37: AGAIN [END]

1.4K 22 0
                                    

~Krystal POV~

Sabi ni mama, ayos na daw ako, kahit sabi ng doctor na wag na ako pumasok sa school pinayagan pa rin ako nila mama, pero di na daw ako pwedeng mag alis alis o gumala.

1 week na nakalipas simula nung naospital ako, naikwento na rin ni Zymon ang lahat, tungkol sa kumpanya, maayos na ulit ang kumpanya nila Mama and Daddy. Akala ko mabait si Dr. Simpson tsk. napaka selfish naman pala, kawawa naman pala si Zack ehh napipilitan siya para sa dad niya. Kaya naman inintindi ko na lang sila. Ayos na sakin ang lahat, normal na ulet ang buhay ko, pasok uwi na lang sa school gaya ng kinasanayan ko dati nung di ko pa nakikilala sila Zack.


Bago matapos ang klase namin sa math, bigla na lang akong tinawag ni maam clown este ni maam pelano.

Miss Ali, ihatid mo tong gamit ko sa office ko. ---

Agad ko namang sinunod ang utos ni maam, ang dami naman nito, may salamin pa, halatang hilig mag make up ni maam ehh.

Habang naglalakad ako sa hallway, bigla na lang may nakabungo sakin, kaya naman nag kalaglagan yung mga dala ko. Peste naman na mga estudyante to oh ang haharot.

Habang nililigpit ko yung mga nalaglag, bigla na lang may umapak sa salamin na dapat kukunin ko. Teka parang nangyari na to dati ah.

Nang tingnan ko yung salamin, nag reflect at nakita ko kung sino yung umapak. Napatayo ako sa gulat nang malaman kong si Zack pala ito.

--Za-Zack!?

--Naalala mo pa?!

Napangiti ako sa kanya, syempre naman noh, dito kami nag ka kilala, dito kami pinagtagpo ng tadhana, ayy taray tadhana..

--O-oo naman. hahaha baliw ka, plinano mo ba to ha!

--Mmm oo, pwede bang ulitin natin ang istorya?

--Haaa!?

--Girlfriend!

Nagulat ako sa sinabi niya, at mas ikinagulat ko ng ilapit niya ang mukha niya, sheeet mga 1inch na lang pagitan namin.

O////O

>///>

<///<


Napansin ko na nakuha na pala namin ang lahat ng atensyon ng mga studyante dito pati na rin ang mga teachers.

--Ano bang ginagawa mo nakakahiya oh, ang dami ng nakatingin satin.

Bulong ko sa kanya.


Mas ikinagulat ko ng biglang lumuhod siya sa harap ko.

--Uyy ano ka ba, tumayo ka nga jan. >\\\\<

---Krystal , will you be my girlfriend? FOR REAL!?

O////O

--Za-zack, ano ka ba, amm yes, oo, ano oo, oo na tumayo ka na jan!.

Masaya kong sabi, di ko nga alam ang masasabi ko pa, basta alam kong masaya ako.

At biglang lumapit sa kanya si Zack na may dalang flowers, at inabot sakin.

Hawak ko yung flowers at tinakip sa muka ko. Di ko alam pero tawa lang ako ng tawa.

--Bakit ka tumatawa jan.

Natatawang sabi ni Zack.

---ihhh! hahaha kasi naman ih hahha.

--ano nga?!

Natatawang sabi ni Zack, at di ko pa rin tinatanggal yung bulaklak sa muka ko.

--Kasi hahahaha kinikilig ako ehh, wheeew .

Sabay hatak niya sakin at biglang yakap, na dahilan para maging pulang pula yung muka ko. Naririnig ko na lang ay puro hiyawan sa paligid.

---------------------------------------------

Mr. Principal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon