KATULAD ng ipinangako ni Michael kay Angelie namuhay ng masaya at punong-puno ng pagmamahal silang mag-asawa. Hindi naging hadlang ang hindi pa rin pagtanggap ni Donya Clemente. Bagkus mas lalo niyang ipinapakita na deserving siya sa pagdala ng apelyidong Sandoval. Maalagang at mapagmahal na asawa. Sinisiguro niya na naaalagaan niya ng husto si Michael.
Hindi pa rin sumusuko si Angelie, naniniwala siya na darating din ang panahon na matatanggap siya ng kanyang biyenan. Importanti para kay Angelie na maging kasundo ang mga taong nakapaligid kay Michael. Pero hindi niya ipipilit ang kanyang sarili sa matanda.
Ini-enjoy niya ang bawat araw, oras na magkakasama sila ni Michael. Walang siyang pinagsisihan sa kanyang desisyon na pakasalan ang lalaking pinakamamahal. Kahit pa maraming humahadlang. Mabait, at mapagmahal na asawa. Mapagkawang gawa at talagang ginagawa niyang mabuti ang kanyang tungkulin bilang gobernador ng kanilang bayan. Kaya hindi maipagkakaila sobrang mahal silang mag-asawa ng kanilang mga kababayan.
“Honey, I have to go. I have an important meeting to Congressman Andales. Sorry, babawi ako sa dinner sabay tayong kumain mamaya.”
Hindi na ito nagawang umupo pa at kumuha na lamang ito ng isang bacon sa pinggan sabay subo. Katatapos lamang nitong naligo at mabilisang sinuot ang suot. Hindi na nga nito nagawang ayusin ang collar sa suot nitong long sleeve.
“It’s okay, hon. Basta kainin mo itong pinadala ko sa ’yo na baon. Magtatampo talaga ako sa ’yo kapag may natira pa niyan.”
Kaagad siyang lumapit kay Michael para ayusin ang suot nito. Kaya mas lalong lumaki ang pagmamahal nito sa kanya dahilan bukod sa masarap ito magluto sobrang maalagang asawa si Angelie.
“Ofcourse, basta luto mo, honey. Alam mo naman na paborito ko lahat ng mga niluluto ng mahal kong asawa. Ngayon lang talaga ako hindi makapag breakfast ng sabay sa ’yo. Paano pinagod mo ako kagabi kaya hindi nagising ng maaga,” malokong tugon ni Michael sa kanya. Pinandlitan niya ito ng mata dahil sa tinuran. Mabuti na lamang walang nakakarinig dahil may kanya-kanyang trabaho ang mga kasambahay.
“Ano? At ako pa talaga ang sinisisi mo? Ikaw nga ’tong mahilig!” bwelta naman niya sabay pingot ng mahina sa tainga ng asawa.
“Sige na, lumakad ka na. Baka mahuli ka pa sa meeting ninyo ni Congressman,” taboy niya kay Michael nang humirit na naman ito. Nagsisimula na naman naglikot ang kamay habang mahigpit itong yumakap sa kanya.
“Honey, hindi na lang kaya ako papasok sa opisina. Gusto kong kasama kita lagi,” tila batang saad ni Michael nakamaktol pa ang mukha.
“Hoy! Mister Sandoval! Ano naman ’yang kalokohang pinagsasabi mo? Alam ko na ’yang iniisip mo. Kaya tigil-tigilan mo na ’yan. Umalis ka na. Baka hinihintay ka na ni Congressman,” kunwaring pagalit niya kay Michael ngunti ang totoo gusto rin niya ang idea nito. Subalit, hindi naman maari, malaki ang tungkulin nito sa kanilang bayan. Hindi porke’t siya ang gorbernador a-absent na lamang ito kahit kailan gusto.
“Opo, aalis na, Boss. Baka e-ban mo pa ako sa silid natin.” Natawang tugon naman nito sa kanya.
Ngunit bago pa man ito tuluyang umalis isang matunog na halik ang iginawad nito sa kanya na ikinapula ng kanyang pisngi. Kahit isang taon na silang mag-asawa hindi pa rin niya maiwasan ang kiligin.
“Ingat ka! I love you!” pahabol niya kay Michael nang nakapasok na ito sa sasakyan.
“I will, para sa’yo, honey! I love you too.” Nag-flying kiss pa ito sa kanya bago isinirado ang bintana ng kotse at tuluyang pinasibad ang sinasakyan. Hindi pa rin napalis ang nngiti sa kanyang mga labi nang makabalik sa dining area. Napagpasayahan niyang ligpitin na lamang ang inihanda niyang mga pagkain. Biglang nawala ang gana niya sa pagkain.
Naiwang napuno ng pagmamahal ang puso ni Angelie. Kahit ilang minuto nang nakaalis si Michael hindi pa rin nawaglit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. They’re relationship is almost perfect, hindi man maiwasan ang magkaroon ng tampuhan ang mag-asawa ngunit sinisiguro nilang maayos ito bago pa man matapos ang isang oras.
Isa na lamang ang kulang sa kanilang pagsasama. Ang magkaroon ng anak. Nais ni Michael na biyayaan sila ng maraming supling para raw laging masaya ang kanilang pamamahay. Nais na niyang mabuntis at magkaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan dahil katulad din niya nasasabik na rin si Michael na magkaroon sila ng anak.
Nilibang niya ang kanyang sarili sa paglilinis ng kanilang silid. Nagpapalit siya ng mga punda, bed sheet at mga kurtina. Nagpupunas din siya ng mga alikabok. Kahit marami silang mga katulong hindi niya ugali ang humilata na lamang at walang gagawin buong mag-araw. Nasanay siya na tumulong sa mga gawaing bahay.
“Ay! Pusang gala!” napasigaw si Angelie dahil sa sobrang pagkagulat. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Kasalukuyan siyang nagpaspas ng mga dumi sa kisame nang bigla na lamang nahulog ang malaking wedding picture nila na nakasabit sa dingding ng kanilang silid.
“Siguro natamaan ng walis kaya nahulog,” ni Angelie sa kanyang sarili. Nalungkot siyang dinampot ang kanilang wedding picture dahil medyo na punit ang mukha ni Michael nang may bubog na nakatusok nito.
‘Hmmp, sayang. Ang gwapo mo pa naman dito, hon.’
Kinuha niya ang dust pan at walis para itapon ang mga bubog ngunit muli na naman siyang nagulat nang may biglang dumaan sa kanyang harapan na pusang itim. Doon na hindi mapakali si Angelie, mas lalong rumaragasa ang kaba sa kanyang dibdib. Naalala niya ang mga pamahiin ng mga matatanda. Masamang pangitain daw ang makakita ng pusang itim at biglang pagkabasag ng larawan ng isang tao na malapit sa :m.
“Diyos ko! Huwag mo pong pabayaan si Michael. Iadya mo po sana ang mahal ko sa kapahamakan.” Dalangin ni Angelie. Hindi niya gusto ang kanyang nararamdaman lalo pa si Michael kaagad ang pumasok sa kanyang isipan. Ngunit, kaagad niyang ipinilig ang kanyang ulo.
“Huwag kang mag-isip ng masama, Angelie. For sure, coincidence lamang ang nangyari,” pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.
Hindi na maituloy ni Angelie ang kanyang paglilinis dahil sa naging balisa na siya. Nariyan ’yong lakad upo ang kanyang ginawa. Kahit ano’ng gawin niyang i-divert ang kanyang pag-iisip ng sa ibang bagay hindi pa rin niya magawa. Hindi niya gusto ang kabang nararamdaman. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito.
“Huh! Kalma! Kalma! Masyado ka ng exaggerated mag-isip. Hindi ka nakakatuwa!” pangaral niya sa kanyang imahi na nasa salamin.
Marahas siyang nagbuga ng hangin para mabawasan kanyang kakaibang pakiramdam. Ang kaninang saya na nararamdaman napapalitan ngayon ng takot at pangamba.
“Ma’am, may tawag po kayo sa telepono.” Napapitlag siya sa biglaang pagtawag sa kanya ng isa sa kanilang kasambahay.
“Patawad po, Ma’am. Kanina pa kasi ako kumakatok kaya nagpasya na akong pumasok na lang.” Pinipilit niyang ngumiti sa katulong sabay sabing.
“Ayos lang, Cynthia. Sasagutin ko na lamang.” Inabot niya ang oditibo pagkatapos kinuha ang telephone at inilagay sa kanyang tainga. Konektado sa kanilang silid ang lahat ng telepono sa kanilang bahay. Napahinga siya nang malalim bago nagsalita para tanggalin ang bagabag sa kanyang sarili.
“He- hello, sino po sila?” nauutal niyang sagot.
“Hello, kayo po ba si Mrs. Angelie Sandoval?” narinig niyang tugon sa kabilang linya.
“Ye-yes, speaking?” hindi pa rin maitago ang kaba sa kanyang tinig.
“This is from Don Hernandez Hospital. Mrs. Sandova, malungkot namin ipinaalam sa iyo na isinugod si Governor Sandoval sa aming hospital dahil sa aksidenting kanyang kinasasangkutan. Nadaganan ng ten wheelers truck ang kanyang kotse. He is in critical condition!”
Halos mabingi si Angelie sa balitang kanyang narinig. Nabitawan niya ang hawak na telepono dahil tila tinakasan siya nang kanyang buong lakas. Pagkatapos bigla na lamang siyang napahagulhol ng iyak.
“Ma’am, ano’ng nangyari? Bakit po kayo umiiyak?” buong pagtatakang tanong ni Cynthia. Mabilis siyang dinaluhan dahil muntik na siyang nabawal. Napayakap si Angelie sa kanilang katulong dahil sa kanyang labis na panghihina. Tila tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo dahil sa masamang balita. Ngunit nang makabawi kaagad siyang nagpalit ng damit at luhaan pa ring nagtungo sa hospital.
“Kayo na ang bahala rito, pupuntahan ko si Michael sa hospital.”
YOU ARE READING
THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICE
RomansaContented at proud wife si Angelie Fabregas Sandoval bilang asawa ni Governor Michael Sandoval. But her almost fairytale love stories turned into nightmares when a tragic accident came across. Michael changed. Is she willing to keep her marriage vow...