo ng higad sa pamamahay natin. Ang inakala mong mabait at mahinhin na babae ay walang kasing kati ng higad. That woman was cheated on you! May lihim silang relasyon ng ating body guard. Thanks to Myrna dahil kung hindi sa kanya, hindi natin malalaman na niloloko ka na pala niya!”
Napapailing na umiiyak na lamang si Angelie dahil sa mga kasinungalingan ng kanyang biyenan.
“M-Michael, hon. Please, sa akin ka maniwala. Hindi totoo ang binibintang nila sa akin. Alam ng Diyos na hindi ko ’yan magagawa sa’yo. Alam mo kung gaano kita ka mahal. Hindi kita kayang lokohin,” nakikiusap si Angelie kay Michael. Kung maari, lumuhod siya sa harapan nito at magmamakaawa gagawin niya para siya lamang nito ang paniniwalaan. Mahigpit siyang napakapit sa braso ni Michael dahil wala man lamang itong imik sa sinasabi ng kanyang biyenan. Hindi niya nakitaan ng emosyon ang mukha ni Michael. Hindi niya tuloy matukoy kung galit ba ito sa kanya o hindi?
“Do you hear me, Michael? I’m talking to you, that bitch was cheating on you. Tapos wala ka man lang sasabihin? Wala ka man lang gagawing action? I cany believe you, son. Binilog na talaga ng babaeng ’yan ang iyong ulo?!” galit na turan ng matanda ngunit nanatiling walang kibo si Michael.
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Angelie sa braso ni Michael dahil ramdam niya ang pagpipigil ng galit nito. Pero hindi niya alam para kanino.
“Michael, anak. Kung ayaw mong magdesisyon. Bilang iyong ina ako ang magdedesisyon para sa’yo. This is my house and I want that out of your life. Paano kapag malalaman ng mga tao ang ginawang kalokohan ng babaeng ’yan? She will ruin our reputation. Masisira ang pamilya natin dahil lang sa kanya!”
Napapikit na lamang siya dahil ayaw niyang nakikitang dinuduro siya ng biyenan. Masakit pero kailangan pa rin niyang lunukin ang natitira niyang pride. Lumipat siya sa kanyang biyenan at sa unang pagkakataon nangahas siyang hawakan ang kamay nito. Ngunit marahas na tinanggal ang kanyang kamay na tila may nakakahawa siyang sakit. Takot madapuan ng kahit ano’ng mikrobyo.
Ngunit hindi pa rin nagpaawat si Angelie, lumuhod siya sa harapan nito. She is so desperate, kung ito ang tanging paraan para hindi siya paalisin at manitili siya sa mansiyon. Wala na siyang pakialam kung mas lalong lumiit ang pagtingin ng matanda sa kanya.
“Mo-mommy, please, parang awa mo na. H’wag mong gawin sa akin ito. Nakikiusap ako sa’yo, hindi ko kayang malayo kay Michael. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong paalisin dito.” Patuloy pa rin siya sa pagtangis. Habang hawak ng mahigpit ang magkabilang binti ng donya.
“Kahit humalik ka pa sa aking mga paa. Hindi pa rin ako papayag na mananatili ka sa aking pamamahay! Walang lugar dito ang mga kagaya mong babae! Get out!” tila asong palaboy kung ipagtabuyan siya nito.
Nanghihinang napasulampak si Angelie sa sahig. Nakakaawa ang kanyang hitsura. Basang-basa ang kanyang suot na damit pati ang kanyang buong mukha na napuno ng luha. She’s done so much with her marriage. Ngunit sa kagaya ni Donya Clemente na matapobre hindi sapat ang kanyang kabutihan para tanggapin siya nito bilang asawa ni Michael.
Nanlulumo siyang lumingon sa kanyang asawa. Nagbabakasakali siya na ipagtatanggol siya katulad nang kung paano siya ipagtanggol nito noon. Kahit ngayon lamang babalik ang dating Michael na taga pagtanggol at pumo-protekta sa kanya.
Ngunit tila naging estatuwa ito sa kinatatayuan si Michael, hindi magawang kumilos at nanatiling walang kibo. Marahas na pinahid niya ang kanyang mukha gamit ang kanyabg mga palad dahil nanlalabo man ang kanyang mga mata dahil sa maganang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi.
Napaisip si Angelie na siguro sumuko na lamang siya, masyado ng magulo para ipagpilitan niya ang kanyang sarili. Naawa na siya sa kanyang sarili. Tama na. Ginawa naman niya ang lahat para ipaglaban ang kanilang kasal, pero bigo pa rin siya. Ngunit kahit ganoon pa man wala siyang pagsisihan dahil alam niya sa sarili niya ginawa naman kung ano ang nararapat.
Mahina ang kanyang buong katawan, pagod at sakit ang kanyang nararamdaman. Nanginginig siya ngunit sinikap pa rin niyang makatayo. Sa huling pagkakataon tinitigan niyang mabuti ang mukha ng asawa. Masaklap man ang nangyari sa kanilang pagsasama, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para rito. Hindi man nangyari ang pinapangarap niyang maging masayang pamilya kasama ang kanilang maging anak. Hindi pa rin niya pinagsisihan na minahal niya ang lalaki.
“Sana masaya na po kayo. Congratulations, dahil nagtagumpay kayo sa pagsira ng relasyon namin. Pasensiya na kung masyado kong ipinipilit ang aking sarili sa inyo. Pasensiya na kung nagmahal ako sa katulad ninyong nasa langit. Maaring ambisyosa nga ako, pero dahil minahal ko lang naman ang anak ninyo. Maaring hindi ako karapatdapat para sa kanya. Pero isa lamang ang sinisiguro ko. Minahal ko siyang ng buo at kahit kailan hindi ko siya magagawang lokohin.” Hindi nag-abalang pahirin niya ang mga luha umaalpas sa kanyang pisngi habang binibigkas ang mga katagang ’yon.
“Salamat kahit hindi ninyo ako tanggap pero minahal ko rin kayo bilang ina ng taong mahal ko. Nirerespeto ko kayo hindi dahil sa iyon ang nararapat. Ngunit dahil napamahal na po kayo sa akin. Huwag po kayong mag-aalala, wala akong dadalhin na kahit ano mang gamit, iiwan ko lahat ng mga binili sa akin ni Michael. Hindi ko hangad ang magkaroon ng marangyang pamumuhay. Ang gusto ko lang naman ay makasama ang taong pinakamamahal.” Yumukod si Angelie bilang paalam sa matanda. Kahit ganito ang nangyari sa pamamagitan nila ng kanyang biyenan ngunit kahit kailan hindi siya nagtanim galit para kay Donya Clemente.
Samantala, natigilan si Donya Clemente sa mga narinig. Bahagyang napaawang ang mga labi ng matanda. Hindi nito inaasahan ang mga naririnig mula kay Angelie.
Mabigat ang mga paa na humakbang patungong pinto. Nais man niyang lapitan muli si Michael at yakapin sa huling pagkakataon. Pero mas pinili niyang huwag lingunin ito, baka hindi niya makayanan pa ang umalis. Naninikip ang dibdib ni Angelie sa isiping nabalewala lahat ng kanyang paghihirap dahil nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama. Marahas na pinahid ang mga luhang nag-unahan sa pagbagsak. Kung ito ang nakatakda ng kapalaran malugod niya itong tinatanggap. Huwag nang ipilit pa ang mga bagay na mahirap ng ibalik. Sino nga ba siya para salungatin ang desisyon ng Panginoon sa kanyang buhay? Dahil sabi ng kanyang ang lahat na pangyayari sa ating buhay ay may dahilan ang Diyos. Ngunit ang tanong ito ba talaga nag kagustuhan ng Diyos na mangyari? O kagustuhan ng mga taong hindi tanggap ang kanyang pagkatao?
“Saan ka pupunta? Hindi ko sinabi na aalis ka,” pigil ni Michael nang akmang bubuksan na niya ang pintuan. Nabuhayan siya ng pag-asa.
Lumukso sa tuwa ang kanyang puso. Akala niya tuluyan na silang magkalayo. Hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata nang lingunin niya ang lalaki.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Mabilis niyang inihakbang ang pagitan nilang mag-asawa at niyakap niya ng mahigpit si Michael.
Nakita niga kung paano nanlaki ang mga mata ng kanyang biyenan. May pagtutol ang mukha nito, ngunit walang lumabas na salita sa bibig.
“Thank you, Michael. Akala ko tuluyan na tayong magkakalayo. I love you,” bulong niya sa tainga ng lalaki. Walang pagtutol sa kanyang ginawa kaya. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa malapad nitong dibdib.
HUMAHANGOS na lumapit sa kanya si Gweneth. Galing ito sa ikalawang palapag naglilinis ng hallway nang marinig nito ang malakas na kalabog mula sa silid nina Angelie
“Ma-ma’am Angelie, kanina ka pa po kayo hinahanap ni sir Michael,” natatarantang lahad nito sa kanya habang bitbit pa rin ang vacuum. Kaagad niyang nilapag ang sandok at tinakpan ang kaldero na kanyang pinaglulutuan bago hinarap ang katulong.
“Ha? Sige ikaw muna ang bahala sa niluto ko Gwen, pupuntahan ko muna ang senyorito, Michael mo.”
“Sige, ako na ang bahala rito ngunit mag-iingat po kayo, ma’am. Mainit po ang ulo ni senyorito.”
Hindi na siya nag-abalang tanggalin ang kanyang suot na apron. Nagmamadali na siyang puntahan ang asawa dahil pihadong siya na naman ang pabubuntungan ng galit nito. Halos madadapa na siya sa sobrang pagmamadali nang takbuhin niya ang mataas na hagdan. Ikaapat na silid mula sa bukana ng hagdan ang kanilan inu-okapang silid. Ngunit rinig na rinig na niya ang nagbabasagang mga gamit.
Nagdadalawang isip si Angelie kung tutuloy pa ba siya o hindi. Sa tuwing nagkakaganito si Michael hindi niya mapigilan ang sarili na matakot sa asawa. Kung dati nakaramdam siya ng kapanatagan at ligtas sa piling ni Michael ngayon napuno ng takot ang kanyang puso satuwing napapalapit sita rito.
Mukhang nagkakamali siya ng desisyon sa pagpili na mananatili ng mga Sandoval. Dahil kung napatigil na sa panghahamak sa kanya si Donya Clemente. Dahil pansamantala itong nawala. Nagbabakasyon sa Las Vegas Niveda isinama nito si Myrna. Hindi niya alam kung gaano katagal na magkakakila ang dalawa.
Akala niya bumalik na sila sa dati nang pigilin siya ni Michael. Ngunit mas lalo pa palang lumama ang kanilang pagsasama. Akala niya hindi ito naniniwala sa kasinungalingan ni Donya Clemente at Myrna. Araw-araw isinusumbat nito sa kanya ang panlalaki raw niya. Gayong hindi naman totoo. Mawala lamang siya saglit sa tabi nito naging praning na kaagad. Kagaya na lamang ngayon. Iniwan ni Angelie at nagpunta sa kusina para magluto. Hindi pa naman ito nagigising noong lumabas siya. At nang magising ito na nalaman wala na siya sa tabi nito naging mitya na naman ng pagwawala ng lalaki.
“Angelie! Na saan ka? Angelie!”
Malayo pa lamang siya rinig na rinig na niya ang pagtawag ng kanyang pangalan.
Napuno ng kaba ang kanya dibdib dahil sa maaring gawin na naman sa kanya ni Michael. Humugot siya ng malalim na buntonghininga at pakatapos marahas niya itong pinakawalan bago dahan-dahang pinihit ang door knob.
Tumambad kay Angelie ang magulo nilang silid. Maraming nagkalat na mga gamit. Basag ang bagong palit nilang lampshade dahil binisag din nito ang una. Maging ang mga bedding ng kama nakalatag na sasahig at ang mga unan kung saan-saan na ito nakarating.
Hinahanap ng kanyang mga mata si Michael. Natagpuan niya ito na tahimik ng nakatayo malapit sa malaking bintana sa bandang silangan. Itinabing nito ang makapal na kurtina kung kaya malayang nakapasok ang sinag ng araw na tumama sa katawan ni Michael. Medyo nabawasan ang kabang nararamdaman, mukhang kumalma naman na si Michael.
“Where have you been? Ilang oras na akong naghahanap sa’yo?” tanong ng baritonong boses.
Halos mapatalon si Angelie sa sobrang gulat. Akala niya hindi nito napansin ang kanyang pagpasok. Napalunok siya ng ilang beses, hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya gayong wala naman siyang ginagawang masama. Marahil na tu-trauma na siya sa araw-araw na pang-aasik sa kanya ni Michael.
“Ano? Bakit hindi ka makasagot?Nagkikita na naman kayo ng lalaki mo?”
Nagsimula na naman nitong ungkatin ang mga pangbibintang nito sa kanya. Ang mga paratang ba kahit kailan hindi naman niya ginawa. Ngunit, pinagdudusahan niya ang kabayaran sa mga maling paratang sa kanya. Napakahirap ng kanyang kalagayan, may pagkakataon na makawala sa hawla na ginagawa ni Michael ngunit mas pinili niyang manatili sa loob para lamang makakasama ang lalaking labis na minamahal.
“Nagkakamali ka ng iyong iniisip. Ilang ulit ko bang sa’yo na wala akong lalaki? Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan ako? Bakit mas pinili mong maniwala sa mga kasinungalingan na inimbento ng mga taong gustong sirain tayo? Wala na ba talaga sa’yong halaga ang pagsasama natin kung kaya mas pinili mong maging ganito tayo?” nagsimula ng uminit na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Lagi na lamang ganito. Wala namang nagbago lagi lamang siyang nasasaktan.
“Then, tell me where have you been, b*tch?
“Siguraduhin mo lang dahil kapag napapatunayan ko na nagloloko ka talaga sa akin. Papatayin ko kayong dalawa ng lalaki mo!” Walang kahirap-hirap na tinawid nito ang pagitan nilang dalawa. Dahil nasanay na sa pasikot-sikot sa kanilang silid si Michael.
Namilipit si Angelie sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Michael sa kanyang braso.
“A-ano ba, Michael?! Nasasaktan ako!” pilit siyang kumakawala mula sa kanyang asawa ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang pulsuhan.
“Michael, nakakapagod na. Hindi ka ba nagsasawa na saktan ako? Kung wala nikatiting na natitirang pagnamahal mo para sa akin? Mas mabuti pa natatapusin na natin ’to. Kung sa tingin mo marumi na akong babae, pakawalan mo na lamang ako. Ayaw ko na, suko na ako. Mahal kita pero kailangan ko na rin iligtas ang sarili ko. Kailangan ko na uunahin ko naman ang sarili ko. I’ve done so much to save this marriage. Pero siguro hanggang dito na lamang talaga tayo,” matapang na saad niya rito. Mahal na mahal niya ito ngunit siguro tama si Manang Lucille. Hindi puwede na magmahal ka ng iba ngunit ang mismong sarili mo hindi ko kayang mahalin.
“No! Ayaw ko! Hindi ako papayag na iiwan mo ako! Pinapaalis na kita sa buhay ko, ngunit ayaw mong umalis. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na ayaw mo? Bakit dahil may nakita ka ng kapalit sa akin. Nakayang ibigay ang pagkukulang ko sa’yo. P’wes, magdudusa ka. Maybe I am blind, but I’m not stupid! Hindi ko hahayaan na maging masaya ka habang ako ay nagdurusa!”
“Papatayin muna kita bago ka mapupunta sa iba! Akin ka lang! Akin! Naiintindihan mo ba, ha?!” tila demonyong saad ni Michael. Nahihintakutan na si Angelie dahil inasta nang asawa. Nanlilisik ang mga mata at rinig na rinig niya ang tunog ng nangangalit na ngipin ni Michael. Kaya mas lalo siyang nagpupumiglas dahil sa sobrang takot.
“B-b-bitawan mo ako, Michael! M-maawa ka sa akin. Wala naman akong ginawang masama. Alam mo ’yan kung gaano kita ka mahal. Hindi ko magagawang lokohin ka. Nagluluto lang naman ako kanina.”
Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang asawa habang umaalpas ang luha sa mga mata at malakaa na napahagulgol.
Walang kahirap-hirap na kinarga siya ni Michael na tila isang sakong bigas para sana isampa sa kama. Ngunit dahil sa muli na naman nagpupumiglas si Angelie dahil sa natatakot siya kung ano ang maaring gawin ng kanyang asawa kanya. At sa hindi inaasahang pagkakataon nabitawan siya ng lalaki at tumama ang kanyang ulo sa sahig.
“M-Michael, may dugo!” nahintatakutan niyang saad kay Michael nang makita ang sariling dugo sa kanyang kamay pagkatapos ang kanyang ulo. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. At biglang dumilim ang kanyang paningin.
“A-Angelie!” tanging salitang lumabas sa bibig ni Michael. Hindi niya inaasahan ang mga pangyayari. Hindi niya alam
“What did you do, son?” narinig na sigaw bago siya nilamon ng karimlan ang kanyang malay. Mayroon ‘HERMOPHOBIA’ o takot sa dugo kaya ganoon na lamang ang takot na nararamdaman ni Angelie.
YOU ARE READING
THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICE
RomanceContented at proud wife si Angelie Fabregas Sandoval bilang asawa ni Governor Michael Sandoval. But her almost fairytale love stories turned into nightmares when a tragic accident came across. Michael changed. Is she willing to keep her marriage vow...