Affair
Sa anim na buwan magkasama kami ni Nikolas sa iisang bahay ay iba't ibang klase ng pagmamaltrato ang naranasan ko mula sa kanyang mga kamay. May mga araw na kinukulong niya ko sa bodega, maski ang kanyang ina ay pinag mamaltratuhan ako. May mga araw din na hindi nila ako pinapakain mag ina. Simula ng malaman niyang baog ako at may problema ako sa matres ay mas lalo lamang tumindi ang pagmamaltrato sa akin ni Nikolas.
Hindi na ko nag atubili pang magsumbong. Para saan pa? Eh, sarili ko ngang ina ayaw akong pakinggan. Wala rin magiging saysay kung magsusumbong pa ako.
Nikolas threatened me. Maraming beses niya akong pinagbantaan na ipapakulong niya ang Daddy ko, pati na rin ang mga kapatid ko. Maraming beses niya akong pinagbantaan na ipapabugbog niya ang Daddy at mga kapatid ko sa loob ng kulungan. At kapag nagkataon mamatay sila. Pinagbantaan niya rin akong ikakalat niya ang sex video naming dalawa sa oras na magsumbong ako o kaya naman lumapit sa awtoridad.
''Luto na ang pagkain,'' mahinang wika ko.
May kausap ito sa kanyang telepono. Binaba niya saglit ang kaniyang telepono, bago ay dumako ang madilim niyang tingin sa'kin. ''Susunod ako, pagkatapos nito,'' tanging agap niya.
Pagkatapos non ay lumabas na ko ng study room niya. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan nang makita ang kalat sa paligid. Isa-isa kong pinulot ang kanyang maruming damit na nagkalat sa sahig. Pati na rin ang ilan niyang mga gamit. My brows furrowed when I noticed a lip stain in his collar, pulang-pula ang lipstick. Hindi sa akin ang lipstick na ito. Sigurado ako roon!
Is he cheating on me?
Sa gitna ng hapag ay tahimik lang akong kumakain. Lumuwas na pabalik ng Manila ang kanyang ina. Abala si Nikolas sa kanyang telepono, tila meron itong ka-textmate. Padabog niyang nilapag ang kaniyang telepono ng mapansin ang paninitig ko. Iritable niya akong binalingan ng tingin.
''Anong tinitingin-tingin mo dyan, babae ka, huh?!''
Napalunok ako sa aking sarili. ''W-Wala naman... gusto ko lang sanang magpaalam. Birthday kasi ni Daddy sa susunod na linggo... baka pwede akong pumunta? Hindi rin ako magtatagal... saglit na saglit lang, Nikolas.'' pakisaup ako sa maliit na boses.
Sa ilang buwan kong tinagal dito ay para na akong isang preso.
Uminom siya ng inumin bago ako sinagot. ''Sige, pumapayag ako. Ipapahatid kita kay Manong Rigor. Babalik ka rito bago mag alas diyes y media ng gabi, Rukia. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa?'' agad akong sumang ayon sa kanyang sinabi.
''Mabuti kung ganun.'' dagdag niya pa at tumayo na.
''Pagkatapos mong kumain, hugasan mo ang pinagkainan natin. Maglaba ka na rin. Kailangan ko iyong kulay itim kong long sleeve, pati na rin ang mga tuxedo ko. Gusto kong labhan mo ng maayos at dapat bukas ay tuyo na ang mga 'yon.'' utos niya pa.
Bumalik na siya sa kanyang study room. Habang ako ay ipinagpatuloy ang pagkain, kaunti lang ang kinain ko. Dahil para akong masusuka kapag marami ang kinakain ko. I was always conscious of my weight. I would always count my calories and force myself to vomit. I had anorexia nervosa... I've been suffering from an eating disorder. It's an eating disorder when you feel extreme fear of gaining weight and depend on your worth over your weight, and sometimes we tend to see things differently than others do.
No matter how much we lose weight, the fear of gaining weight is still there, and it's not about the food. It's an extremely unhealthy and sometimes life-threatening way to try to cope with emotional stress.
We restrain ourselves from eating too much... We punish ourselves.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang aming pinagkainan. Agad ko rin kinusot ang mga damit niya. Pinatanggal ng mama niya ang washing machine, kaya wala akong choice kung hindi laban ito ng mano-mano. Napangiwi ako ng makalmot ko ang sarili. Medyo marami rin ang aking nilabhan. Hating gabi na ng matapos ako. Sa sobrang pagod ay doon na ako nakatulog sa couch. Nagising ako ng may marinig na parang bumagsak. At doon namataan ko ang galit na wangis Nikolas. Bitbit niya sa kanyang kamay ang mga nilabhan ko. Marahas niya iyong hinagis sa pagmumukha ko.
BINABASA MO ANG
His Painful Desire (Vasco Series 2)
Ficción GeneralRukia Muireann Sevilla has been Zayd's painful desire---his desire to have her and be with her. He had been in love with her for so long when he finally had the courage to win her heart. Rukia got married to someone else. He witnessed Rukia's husban...