13: Late Apology

925 70 13
                                    

13: Late Apology

Napasandal ako sa pader ng pasilyo nang makaramdam ako ng pagkahilo. Shit. Hindi pa pala ako natutulog simula kahapon kaya ramdam ko na ang epekto nito sa katawan ko. Kahit gusto ko man matulog o magpahinga, marami naman ang mga bagay na hinihila ako paalis sa kama.

Kailangan ko na ata umuwi. I stepped a foot away from the wall but it only made my vision clustered and twirled. Akala ko ay matutumba ako subalit may sumalo sa akin. That familiar scent entered my nostrils.

"You're burning," he said when his palm touched my head.

Kahit nahihilo ako ay agad ko siyang tinulak palayo. I almost lost balance but his hand pulled my arm to his side again. "Huwag mo 'ko hawakan," mariin na sabi ko sabay tulak sa kanya muli. "Hindi kita kilala, bwisit ka. Bitawan mo 'ko o babalian kita?!"

He scoffed. Because he is close I could feel his breathing. "You can't even stand still properly but your mouth sure is unruly."

"Pakialam mo?" saad ko.

I tried to untangle his grasp but it only made my headache worse. Napahawak na ako sa aking ulo dahil sa sakit. Wala naman ito kanina pero para tuloy pinapalo ng matigas na bagay ang aking ulo. Kalaunan ay lumutang ako sa ere. Binuhat niya ako nang hindi hinihingi ang aking permiso.

"Bumalik ka nga d'on sa babae mo," inis na sabi ko.

"Ikaw ang babae ko," sagot niya.

Napamaang ako. "Huh, ako? Kailan? Asumera ka!"

Hindi malakas ang pagkakasabi ko, subalit malapit lang ako sa tainga niya kaya't malakas ang epekto. I moved again like a stubborn child that made him gripped my tightly and stopped.

"What are you doing?" he asked, pissed.

"Bitawan mo 'ko," mariin kong sabi. "Galit ako sa 'yo, sa ginawa mo. Kung ayaw mong mawalan ako ng pasensya, ibaba mo 'ko at umalis ka sa harapan ko."

He didn't counter my statement for a while and just stared at me. I showered in my face what my heart is feeling and I know he understands that very well. Dahan-dahan niya akong binaba at tuluyang kumalas ang mga kamay niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Why did you do that? Leaving me that night crushed my heart, Hendrix. You disrespect me as your wife, and if they know the truth, they will exercise extreme measures for not following the tradition."

Umiwas lamang siya ng tingin, na siyang dahilan kung bakit mas malakas ang bugso ng galit ko kaysa sa sakit ng aking ulo. I can't believe he is doing this. Ano, pa-hard to get ganun? O ayaw niya lang sabihin?

"I felt inferior," I whispered. "When I arrived I was happy because finally, I can meet you. I've been preparing for this, but my efforts were put to waste. At least you could have explained, but until now you chose not to. Yet, who am I to force you to spill, when I am just your wife only in papers."

Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Agad akong tumalikod para umiwas sa kanya at agad pinahid ang aking mga kamay sa pisngi ko para tanggalin ang pag-agos ng aking mga luha. Sanay naman ako sa sakit dahil parati naman akong ni-r-reject ni Harriot noon, pero bakit ibang sakit ito ngayon?

Hindi ako sanay, hindi ko kaya.

"I am sorry..."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. I didn't turn around to meet his eyes and accept his apology. Marupok ako pero gusto ko rin naman na sinusuyo, kaya bahala siya.

"Your apology is late," I said.

I took a step forward but I only ended up falling. Agad akong binalot ng kadiliman, pero ramdam ko ang bisig niya na sinalo ang bigat ko bago pa ako nahimatay ng tuluyan.

My consciousness rose up when a beam of light peeked over the window of my chamber. Dahan-dahan akong bumangon at pinagmasdan ang nakabukas na bintana habang sinasayaw nito ang manipis na kurtinang tumatakip. It is already day, and the last moment I remember was last night's. Umaga pa lang pero bagsak na ang balikat ko.

Napako lamang ang aking tingin ng bumukas ang pinto at iniluwa roon si Isla kasama ang ilan sa mga maids na tutulong sa kanya sa pag-aayos sa akin. I took a deep breath and tried to lift my spirit, but at the back of my mind, gusto ko na lang matulog. Nakatulala lang ako sa kawalan habang inaayosan ako.

"The young master would like you to join breakfast with him."

Naitaas ko ang aking ulo ng marining ko ang tagapamahala ng kusina na biglang nagsalita nang makapasok ako sa dining hall. Agad kong tiningnan ang mesa at nasa dulo si Hendrix, nakaupo habang may hawak na dyaryo. I slowly walked towards the seat I was assigned to, and that was beside him.

Pumasok naman si Sir Recto at Joaquin sa dining hall.

"Good morning, young master," Sir Recto said to Hendrix but he didn't even lift his head. Tumingin sa akin si Sir Recto at inulit ang sinabi niya na naka-address naman sa pangalan ko. Isang pilit lamang ang aking binigay.

Joaquin went to the kitchen and came back with a tray, bearing a small kettle and a little cup. Pinagmasdan ko lamang ang ginagawa niya. He poured the tea on the cup and handed it to my husband. Ginawaran niya pa ako ng tingin pero wala siyang sinasabi. Alam ko ang pinapahiwatig ng titig niya.

Isla placed my food after a while. Tamihik ang mesa dahil wala akong balak maging makulit ngayon. They must have noticed the brewing awkwardness between us, but none had raised their hands to address it.

"My lady," said Sir Recto. "The furniture will arrive this afternoon, where would you like to start your renovation?"

Napatigil ako sa pag-iikot ng kutsara sa sopas na nasa harapan ko. I haven't addressed that to Hendrix, but it seems like he is not against it. "I am sorry, Sir Recto. Pwede ba natin ibalik na lang 'yong mga gamit? I will be staying in the Duchess' mansion for a while."

What I said made Hendrix halt his tea moment. Napako ang tingin niya sa akin habang bakas ang pagkagulat sa sinabi ko. Even the assistant and majordomo gape their mouths a little.

"I am not needed here," I said, and resumed my eating.

"Everyone out," Hendrix suddenly ordered.

Agad nagsilabasan ang mga katulong, kasama ang assistant, at majordomo kahit ayaw naman talaga umalis ng dalawa subalit inulit ni Hendrix ang sinabi niya. Mukhang takot sila salungatin ang kung ano mang utos ng asawa ko. I wiped my lips with the silk on my lap.

"Except you," Hendrix added when I was about to stand up.

"Why? May pag-uusapan ba tayo?" tanong ko. I am not wearing any emotion other than my bored face, that he usually uses during the first days of our meeting. "Kung ano man ang kailangan mo, pakibilisan. Kailangan ko pang mag-impake."

"Upo," utos niya.

"Hindi mo ako katulong para utusan," agad na salungat ko.

He shut his eyes. "Bella, please sit down."

"It's still an order," I replied.

"Would you sit down first?" he asked.

"What if I don't want to?" I replied to a question with a question.

Mukhang mauubusan ata siya ng pasensya sa akin. Maganda nga 'yan e, mainis siya kung mainis, kasalanan niya 'yan sa umpisa pa lang.

•×•×•×•×•×•

VOTE | COMMENT | SHARE

are highly recommended. See you, wanderers!

✓ | NOT AGAIN, NOT THIS TIMEWhere stories live. Discover now