Kurt's POV.
Akalain nyo yun, effective yung ginawa ko sa kanya. Hindi nya ko nakilala, kaso lang parang ang hirap pa-ibigin nung babae na 'yon. Parang ang tigas ng puso.
Hindi muna ako pumapasok sa section namin as Kurt. Nagpaalam ako ng isang buwan na bakasyon, para sa modeling namin. Pumayag naman sila, syempre Daddy ko nagpapasweldo sa kanila.
"Dude, hindi ka namin nakilala nung una." sabi nitong si Kier.
"Hanep dude, pwede ka pa lang mag-mukhang matino." nakangising sabi nitong si Zach.
"Ungas, diskarte lang yan." sagot ko sa dalawa.
Nandito kami sa bar at umiinom. Nagcecelebrate lang kami dahil nagawa ko ang plan A ko. Hindi ako nakilala ni Elleina. Maya-maya pa may lumapit sa'kin na babae at hinawakan agad ako sa leeg at kumandong sa'kin.
"Hi, are you alone?" tanong niya naman.
"No, I'm with my friends." sagot ko naman.
"Can I join?"
"Yeah, sure." sagot ko naman.
Naupo na siya sa tabi ko. Sila Zach at Kier naman busy sa pag-inom at pagtingin sa mga babaeng sumasayaw sa gitna. Habang kami nitong babae ay nag-uusap. Medyo wild siyang kausap dahil ang dami niyang ikinu-kwento about sexperience niya. Ako naman nakikinig lang.
******
Lei's POV.
Break na namin. Hindi kami nagpunta ng cafeteria dahil tinawagan na ako ni Timothy at handa na daw ang lahat.
Pumunta na kami sa school field kung saan maraming estudyante ang nakatambay ngayon. Magandang spot yun para gawin ang balak ko.
Pagkarating namin dito. Nakita ko si Timothy na kasama si Ivy. Mukhang nag-aaway yata sila. Nang makita ako ni Ivy ay pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" nakataas na kilay niyang tanong.
"I heard na may palabas daw dito and ikaw daw yung bida. Gusto lang kitang panuorin para makita yung acting skills mo." sagot ko sa kanya.
"Walang sine dito kaya makakaalis ka na." sabi niya pa at inirapan ako.
Dahil excited na ako sa mga mangyayare. Ako na ang tumawag ng atensyon ng mga estudyanteng nandito. Kaagad naman silang nagsilapitan.
"Ano yang ginagawa mo? Diba sabi ko umalis ka na. Kayo umalis na rin kayo dito." sabi ni Ivy sa'kin at sa mga tinawag ko.
Tiningnan ko si Timothy na kanina pa walang kibo. Binigyan ko siya ng sign para simulan na yung palabas dahil naiinip na akong makita kung paano umiyak si Ivy.
"Ivy, I know this is difficult for you. But I'm tired, we're done. Saka mahal ko pa rin si Elleina."
Everyone here on the school field was shocked. Alam kasi nila na mahal na mahal ni Ivy si Tim at bukod pa doon first time makaranas ni Ivy na ang lalaki ang makikipag-break at hindi siya. Kadalasan kase siya yung nakikipagbreak. Akala mong kagandahan siya pa talaga nakikipagbreak.
"But, why?" tanong ni Ivy. Halata sa mukha niyang nabigla rin siya.
"Ayoko na. We need to end our relationship. Pagod na ako." pagdadahilan naman ni Timothy.
"No, hindi pwede. Is it because of this bitch?" sabi pa ni Ivy at itinuro ako.
Dahil nasasabik na akong ipahiya ang babaeng to, ako na ang gumawa ng paraan para mas lalo siyang mapahiya. Inupload ko ang video na nakuhanan nitong nakakaraan lang na linggo. Na ang magaling at kinatatakutan nilang si Ivy ay isang maharot na babae. Sa video ipinapakita na may ka-affair siyang teacher at nakikipag-halikan pa siya. Paano ko nakuha ang video? Simple lang, I use all my connections to get this copy. Alam ko na kasi dati ang gawain niya para lang makapasa siya. Hindi dahil anak din siya ng isa sa may ari nitong school ay pwede na siyang hindi pumasok at mag-aral. Kaya utos ng Daddy niya na paghigpitan siya lalo na sa academics. Kaya naman pati mga teachers ay ganon din ang ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/37993782-288-k291996.jpg)
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Cerita PendekHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?