Hi, pre order of The governor's daughter is on going and open for installment. Few copies left. On going din po ang pre order ng book ni Miguel, Princess at The governor's son.
After 1 month of suspension finally Polaris came back to her work. At talaga namang sobrang excited siya dahil isang buwan din siyang walang trabaho. Sa Camp crame na siya naka-assign ngayon at nagpatulong na lang siya sa kanyang Kuya Rios na doon ma-assign. Pero ngayon ay nasa may Cubao
siya kasama ang lima pang pulis para sa isang check point. She's maybe a woman but she's the one who supervised her team, overall management and coordination of law enforcement.At mas gugustuhin niya na ang ganito na sa mga check point siya ma-assign kesa ipadala na naman siya kung saang lugar na malayo. Tama na 'yong ilang taon na sa mga bundok din siya naipadala. And whatever happen she is only following the order of Captain police, dahil nagpalipat talaga siya. At masaya siya na ang team na gusto niya siya mismo napabilang ngayon, at walang iba 'yon kung hindi ang grupo ng kapitan niya ngayon na si Rios Sandoval kung saan nandoon din sina Arkanghel at Supremo.
"Umayos kayo Advincullo at Santos, bawal gumamit ng cellphone kapag duty diba?" Sabi ko sa dalawang pulis na kanina ko pa nakikitang nagce-cellphone. Mga P01 ang kasama ko ngayon at kung sino pa talaga minsan ang bago-bago sa serbisyo ay ito pa talaga ang kalimitang sakit sa ulo. Hindi ko nilalahat pero madami talaga akong naeengkuwentro na gano'n at talaga namang masarap din bigwasan.
"Eh Tinyente kanina pa naman tayo dito eh tsaka tingnan mo all goods naman ang mga dumadaan dito." Sagot ng pulis na si Advincullo.
"Kaya nga Tinyente, baka hindi dito dadaan 'yong pinapabantayan sa atin kaya easy easy lang muna tayo." Sagot din ng pulis na si Santos, naka timbre kase sa kanila ang shipment ng 10 million worth of shabu na idedeliver nga daw papuntang Pier sa Maynila na manggagaling sa Antipolo kaya nandito sila sa may bahagi ng Cubao.
Nag-isang linya ang kilay ko at tiningnan ang dalawang pulis sa harapan ko. Kaya nga kami nandito kase may pina high alert si kapitan Rios tapos itong isa na 'to sasabihin all goods at easy easy lang.
"Wag niyong hintayin na ireport ko pa kayo dahil hindi niyo ginagawa 'yang duty niyo kaya bumalik na kayo sa trabaho niyo." Sabi ko sa kanila, mapipikon ka naman talaga kapag ganito oo.
"Sige na pare bumalik na tayo doon sa pose, at baka masuspinde ulit si Tinyente sa kakaganyan niya." Sabi naman nung pulis na si Santos.
At hindi 'yon bulong dahil rinig na rinig ni Polaris ang sinabi ng pulis na 'yon. Masuspend ako ulit? At bakit ako masusupend? Para tuloy nag-panting ang tenga niya sa narinig, alam niyang hindi pantay ang tingin ng ibang pulis na lalake sa mga babaeng pulis kahit pa mataas ang ranggo nito, pero hindi uubra sa kanya ang ganitong klase ng ugali. Ngayon pa nga lang na P01 pa lang ay ganito na ang dalawang ugok na 'to eh, paano pa kung tumaas ang ranggo.
Pogi na masarap pa group..
@LucasS kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yong haypp ka. Nasaan ka ba? Si Rios na napipikon dahil kapag tinatawagan niya ang numero ni Lucas ay wala namang sumasagot. Tapos pagtingin naman niya dito sa messenger ay naka-online naman ito pero gano'n din hindi nagre-reply sa kanya.
Hugopanget: Ano na naman 'yan @riospogi?
Riospogi: @Hugopanget wag ka ng makisali at malayo ka naman sa syudad
Hugopanget: 🙄
LucasS: @riospogi bakit? Nag message na ko sa 'yo.
Pagkabasa no'n ni Rios ay agad niyang tinawagan si Lucas.
"Nasaan ka?" Agad na tanong ni Rios ng sagutin ng abogado at negosyanteng kaibigan na si Lucas ang tawag niya.
"Nasa Edsa, bakit nga? Susunduin ko si Polaris sa Camp crame, coding kase ang sasakyan niya tapos 'yong motor naman niya nasa Pampanga pa." Sagot ni Lucas, sinabihan naman niya kanina si Polaris na susunduin niya ito pero hindi naman ito nag-oo kaya inagahan na lang din niya ang alis sa bahay niya para abangan ang dalaga.
"Goods, goods dahil masasaksihan mo ang isang Tinyente Eusebio kung paano mang-bugbog ng pulis mamaya." Napangisi si Rios ng maalala ang usapan nila ni Polaris kanina, base sa boses nito ay alam niyang gigil na gigil ito sa dalawang pulis na kasama mag-duty sa Cubao. And knowing Polaris, alam niyang may kalalagyan ang mga pulis na 'yon. Minsan na din niyang pinagsabihan sina Advincullo at Santos na umayos sa trabaho pero makikinig lang sa una tapos magpapasaway ulit.
"M-Mang-bugbog? Anong mang-bugbog?" Medyo malayo pa naman si Lucas sa Camp crame at mag-aalas singko na din ng hapon.
"Basta mamaya makikita mo." Pagtatapos ni Rios sa usapan bago pinatay ang tawag.
Camp crame..
"Bastos talaga kayong dalawa ha? Hindi na nga ninyo inaayos ang trabaho niyo tapos hindi pa kayo marunong gumalang sa mas mataas sa inyo." Sabi ng galit na si Polaris at tsaka sinikmuraan ang pulis na si Santos. Gano'n din ang ginawa niya sa isa pa na si Advincullo. Muntik pa ngang matumba si Santos dahil kanina niya pa ang mga ito binabanatan. Oo binabanatan talaga at akala yata ng dalawang ito ay ayos lang sa kanya ang pinakitang ugali sa kanya kanina pero hindi dahil mas mataas pa din ang ranggo niya sa dalawang 'to. Akala yata porket bago siya sa grupo ng Kuya Rios niya ay ayos lang na magpasaway ang mga ito sa kanya, puwes doon ang mga 'to nagkakamali.
"Kulang pa 'yan Tinyente, matigas talaga ang ulo ng dalawang 'yan noon pa." May panunulsol sa boses na sabi ni Rios, nasa parking lot na sila ng Camp crame at tapos na ang oras ng trabaho nila. Ganito ang batas niya sa grupo nila, kapag may pasaway na pulis katulad ng dalawang ito na mga baguhan pa naman ay hinahayaan niyang mabugbog ito ng mas mataas dito. At heto nga si Polaris na nga ang gumawa.
"Kapitan naman!" Reklamo ni Advincullo na nalasahan na ang dugo sa kanyang labi sabay tingin kay Polaris na Tinyente nga nila. "Sorry na po, sorry na po Tinyente."
"Anong sorry? Walang sorry sorry dito sa akin, ilang beses ko kayong sinaway kanina pero ano? Nagbingi-bingihan lang kayong dalawa." Gigil na inupper-cut ni Polaris si Santos, dito talaga siya nang-gigigil dahil ito 'yong sagot ng sagot sa kanya kanina.
"Bago lang 'yan si Tinyente dahil ngayon pa lang 'yan na-assign dito sa kampo pero hindi porket babae 'yan ay akala niyo okay lang na huwag kayong sumunod sa kanya. Dahil may kalalagyan talaga kayo." Si Supremo na napapailing na lang dahil wala namang binatbat ang dalawang baguhan na 'to kay Polaris lalo na sa kanila.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A series 15 Lucas Sanchez
RomanceLucas Sanchez and Polaris Eusebio story🖤 This will be the last story of M.A series.