DAHAN-DAHANG iminulat ni Angelie ang kanyang mga mata. Hindi niya kaagad naaalala kung ano ang mga nangyari? Muli niyang ipinikit ang mga mata para gunitain ang huling sandali bago pa siya nawalan ng malay. Muli na naman sumakit ang kanyang dibdib nang maalala ang mga tagpo kaninang umaga. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, nandito pa rin siya sa kanilang silid at unang beses niyang nakahiga sa malaking kama, kung saan natutulog si Michael dahil kahit isang beses hindi siya pinayagan ng lalaki na makatabi siya sa pagtulog.
Natataranta sana siyang bumangon dahil baka magagalit na naman sa kanya ang asawa, kapag nalaman nitong sa kama pa siya natutulog. Ngunit nang sinapat niya ang bilog na orasan na nakasabit sa kanilang dingding nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang oras, alas-singko na ng hapon.
Sinisikap niyang bumangon muli ngunit katulad kanina hindi niya kaya dahil kumikirot ang kanyang ulo, mabigat pa rin ang kanyang katawan at maging ang talukap ng kanyang mga mata nararamdamang niyang namamaga ito. Hindi sapat ang kanyang lakas para kumilos. Masakit ang kanyang buong katawan marahil sa pagpupumiglas niya ito mula kay Michael.
Narinig na rin niya ang malakas na kalam ng kanyang sikmura, dahil wala pa palang laman ang kanyang tiyan simula pagkagising niya kaninang umaga. Nang muli niyang iminulat ang mga mata. Malakas siyang napabuntonghininga at nakapermi ang kanyang paningin sa kisame.
“Ano na kaya ang mangyari sa amin? May pag-asa pa kaya kami?” mga tanong ni Angelie sa kanyang sarili. Ngunit maging siya hindi niya alam ang isasagot.
Muli na naman nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Akala niya wala na siyang mailuluha pa. Ngunit heto na naman muli na naman nag-uumapaw ang kanyang emosyon. Kailan pa ba siya maging manhid? Upang hindi na niya maramdaman ang ganitong klase ng sakit.
‘Sino kaya ang nagpalit sa akin ng damit?’
Nagtataka siya dahil nag-iiba na ang kanyang kasuotan. Nang itinaas niya kanang kamay napansin niya ang dextrose na nakalagay. Nalagyan na rin ng bandage ang sugat ng kanyang ulo.
Hinahanap niya ang kanyang mga mata ang kanyang asawa ngunit hindi niya matagpuan sa kanilang silid. Nagtataka siya dahil simula ng bulag ito hindi man lamang ito lumabas sa kanilang silid kahit isang beses.
‘Na saan kaya si Michael?’
Kaagad napabaling ang kanyang paningin sa pinto, nang bigla itong bumukas, akala niya si Michael na ang dumating. Ngunit sina Manang Lucille at isa nitong kasamahan ang iniluwa. May bitbit itong tray na may laman na pagkain. Natatakam na siya sa pagkain na dala ni Manang Lucille. Gutom na gutom na talaga siya.
“Angelie, hija, salamat sa Dios at gising ka na. Sobrang nag-aalala ako kanina sa ’yo,” kaagad na saad ni Manang Lucille sa kanya at buong ingat na ipinatong ang dalang pagkain sa mesa. Malungkot itong nakatingin sa kanya.
“Mahabaging Panginoon. Ano’ng ginawa nila sa ’yo anak? Mga wala talaga silang awa. Bakit ka nila pinapahirapan ng ganito?” galit na saad ni Manang Lucille sa kanya nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Nakita nito ang kanyang mga pasa kagagawan pa nina Donya Clemente at Myrna. Hindi naitago ni Manang Lucille ang matinding galit dahil sa kalunus-lunos na nangyari sa histura ni Angelie. Kaagad siya nitong niyakap at nararamdaman niya ang paghikbi ng matanda. Naawa ito sa kanyang histura.
“Salamat po, Manang. Huwag na po kayong mag-aalala sa akin. Maayos na naman po ang pakiramdam. Pero paniguradong mawawala na rin ito mamaya. Huwag na po natin sisihin si Michael, Manang. Hindi naman po niya sinasadya ang nangyari kanina. Kasalanan ko naman po,” pagtatakip niya kay Michael.
“Pasensiya ka na, hija. Hindi ko lamang maiwasan ang magalit lalo na kay sir Michael. Bakit hindi ka man lang niya magawang ipagtanggol? Bulag nga siya pero may kakayahan pa rin siya na protektahan ka bilang kanyang asawa. Paano ka niya natitiis ng ganito? Sabagay siya rin mismo ang nanakit sa ’yo.” Napailing-iling si Manang Lucille para pigilin ang luha na nangilid sa kanyang mga mata. Wala siya ng mansiyon nang pinagtulangan nina Donya Clemente at Myrna si Angelie. Umuuwi ito sa kanilang probinsiya. Kahit hindi man sila kadugo ni Angelie ngunit napamahal ito sa kanya.
“Manang, may awa naman ang Dios. Alam kong hindi rin magtatagal ang paghihirap ko na ito. Darating din ang araw na tuluyan na akong matatanggap ni Donya Clemente at babalik na ang dating masaya namin pagmamahalan. Idinulog ko na lamang sa Dios ang lahat.”
“Hay, kaya ka nga nila inaabuso. Kasi napakabait mo. Hindi ka man lamang marunong lumaban. Napamahal ka na sa akin Angelie, hija. Kaya nasasaktan din ako kung paano kanila tratuhin,” muling saad ni Manang Lucille.
“Pasensiya ka na, hija. Hindi kita naipagtanggol. Kung nakabalik ako rito nang ginawa nila ’yan sa ’yo. Wala na akong pakialam kung matatanggal ako rito. Hindi ko na kayang panoorin na lamang kung paano ka sasaktan ng demonyita mong biyenan. At ng isang epal na babaeng iyon!” mas tumindi ang galit ni Manang Lucille nang malaman niya na pinagtulungang saktan si Angelie tapos ito na naman ngayon kagagawan na naman ni Michael.
Hindi pilit ang ngiting ibinigay ni Angelie sa matanda. Kahit malayo man siya sa kanyang ina, nagkaroon naman siya ng pangawalang ina sa katauhan ni Manag Lucille. Masaya si Angelie na may isang tao na dumamay at handang ipagtanggol siya.
“Salamat po, Manang Lucille. Para ko na po kayong ina rito. Kayo lang po ang kakampi ko. Pero hindi mo naman kailangan na ipagtanggol ako. Hindi ko gugustuhin na madadamay kayo dahil sa akin. Sapat na sa akin na nandiyan kayo para damayan ako.” Niyakap niya ng mahigpit ang matanda parang pangalawang ina na niya ito. Sobrang maalaga sa kanya. Pareho pa silang nag-iyakan damang-dama ni Angelie ang pagmamalasakit nito sa kanya.
“Naku, kumain ka muna, hija. Naririnig ko na ang tunog ng iyong nagwawalang sikmura.” Parehas silang nagtawanan sa tinuran ni Lucille. Sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya heto pa rin siya hindi nakalimot na tumawa. Masasabing si Angelie ang isa pinakamatapang na babae na nakilala ng matanda.
“Tama po kayo, Manang. Talagang nagugutom na po ako. Kanina pang umaga hindi nagkalaman ang aking tiyan. Kaya nagwawala na ang mga alaga ko.”
“Na hala, ubusin mo itong niluto ko ang paborito mong ulam. Tiyak na manunumbalik ka agad iyang alakas mo.”
Tinulangan siya ni Manang Lucille na bumangon at pinaupo sa kama. Akmang susubuan siya nito pero kaagad din niyang pinigilan.
“Ako na po, Manang. Kaya ko naman po. Nakakahiya po sa inyo. Alam kong marami pa kayong kailangan gawin sa kusina.” puno ng pag-aalala niyang saad.
Akmang isusubo niya ang unang sinandok na pagkain ngunit naalala niyang baka madumihan pa ang bed sheet. Kaya kahit masakit pa ang katawan sinikap niyang makababa ng kama at kaagad naman siyang inalalayan ni Manang Lucille.
Binilisan niyang kumain. Nag-aalala siya na baka hindi pa rin nakakain si Michael simula kanina. Ngunit napatigil siya sa pagsubo nang biglang bumukas ang pinto. At nakita niya si Michael papasok, bitbit ang tungkod sa kanang kamay at sa kabila naman hawak ang boquet ng mga bulaklak.
Tila biglang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. Napainom siya ng tubig nang wala sa oras. Kakaiba ang awra ng kanyang asawa ngayon. Magaan at maaliwalas hindi katulad ng mga nagdaang buwan at araw na mabigat at palaging galit. Tahimik na pinagmamasdan niya si Michael hanggang makarating ito sa kama. Mas lalong naghuhurumentado ang kanyang dibdib at dumoble ang tibok ng kanyang puso nang matamis itong ngumiti sa kanya sabay abot ng bulaklak.
“A-Angelie, honey. For you,” nauutal nitong saad. Tila nahihiya ito sa kanya.
Tila naman nabingi si Angelie sa narinig. Ngayon lamang siya ulit na tinawag nitong honey. Nanginit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata dahil sa narinig.
“P-para sa akin?” paninigurado niya. Marahan lamang tumango si Michael. Nang inilibot niya ang kanyang paningin nakita niya ang ngiti sa labi ni Manang Lucille. Sumenyas pa ito na tanggapin niya. Kaya wala sa sariling inabot ang ibinigay ng kanyang asawa at dinala sa ilong para samyuhin. Naaalala pa pala nito ang kanyang paboritong bulaklak.
“A-Angelie, h-honey, I’m really so-sorry. Please, forgive me all the wrong I have done to you. I’m so sorry. I was stupid for treating you so bad,” nauutal na saad ni Michael.
Itinaas nito ang nanginginig na kamay at kinakapa ang kanyang braso. Mahigpit na hinahawakan ni Michael ang kanyang kamay. Kahit bulag man ang mga mata nito ngunit kitang-kita pa rin ang lungkot.
Nakatulalang pinagmasdan ni Angelie ang kanyang asawa na ngayon ay lumuluha sa kanyang harapan. Labis siyang nabibigla dahil hindi niya inaasahan ang tagpong ito. Bahagyang kinurap-kurap ang kanyang mga mata, baka sakaling nanaginip lamang siya. Hindi pa siya nakuntento, kinurot niya ang kanyang sarili, ngunit napangiwi ito nang naramdaman ang sakit sa kanyang ginawa. Nakumperma niyang hindi pala panaginip ang lahat at totoo ang mga nangyari.
Nanunubig ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang kanyang naramramdaman. Unang beses niyang nakatanggap ng bulaklak simula nang naaksidenti si Michael. Bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata, ngunit sa pagkakataon na ito hindi dahil sa sakit kundi dahil sa labis na kalagakan.
‘Lord, ito na ba ang matagal ko ng hinihintay? Bumalik na kaya ang Michael na minahal ko?’
Isang taon na rin simula na nangyari ang aksidente. At isang taon na rin nang hiniling niya sa Panginoon na sana bumalik na ang muling pagsasama nila ni Michael. Hindi talaga natutulog ang Diyos, nakikita ng Panginoon lahat ng mga paghihirap ni Angelie. At ngayon sa wakas dinidinig na ng Diyos ang lahat ng kanyang mga dasal. Matuto lamang maghintay at lumaban sa hamon ng buhay.
Mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak ni Michael sa kanyang mga kamay. Pagkatapos dinala iyon sa labi ng lalaki at marahang hinagkan. Si Michael ang tipo na ayaw magpakita ng kahit ano’ng emosyon, hindi nito nais ipakita ang kahinaan. Ngunit sa pagkakataon na ito hinayaan lamang nito na dumaloy ang masaganang luha sa pisngi.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan nito. Bumuka ang bibig ni Michael ngunit walang salitang lumabas. Muli naman itong napabuga ng hangin na tila ba nahihirapan ito sa kung ano man ang nais na sasabihin?
“I-I’m really sorry, for being so weak. Ako ang lalaki pero ako ang mahina. Masyado akong nagpapadala sa aking galit at hinanakit sa mundo. Pati ikaw na aking asawa, nadadamay. Honey, forgive me for being so selfish, tanging sarili ko lamang ang aking iniisip. Masyado akong naka-focus sa madilim kong pinagdadaanan. I was so devastated when I lost my position as Governor. I can no longer do, what ever I want. Nakalimutan ko na nandiyan ka pa pala na nangangailangan sa akin. Binabalewala ko lahat ng sakripisyo at iyong paghihirap,” mahabang salaysay ni Michael. Habang tahimik lamang si Angelie na nakikinig, hinayaan lamang niya itong nagsasalita. Hilam sa luha ang kanyang mga mata, pinakititigan ang mukha ng lalaki. Nababatid niya seryoso ito sa mga sinasabi.
“H-honey, I’m really sorry for hurting you. When the time I told you, that I don’t needed you anymore, those was a lie. Dahil ang totoo mas higit kitang kailangan. Nagkakamali ako noong sinabi ko sa ’yo na maghanap ka na lamang ng iba dahil akala ko. Kaya ko na iwan muna ako. But I realized hindi ko pa pala kaya. I can’t live without you, honey,” napatigil ito saglit bago magpapatuloy dahil sa bigat nang nararamdaman ni Michael.
“Patawarin mo ako. I was so jerk for hurting you! But believe me, ginawa ko lamang ang lahat nang ‘yon dahil nais kong umalis ka sapagkat ayaw kong mahihirapan ka sa pag-aalaga akin. Angelie, honey, ayaw kong matali ka sa responsibilidad na hindi naman dapat,” Hindi na napigil ang sarili napahagugol ng iyak ni Michael habang walang humpay na humihingi ng sorry kay Angelie.
Maging si Angelie hindi na rin napigil ang pagpapalahaw ng iyak habang muling binalikan ang bawat masakit na katagang sinasabi sa kanya noon ni Michael. Ang bawat oras at araw na paghihirap ng kanyang kalooban sa isiping hindi na siya mahal ng kanyang asawa. Ngunit ang lahat ng iyon ginawa lamang pala ni Michael para umalis siya sa buhay nito nang hindi na siya mahihirapan pa. Maging sina Manang Lucille at Gweneth napaluha na rin sa kanilang nakitang madamdaming tagpo. Naawa sila parehas kay Angelie at Michael.
Nagulat si Angelie nang biglang lumuhod si Michael sa kanyang harapan. Hindi pa rin binibitawan ang kanyang mga kamay. Ngunit mabilis itong pinatayo ni Angelie.
“Please, M-Michael, tumayo ka. Hindi ako Diyos para luhuran mo. Tao lamang din ako, katulad mo. May kasalanan at pagkakamali.”
“Angelie, honey. Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad. Alam ko na hindi kayang hilumin ng salitang patawad ang sugat ng iyong puso dulot sa aking mga ginawang pagpapasakit sa ’yo. Ngunit hindi pa rin ako titigil sa paghingi ng tawad. Nangangakong na babawi ako sa lahat ng aking pagkukulang. At tutuparin ko na ang pangako ko sa ’yo na aalagaan at po-protektahan kita sa abot ng aking makakaya. Sa kabila ng aking kapansanan. Naiintindihan ko kung hindi mo man ako mapapatawad ngayon. Ngunit hindi ako titigil hangga’t darating ang araw na mapapatawad mo na ako.”
Pinahid ni Angelie ang masaganang luha sa kanyang pisngi pagkatapos sinununod din niya sa pagpahid ang mga luhang umaalapas sa mata ni Michael. At pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi man siya nakikita nito ngunit matamis siyang ngumiti sa lalaki.
“Hindi ka paman humingi ng tawad sa akin. Pinapatawad na kita. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Mahal na mahal kita, Michael at kahit kailan hindi kita susukuan. Ipaglalaban ko ang ating pagmamahalan kahit sa huling hininga ko.”
Mahigpit na niyakap nila ang isa’t-isa. Muling lumuluha dahil sa labis natuwa ang kanilang mga puso. Pinahid ni Michael ang kanyang mga luha at kaagad na sinunggaban ang kanyang mga labi. Hindi naman niya tinanggihan iyon bagkus sinuklian din niya ang marubdob na halik. Sobrang namimiss nila ang isa’t-isa. Ilang minuto ang itinagal ng kanilang paghahalikan napatigil lamang sila nang tumikhim si Manang Lucille.
“Manang Lucille, pasensiya na po,” nahihiyang saad ni Angelie. Nakalimutan niyang nasa loob pa pala ng kanilang silid ang dalawa.
“Masaya ako para sa ’yo, hija. Sana magtuloy-tuloy na ’yan. O, siya, lalabas na kami at baka madistorbo pa namin kayo.”
Muli na namang nagtagpo ang mga labi nang dalawa. At muling pinagsaluhan ang maiinit nilang mga halik.
“I miss you so much, honey,” bulong ni Michael sa kanyang punong tainga.
“I miss you too so much, Michael. Hindi ako makapaniwala na bumalik ka na sa dati. Sana hindi lamang ito panaginip lahat.” Bahagyang napangiti si Michael sa kanyang sinabi sabay yakap ng mahigpit at pagkatapos hinagkan nito ang kanyang buhok.
“I’m sorry, ho—” hindi na pinatapos ni Angelie ang nais sabihin ni Michael.
“Tama na ang paghingi mo ng tawad. Ayaw kong sisihin mo ang iyong sarili sa mga nangyari. Sapat na sa akin na bumalik ka na sa dati.” Sa kabila ng pagpapasakit ni Michael sa kanya mas pinili niya ang magpatawad kaagad. Para saan pa ang kanyang pagtiis para lamang naisalba ang kanilang pagsasama kung hindi man lamang siya magpapatawad.
“No words can say how much I’m thankful for having you my wife. I am so lucky to have you. But sadly, nakalimutan ko iyon. You know, I was so scared sa nangyari sa iyo kanina. Hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyari pang masama sa ’yo, hon. Walang ibang sisihin kundi ako lamang,” biglang nalungkot si Michael dahil sa huling tinuran.
“Ano’ng sinabi ko sa’yo? Let’s forget everything and let’s start our new life together and stonger.”
“Thank you for the second chance that you gave me, honey. Pangako, hindi na mangyayari ito. Sapagkat mas lalo natin pagtibayin ang ating pagmamahalan kahit ano man pagsubok ang dumating. I love you so much, Mrs. Angelie Sandoval.”
“Mahal na mahal din kita, Michael,” malambing niyang tugon sa asawa.
Muling nagpang-abot ang kanilang mga labi. Dahan-dahan siyang inihiga ni Michael sa kama at mabilis ang naging kilos nito. Hindi man lamang napansin ni Angelie na wala na silang nga saplot. Marahan nitong hinagkan ang kanyang mga labi na buong puso naman tinanggap ni Angelie. Hanggang sa lumalim ang matamis na halik na kanilang pinagsasaluhan. Punong-puno ng pananabik at pagmamahal ang bawat isa.
Nahirapan man silang dalawa na marating ang sukdulan ng langit dahil isa sa naapektuhan ang kakahayaang magpabuhay ng kanyang alaga nang naaksidenti si Michael. Ngunit hindi sila sumusuko, pinagtulangan nilang mabuhay ang pagnanasa ni Michael sa kanya at hindi nga sila nabigo. Parehas silang nalulunod sa kanilang nag-aalab na apoy ng kanilang pagmamahalan. Muling ipinadarama ng lalaki ang init ng pagmamahal nito sa kanya.
“I will die if someone steal you away from me, honey. Pero hindi ko ’yon hahayaan. Dadaan muna sila sa aking bangkay,” wika ni Michael pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo. Nakaunan ngayon si Angelie sa matigas nitong braso, habang yakap siya nito ng mahigpit na tila ba takot na takot na siyang mawawala.
“Hmmp, stop thinking about that, Michael. Hindi ’yan mangyayari. Ikaw lamang ang lalaking aking mamahalin hanggang wakas. Wala na ng iba pa.”
“Salamat honey, now sleep take some rest. I know that you tired. I am her beside you.”
Marahang ipinikit ang kanyang mga mata nang sinimulang kantahan siya ni Michael. Hanggang sa nilamon na siya ng antok, pagkatapos nahuhulog sa mahimbing na pagkakatulog na may ngiti sa kanyang mga labi.
YOU ARE READING
THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICE
RomanceContented at proud wife si Angelie Fabregas Sandoval bilang asawa ni Governor Michael Sandoval. But her almost fairytale love stories turned into nightmares when a tragic accident came across. Michael changed. Is she willing to keep her marriage vow...