I Understand

18 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatingala sa langit habang tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan. Binabalot ng katahimikan ang gabi, ang hampas ng hangin ay tumatama sa 'kin dahilan para mahawi ang hibla ng aking buhok.

Gusto ko na lang maging buwan. Naiiba man ito sa lahat ngunit patuloy pa rin itong kumikinang. There's a voice inside my head saying, 'you're not shining, you are not the moon.' then I realized that half of me was right, I'm not shining. I'm just here, existing.

I've been so tired lately, physically and emotionally. There's something inside me that I can't explain and I feel so empty. I don't even understand myself why I am feeling this way. I feel bad to myself because I really did my best but it wasn't enough.

Kasabay ng pagbuntong hininga ko ay ang pagtunog ng aking cellphone, kanina pa pala ito tunog nang tunog ngunit hindi ko na napansin dahil sa pag-iisip. Tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ng kaibigan ko.

From Luna:
How are you? Are you okay? 'di mo ako nirereplyan, nagtatampo na ako:<

Biglang nangilid ang luha ko. Ayaw ko sa sarili ko dahil kapag nalulungkot ako ay nakakalimutan ko ang ibang tao, nakakalimutan ko na may taong nandiyan para sa 'kin. I'm so distant. Ilang araw akong nawawala at babalik lang kapag gusto ko nang makipag-usap. I really hate myself for being like this.

Napasinghap ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Luna na tumatawag. I took a deep breath before answering her call.

"Are you okay?" Bungad niya, hindi ako nakasagot kaya muli siyang nagsalita, "how are you? I've been missing you so much. Let's catch up, hm?" Those words are comforting. Hindi ako makapagsalita dahil batid ko na kapag nagsalita ako ay may babara lang sa lalamunan ko at hindi ko mapipigilan ang pag-iyak.

"I'm s-sorry. I don't know what to say," mahinang sambit ko, sandaling binalot ng katahimikan ang kabilang linya bago siya nagsalita.

"It's okay, I understand." Malumanay niyang sabi bago naputol ang linya.

I understand...

I'm so glad that there's someone who understands even though I can't say the right words. Lumalayo ako sa mga tao ngunit gusto ko rin ng atensyon mula sa kanila. I don't really understand myself.

I've realized that it's okay if I'm not shining. Hindi man ako nakikita ng maraming tao, ang mahalaga ay may tao na palaging nandiyan para magbigay ng liwanag sa 'kin. Kahit isang tao lang 'yan, the important thing is that she knows me well and her love is genuine. Someone who understands, that's the real light for me.

I smiled then wiped my tears before typing my message,

To Luna,
I love you.

Introducing LifeWhere stories live. Discover now