Kabanata 4

1.3K 19 0
                                    

Report

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Inimbitahan kami ni Daddy na mag dinner kasama nila. Pagkarating namin doon ay handa na ang pagkain sa lamesa. Nandoon na rin ang mga kapatid ko. Tila kami na lang ni Nikolas ang kanilang hinihintay.

Abala si Rhys sa pagtitipa sa kanyang telepono, habang si Revan naman ay kausap ni Daddy. Si Renzo naman ay tutok na tutok sa kaniyang pinapanood. Agad na binati ni Mommy si Nikolas nang makita niya kaming dumating. Nakipagbeso pa ito rito at ngiting-ngiti. Samantalang, inismiran niya lamang ako ng tingin bago ay nilagpasan para magtungo kung saan nakapwesto si Daddy.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at maingat na umupo. Sa tabi ko ay si Nikolas na nakapatong ang kanyang braso sa sandalan ng aking silya. Habang ang katapat ko ay si Mommy. Ang tatlo ko pang kapatid ay magkakatabi. Si Daddy ang nakapwesto sa pinaka gitna ng lamesa.

''Panginoon... kami ho ay nagpapasalamat sa pagkain ipinagkaloob niyo ho sa amin.''

I closed my eyes as my dad started the prayer. Pagkatapos magdasal ay kumain rin kami. Tahimik lang ako sa gitna ng hapunan. Umayos si Daddy ng tindig at binalingan ng tingin si Nikolas.

"So, how's my daughter to you, Nikolas? Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa?"

Nilapag ni Nikolas ang kanyang mga kubyertos, bago ay pormal na pinunasan ang kanyang bibig. Hinawakan nito ang kamay ko at matamis 'tong ngumiti kay Daddy.

"Actually, Mister Sevilla, me, and Rukia are doing great. She's taking care of me, and I do the same."

"I think we could get along more as husband and wife," dagdag pa nito.

Matikas na pinunasan ni Daddy ang kanyang bibig at natatawang umiling kay Nikolas. "Iho, asawa ka na ng anak ko. Hindi mo na kailangan pang maging pormal sa'kin o kahit na sino sa pamilya namin."

"Dahil parte ka na rin ng pamilyang 'to, Nikolas." agap ni Daddy.

Tumunog ang telepono ni Nikolas. He excuses himself and answers the phone. Tumayo ito at lumabas saglit. I swallowed hard when my dad's dark eyes drifted to me. Humigpit ang kapit ko sa kutsara't tinidor na hawak ko.

"Maging mabuti kang asawa kay Nikolas, Rukia. Naiintindihan mo ba ko? Gawin mo kung anong gusto niyang ipagawa sa'yo. Tandaan mo malaki ang utang ng pamilya natin sa kaniya. Kaya dapat lang paglingkuran mo siya."

"Pagsilbihan mo ang asawa mo, Rukia. Ipagluto, ipaglaba, o kung ano pa man 'yan," dagdag pa ni daddy.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at yumuko. Hanggang sa makabalik si Nikolas sa kanyang upuan ay nanatali akong nakayuko. Minabuti ko na lamang mag focus sa pagkain ko. Pagkatapos kumain ay nagkaayaan ang mga kapatid kong mag inom. Inimbita nila si Nikolas. Tatanggi pa sana si Nikolas, pero maski si Daddy ay nakisali.

Nag iinom sila habang kami ni Mommy ay nasa kusina. Tinutulungan ko siyang magligpit ng pinagkainan namin. Yumuko ako at nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Mommy, can we talk?" pabulong kong sinabi.

"What now, Rukia?"

Napalunok ako sa aking sarili at nanuyot ang lalamunan ko. Tila ba naubusan ako ng mga salita. "I want to divorce him. He's hurting me... sinasaktan niya ko ng pisikal, Mommy..." wika ko sa maliit na boses.

Pinagtaasan ako ng kilay ng aking sariling ina. "Ano naman ngayon, Rukia? Parang ayon lang, ang arte-arte mo naman! Pwede ba? Normal lang iyon sa mag asawa."

"Baka naman kasi nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki kaya ka nagagawang saktan ni Nikola! Kasalanan mo rin kaya ka sinasaktan, binibigyan mo siya ng rason para saktan ka! Dapat kasi maging mabuti kang asawa," hindi ako makapaniwala sa sinabi ng sariling ina.

His Painful Desire (Vasco Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon