Introducing Life

18 1 0
                                    

Nakatulala ako habang nagtuturo ang professor sa unahan, naririnig ko ang mga sinasabi niya ngunit lumalagpas lang ito sa aking tainga. Karamihan sa mga kaklase ko ay aktibong tumataas ng kamay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng panlulumo, naiinis ako sa sarili ko dahil kahit alam ko naman na kaya kong gawin ang mga bagay na gusto ko ay hindi ko pa rin sinusubukan. Pinapangunahan ako ng kaba at pag-iisip sa sasabihin ng iba.

I feel so much pressure these past few months, like there's a heavy thing on my shoulder. School has been stressing me out, I'm scared about the thinking that I might disappoint my family and the people who are rooting for me. So many what ifs inside my head, "What if I fail?" "What if I don't meet their expectations?" Malalim akong napabuntong hininga dahil sa isiping 'yon.

Gusto ko nang umuwi, naiirita ako sa tuwing naririnig ko ang ingay ng mga kaklase ko or sabihin na natin na I'm just jealous because the people that I used to treasure are currently laughing with their new friends. Hindi ko maiwasan na mainggit, but I don't have the right to get jealous because it's all my fault. Ako ang lumayo sa kanila, I'm the problem because I always distance myself everytime I feel unwelcomed and unappreciated.

Kasalukuyan na akong naglalakad pauwi, malapit lang naman ang school sa bahay kaya madali lang itong lakarin. May mga kasama naman ako pero hindi ko maramdaman ang presensya nila, siguro dahil na rin sa sobrang pagod maghapon.

Nang dumating sa bahay ay agad akong umakyat, 'di ko namalayan ang pangingilid ng luha ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'kin, iniisip ko na sobrang babaw ko dahil nagiging mahina at nalulungkot ako sa mga ganitong bagay na wala pa sa kalahati kompara sa problema ng iba.

Naiinis ako sa sarili ko dahil palagi ko na lang iniisip ang sasabihin ng mga tao sa paligid ko, naiinis ako sa katotohanang wala akong tiwala sa sarili ko. Naiinis ako dahil lumalayo ako sa mga tao. I am too hard on myself.

Niyakap ko ang aking sarili, I closed my eyes and pray to God. I cried really hard while I am telling to Him the painful things in this world. Lahat ng mga bagay na hindi ko masabi-sabi sa iba ay nasabi ko sa Kaniya.

I realized that I have myself, isa dapat ang aking sarili sa mga dapat kong pagkatiwalaan dahil walang ibang gagawa no'n. Sa sobrang pag-iisip ko sa sasabihin ng iba ay nakalimutan ko kung ano ang pwedeng maramdaman ng aking sarili.

Napagtanto ko na ang kalaban ko ay ang aking sarili. Kalaban ko ang mapanakit kong isipan. Kaya dapat ko ring isipin ang aking nararamdaman, dahil kahit iwan man ako ng marami, ang sarili ko ay mananatili.

Introducing LifeWhere stories live. Discover now