Kabanata 5

3.4K 25 3
                                    

Trigger Warning: This chapter contains physical and emotional abuse and manipulation that may be distressing for some readers. Please proceed with caution and take care of yourself while reading.

*** 

Trabaho

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagtipa ng reply sa kung sino man.

Ako:
Who are you?

Wala pa man ding limang segundo ay tumunog na ang telepono ko dahil sa reply nito.

Unknown Number:
Zayd.

Unknown Number:
The one your husband hired to paint you both is the one who clearly saw that your husband slapped you in the parking lot. The one who reported your husband for physical assault is me, Zayd Vasco.

Ako:
I'm sorry, but I think you misunderstood. My husband has never hurt me.

Ako:
Just stop bothering us.

Dagdag ko pa at pinatay na ang aking telepono. Narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng aking telepono, pero mas pinili ko na lamang ignorahin 'yon. Nong gabing din iyon ay mabilis akong hinila ng antok. Dala na rin ng pagod sa byahe at sa mga nangyari.

Nang magising ako ay wala ang asawa ko sa tabi ko. Hindi nga talaga siya umuwi. Ganun naman palagi. Pagkatapos niya kong pagmaltratuhan at pakinabangan aalis siya... aalis na parang wala siyang kahayupang ginawa sa'kin.

Gabi-gabi ay umaalis si Nikolas at palagi rin siyang inuumaga ng uwi. Madalas ay doon nga siya natutulog sa pinupuntahan niya at mas pabor sa'kin 'yon. Dahil doon lamang ako nakakahinga ng maluwag kapag wala siya rito.

Madalas kapag umuuwi siya galing sa trabaho ay laging mainit ang ulo niya. Lagi niya rin akong pinag bubuntungan ng kanyang galit.

Narinig kong tumunog ang aming door bell. I swallowed hard when I saw who it was. Sweat forms on my forehead. It was Nikolas' mother.

Si Tita Raquel ang nag doorbell. Hindi maganda ang huli naming pagkikita.

Maingat kong binuksan ang pinto. Pinagtaasan niya ko ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Napansin ko ang dalawang maletang dala niya.

Walang pasabi niyang iniabot sa'kin yon at dumiretso na sa loob namin. Umismid pa ito nang makita ang kabuuan ng paligid. Maarte niyang pinadausdos ang kanyang daliri sa lamesa namin para bang tinitingnan niya kung meron ba itong alikabok. Ganun din ang kanyang ginawa sa iba naming mga gamit.

"Make sure that everything is perfectly clean, as my son can't stand dust. Ayaw na ayaw ng anak ko ang marumi. Kaya dapat lang palagi mong nililinis ang bahay niyo."

Luminga-linga siya sa paligid. "Where is he?"

"May pinuntahan lang po si Nikolas kagabi. Hindi pa po siya umuuwi. Maya-maya po ay uuwi rin po yon pagkagaling sa trabaho."

Bumaba ang tingin niya sa kanyang mga maleta. "Dalhin mo itong mga gamit ko sa guest room," utos niya sakin.

Nahirapan pa kong iakyat sa taas ang kanyang gamit. Dahil mukhang mas mabigat pa ang kanyang mga maleta kesa sakin. Dahil payata ako. Tagaktak na ang pawis ko habang inaakyat ang isa niya pang maleta. Hirap na hirap akong maiakyat ang mga 'yon. Nang matapos kong maakyat parehas ang kaniyang maleta at maipasok iyon sa guest room ay pinagalitan niya ko.

"What took you so long?! My God! Parang maleta lang ang kupad-kupad mong kumilos! Ipagluto mo ako at hindi pa ko kumakain!" singhal niya sa'kin.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang? Ang sabi ko ipagluto mo ko at nagugutom ako!"

His Painful Desire (Vasco Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon