CHAPTER 14

18.9K 366 16
                                    



Walang imikan sina Polaris at Lucas matapos ng mamagitan sa kanila sa ilog, at gaya ng inaasahan ay nandoon na nga sa bahay ng mga magulang ng dalaga ang mga kapatid nito. They all helping each other to prepare lunch, mayroong nag-iihaw ng isda, nagkakatay ng manok at nagluluto sa dirty kitchen nila. 

"Anong nangyari kay Polaris? Bakit para yatang paika-ika ang kapatid namin kanina?" Nakakunot noo pang tanong ng panganay na kapatid na lalake ng dalaga kay Lucas, nagdire-diretso lang kase ang kapatid nila kanina pero binati naman sila nito. 

Pinilit namang kumalma ni Lucas at hindi pinahalata na kinakabahan siya. Ano bang isasagot niya? Alang naman sabihin niya na may nangyari sa kanila ni Polaris sa ilog, eh di nalagot naman siya kapatid nito. "Natapilok siya kanina nung pauwi na kami, sabi ko nga kargahin ko siya pero ayaw naman at nagpumilit na maglakad pauwi." Sagot niya, pagkadating nila sa bahay ng mga ito ay agad naligo ang dalaga at hinintay niya muna itong matapos bago siya naligo pagkatapos. At hanggang ngayon nga ay hindi pa ito lumalabas sa kuwarto nito simula kanina.

"Gano'n ba? Sige tatawagin ko lang si Nanay at para mahilot ang paa niya." May pag-aalala sa boses ng kapatid ni Polaris. Lahat naman sila ay ganito sa bunso nila dahil ito ang nag-iisang kapatid nilang babae. 

"No! I mean ako ng bahala, titingnan ko na lang siya sa kuwarto." Kontra agad ni Lucas, baka mamaya ay mapansin pa ng mga ito kung ano ba talagang dahilan kung bakit paika-ika ang dalaga, eh di pareho silang nalagot na dalawa. Her family was nice, and very hospitable towards him pero dahil 'yon syempre ang pakilala niya sa mga ito ay asawa siya ni Polaris. 

"Sige na nga, basta maya-maya kakain na tayo, sumabay kayong dalawa ha? At hinihintay 'yang si Polaris ng mga pamangkin niya." 

Tumango naman si Lucas bago siya iniwan ng kapatid ng dalaga, kaya nakahinga na siya ng maluwag pagkatapos. At dahil siya lang ang naiwan sa sala ng bahay ay pinuntahan niya na si Polaris sa kuwarto nito. 

  Ngaling-ngaling batuhin ko ng hair brush na hawak ko si Lucas ng makita ko, ang init-init ng panahon pero heto ako at napilitan akong magsuot ng jacket. Buti nga at may nakita pa ako sa cabinet ko kaya ito muna ang sinuot ko. Karamihan kase ng gamit ko ay nasa condo ko sa Manila at kakaunti na lang talaga ang gamit ko dito. 

"Jacket?" Sabay tingin ni Lucas sa bintana, kung saan kita ang labas. Mainit sa labas at tirik na tirik ang araw, wala din namang aircon dito sa bahay nila Polaris kaya bakit ito magsusuot ng jacket?

Inirapan ko nga siya. "Oo jacket talaga dahil may tsikinini ako sa may leeg ko!" Singhal ko sa kanya, buti nga at nakita ko agad 'yon noong naligo ako sa banyo dahil may salamin doon dahil kung hindi baka isa pa sa mga kapatid ko ang nakakita no'n at siguradong lagot kami pareho. Lalo na sa mga magulang ko na alam ang totoo na hindi naman talaga kami mag-asawa.

Lucas smiled and sat on the bed, well hindi naman siya nito masisisi dahil sarap na sarap talaga siya kanina sa pag-angkin dito. And he took her twice! At parang sumang-ayon pa nga sa kanila ang araw na ito dahil wala sa kanilang nakahuli at sila lang ang naroon sa ilog kanina. "Patingin nga para makita ko kung mero'n talaga."

Anong patingin? Siraulo talaga! At dahil parang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya sa akin ay hinampas ko na talaga siya ng hair brush na hawak ko. "Talagang tuwang-tuwa ka pa no?"

"I can't help it, ang sarap mo naman kase, tapos ang sikip pa." Malisyosong sabi ni Lucas, natutuwa siya kapag ganitong naiinis si Polaris dahil nagsasalubong ang mga kilay nito. Pero ng akmang sasapakin na siya nito ay bigla naman siyang napatayo. "Akala mo ha, ang bilis talaga ng kamay mo manakit." Sabi niya dito, puwede kitang kasuhan dahil diyan. Physical injury 'yan Polaris at alam kong alam mo 'yan."

"Wow tantanan mo ko sa mga ganyan at hindi uubra sa akin 'yan. Automatic itong kamay ko Lucas kaya umayos ka." Talagang nagbanggit pa ng mga kaso eh, physical injury physical injury mukha mo! Para ngang mag-aaya na ako mamaya umuwi dahil sa kagagawan ng Sanchez na ito eh. 

"Halika na, hinahanap ka na ng mga kapatid mo sa labas, dahil hinihintay ka na daw ng mga pamangkin mo."

Shit! Oo nga pala, 'yon ang nakalimutan ko bago kami pumunta dito. Hindi ako nakapagpalit ng mga tig bebente para mabigyan ko ang mga pamangkin ko. Kung hindi kase sumama-sama ang Lucas na 'to ay hindi ko sigurado 'yon makakalimutan. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko para tingnan kung magkano ba laman no'n pero pagtingin ko ay 300 na lang pala ang cash ko. "Hindi ako nakapag-withdraw, alam pa naman ng mga pamangkin ko na mayaman ang Tita nila." Sabi ko kay Lucas. Paano ba naman alam na alam din nila na tumaas ang sahod ng mga pulis at sabi nga nila sa akin ay mayaman na daw ang Tita nila dahil may dagdag na sahod na nga. 

Natawa si Lucas sa sinabi ni Polaris. "Mayaman? Yon ang alam ng mga pamangkin mo?"

I nodded to him. "Oo sa kakamadali ko makauwi nakalimutan ko mag-withdraw." 

"Ilan ba ang mga pamangkin mo?" Tanong pa ng binata.

"14, hayaan mo na nga sasabihin ko na lang sa kanila wala pa akong sahod." Tumayo na ako, baka kapag hindi pa kami lumabas ay kung ano pa ang isipin nila na ginagawa namin dito. 

   Lucas met again the siblings of Polaris, pati na ang mga asawa ng mga ito ay naroon din na nakilala niya. She really have a big family, at gaya nga ng sinabi sa kanya ng dalaga ay naroon nga talaga ang mga pamangkin nito. And all of them was really fond of their Tita Polaris dahil hindi talaga ng mga ito tinigilan ang dalaga at kinulit-kulit nga.

And aside on meeting her family again they really had a good lunch dahil sa dami ng pagkain na  nakahain, at maski siya na hindi naman malakas kumain ay napilitan dahil magulang na ni Polaris ang alok ng alok sa kanya. 

"Okay lang po Tita Polaris, basta pag balik mo dala ka ng laruan ah." Sabi ng pitong taong gulang na pamangkin ng dalaga na naka-kalong dito, nasa bakuran sila ng bahay at buti na lang at kahit pasado alas dos na ng hapon ay hindi masyadong mainit doon dahil madaming puno. 

"Oo promise hindi na talaga kakalimutan ni Tita." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nangangako dahil madalas naman talaga kapag umuuwi ako ay may dala ako sa kanilang pasalubong at ngayon lang talaga ang hindi. Biglaan nga kase diba?

Doon naman kinuha ni Lucas ang wallet niya na nasa bulsa at likod ng suot niyang pantalon. "Here, bili ka na lang ng kung anong gusto mo." Sabi niya sabay abot ng dalawang libo sa bata.

Para naman akong nabigla ng makita ko kung magkano ang ibinigay niya. "Uy Lucas, wag na ano ka ba." Pigil ko sa kanya. "Malaki 'yan no!"

"Naah it's okay tsaka laruan nga lang siguro ang mabibili diyan." Sabi pa ni Lucas na inabot sa bata ang pera. 

"Thank you po, kayo po ang asawa ni Tita diba?" Sabi ng paslit.

"Oo ako nga." Nakangiti na sagot ng binata, paninindigan niya na talaga na mag-asawa sila ni Polaris at pati na din sa mga pamangkin nito. 

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Kapal talaga..

"Sige na tawagin mo 'yong ibang mga pinsan mo para bibigyan ko din sila." Sabi pa ni Lucas na kinuha na ang lahat ng papel na pera sa pitaka niya.

#Maribelatentastories



M.A series 15 Lucas SanchezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon