Kabanata 9

1.6K 27 2
                                    

Miracle

Gamit ang kulay pulang ribbon nakita ko sa kwartong iyon ay ginamit ko iyon bilang pantali sa'king buhok. I tied my hair in a messy bun. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na kami kung nasaan nakaabang ang helicopter ng pamilya nila.

Sumakay ako sa kanyang motorsiklo, Ecosse Founder's Edition Ti XX ang gamit niyang motorsiklo. Nagsuot siya ng itim na helmet pati na rin ng gloves. Tinaas niya ang salamin ng kanyang helmet at inabot sa akin ang isa pang helmet. Nang mahirapan ako sa pagsuot ay tinulungan niya ko. Kahit na nakaupo na siya sa kaniyang motorsiklo ay mas matangkad pa rin siya sa'kin. Kung titingnan ay nasa 6'9 ang kanyang height.

He bent down so he could adjust and lock my helmet. Nang matapos siya ay sumakay na ko.

''T-Thank you...'' marahan kong sinabi at yumakap sa maliit niyang beywang.

Binaba na niya ang salamin ng kanyang suot na helmet. Bago inayos ang kanyang side mirror, nagkatinginan pa kaming dalawa sa kanyang side mirror mabilis akong umiwas ng tingin. Pinaandar na niya ang kanyang motorsiklo.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang sasakyan ni Nikolas. Nakakasigurado akong sa kaniya iyon! Biglang nag iba ng ruta si Zayd at bumilis din ang pagpapatakbo niya sa kanyang motorsiko. Humigpit ang yakap ko sa beywang niya.

Nang marating namin kung nasaan naghihintay ang helicopter ay tinabi niya ang kanyang motorsiklo. Nauna akong bumaba sa kaniya, sumunod siya. Meron doon nakaabang na tatlong lalaki na pare-pareho ang suot.

''Mister Vasco, okay na ho. Pwede niyo na hong paliparin,'' tipid silang tinanguan ng kanilang amo.

Inalalayan ako nito makasakay sa helicopter. Sinuot ko ang helmet ko pati na rin ang seatbelt ay inayos ko na rin. Hindi naman ito ang unang beses kong sasakay ng helicopter. Sinimulan na niya itong paliparin. Saglit lang ang biyahe namin. Wala pang dalawang oras ay nakarating na kami sa Iloilo. Sa pagkakataon ito ay siya ang unang bumaba sa'min. Inalalayan niya akong makababa. Mahangin ang paligid. Mabuti na lang din ay nakapusod ang buhok ko. Pero hinahangin ang bangs ko kaya nagiging sagabal ito sa paningin ko.

Meron ulit tatlong lalaki nakaabang don. Pinalipad nila ang helicopter pabalik sa Cavite.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Dumako kami sa isang bahay. Pagpasok namin doon ay tumambad ang napakaraming painting na halos pare-pareho lamang ang subject. Iisang babae lamang ang nasa mga painting. Iba't ibang anggulo. Meron nakatalikod, tila sumasayaw, meron kumakain ng ice cream, meron inaamoy nito ang mga bulaklak. Ang pinaka pumukaw ng atensyon ko ay ang babae sa painting, pero dito ay may karga itong batang babae. Hawak naman niya sa kanang kamay niya ang isa pang batang lalaki.

''That's my mom,'' ang baritono niyang boses ay umalingawngaw sa likuran ko.

''Ikaw ba itong batang lalaki? At ito ang kapatid mo?'' tumango lamang siya sa'kin.

''Our dad just loves to paint our mom. This house looks like a museum because of his paintings,'' tumango-tango ako sa kanyang sinabi dahil tama naman siya nagmukha na nga itong museum.

Inikot ko ang tingin sa paligid ng bahay. Mukha lang itong maliit sa labas, pero malawak ang loob. Maganda ang disenyo ng bahay. Parang itong isang modernong kubo, ganun ang style niya. Pagkatapos niyang mababa ang gamit namin ay muli siyang nagsalita.

''My mom designed this house. She's an architect now.''

Ngumuso ako sa kanyang sinabi. ''Your mom is an architect?''

He nodded. ''Yeah, it was her dream even when she was young, but things happened. She had me at a young age. She lost her opportunity to reach her dream; she just chose to focus on her children, and after so many years of delays, my mom is finally an architect, and my dad couldn't be more proud of her.''

His Painful Desire (Vasco Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon