35: Heart attack

1.2K 19 0
                                    

~Krystal POV~

Nagpaalam na ako kay Kent na aalis ako ngayon, pero sabi ni kuya wag daw muna ako uuwi, i lolock daw nila yung bahay at aalis daw sila dad.

Agad akong pumunta sa kotse kasama ang aking driver, at nagmadaling pumunta sa bahay nila.Zack. Miss ko na siya excited na kong makita siya, may surpresa daw siya sakin.

Nung nasa pinto na ko ng bahay nila mas naexcite ako, pinapasok na ako ni Manang dahil kilala namanniya na ko.


Pero pag dating ko ng sala nila. Nakita ko si Zack may kasamang babae, at ang mas ikinagulat ko ng yakapin ng babae si Zack.


Haaaay ano ba tong iniisip ko, mali tong nasa isip ko ahh baka pinsan niya to kamag anak.

Kaya nilapitan ko sila.

Za-zack. --

Kinakabahan kong sabi, parang nawala ang pag ka excite ko.

Aaah Krystal, ano, anong ginagawa mo dito. ----

Ayy sorry di mo ba ako ineexpect. Sorry ahh, sino siya? Pinsan mo? Kamag anak niyo? ----

Di ko na alam kung ano pang masasabi ko.

Ah ano, kasi Krystal, ano ko siy----

Di niya natapos yung sasabihin niya ng biglang sumingit yung babaeng napaka ganda at mukhang mabait.


Ahh Hi, Girlfriend ako ni Zack, friend ka ba niya, nice to meet you.

Dire diretsyong sabi ng babae, na nag pagulat sakin, pero mukhang inosente yung babae, di niya alam na aiiishh. di ko na alam kung ano ano pumapasok sa isip ko.

Ahh ganun ba, eto ba yung surpresa mo Zack, congrats ahh, na surpresa mo talaga ako. Amm sige una na ko ahh, kasi di ko alam magagawa ko pag nagtagal pa ko, sige nice to meet you, bye! ---

Kry-Krystal saglit lang!---

Habol ni Zack, pero di ko na siya pinansin. Direretsyo na ko sa labas, di ko alam ang nararamdaman ko tama si Gurl..... friend lang ako ni Zack, eh di pa nga naging kami ehh, ano nga bang ineexpect ko diba.

Tuluyan ng bumuhos yung luha ko, uminit yung mata ko, lumalabo na rin ang paningin ko.

Walang kwentang sumpaan yan, may pa sabi sabi pa ng "ikaw lang talaga, ako lang din ahh" bwiset. May pa spy ispy pa siya, ehh dapat pala ako nag padala ng spy sa kanya ehh.

Paglabas ko ng gate wala yung kotse ko, ano to sunod sunod kamalasan. Pero nakita ko si Zymon sa gilid ng gate. Tumalikod ako sa kanya ayokong makita niya kong umiiyak.

Maglalakad na sana ako palayo nang biglang higitin ni Zymon yung kamay ko.


Ano ba bitawan mo ko---

Mangiyak ngiyak kong sabi.


Pero mahina ako, bigla niya na lang akong hinatak at biglang niyakap niya ko.

Kaya naman mas lalo akong naiyak.


Zymon, ayoko na, suko na ko, sabi ko sayo eh matagal na, na dapat di na ko pumasok sa buhay niya. ---

Shhh hindi mo pa nga alam ang dahilan ng lahat ehh, nag dra-drama ka na jan. ----

Wala na kong dapat malaman pa Zymon, sapat na yung nakita at narinig ko para tigilan ko na ang kalokohan na to. Mahina ako Zymon di ko kayang masaktan ng ganito. ---

Hinihika kong sabi, feeling ko aatakihin na naman ako ehh, minsan lang umatake ang pag sikip ng dibdib ko, kapag sobrang iyak, sobrang lungkot at sobrang takot lang. Ganito ba talaga ang nararamdaman ko para atakihin ako.


Habang yakap yakap ko si Zymon at iyak ako ng iyak, hindi ko na nakakayanan ang sikip ng dib dib ko.

Zy-zymon hindi, di ako ma-makahinga. ----

Iyak at hingal kong sabi.


Hanggang sa himatayin na lang ako bigla, at naramdaman ko na buhat buhat na ako ni Zymon.


Mr. Principal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon