Chapter 43

279 14 10
                                    

~Jearl Pov~

Nag walked out na naman sya.

"Di mo ba alam na umiyak sya ng dahil sa kagaguhan mo ? Pinatawa ko lang sya kasi halata sa mukha nya na nasasaktan na sya " Paliwanag ng ugok nato.

Di ko alam ang sasabihin ko. Masyadong possesive at seloso ako kaya ganito ang kinikilos ko. Di ko naman sinasadya eh.

"Ang tanga mo jearl. Di mo ba nahalataan na mas lalo syang nasaktan ng dahil sa sinabi mo. You're totally a wrong man! She didn't cheat on you. I just comfort her. " patuloy nya

Shit! Ang dami kong masasakit na sinabi sa kanya.

"She cheated on me " diin kong sinabi sa kanya.

Umiiling sya.

"She's not! She dumped me because of you jerk. She really loved you!! " sigaw nya sakin. Halatang gusto nya ako matauhan.

I just sighed out.

"Tsk! Im not a jerk. Im just being jelous here because you can make her laugh" pag amin ko

Natatawa na sya.

"Pfft~ " sinamaan ko sya ng tingin. "Chill! Okay ? " Tumango ako. "I can make her laugh but you can ALWAYS make her happy " diin nyang sinabi sakin.

Ang daming alam ng ugok nato. Dinaig pa ang Dj sa radio kung makapagsalita.

"Are you a gay ? " Napakunot ang noo ko habang tinanong ko sya.

Tinaasan nya ako ng kilay.

"F*ck you!! " mura nya

"Tsk!"

"Run before someone steal her away from you !!" sabi nya

Tumakbo na ako para habulin sya kaso wala na sya. Napaupo ako sa pathway. Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakainis!!

Punta na lang ako sa bahay nya. Tumayo na ako at sumakay na ng kotse. Pinaandar ko ito sa pinakamabilis na paraan. Magaling ako sa race kaya di ako masasagaan.

Pinabilis ko ang pagpaandar ng kotse. Liko dito. Liko doon. Hanggang nasa bahay na ako ni kristine.

"Kristine!" Sigaw ko. Habang kumakatok.

Bumukas ang pinto bumungad sakin si drake na halatang alam na nya ang nangyari. Sinuntok nya ako pero parang manhid ako dahil nagawa ko pang tumayo.

"What are you doing here ? " seryosong tanong nya.

"Drake gusto ko lang mag sorry " diretsong sabi ko.

"Di mo ba alam na pagkauwi nya dito ay umiiyak na sya at ayaw nyang kumain ngayon!!" bulyaw nya

Naguilty ako.

"Kaya nga ako nandito para mag sorry. Let me in! " sabi ko

Umiiling sya.

"You need to rest. Ipabukas mo na lang " sabi nya

"Pero---" Pinutol nya

"No buts! kababago nyo pa lang ay naghiwalay kagad kayo " halatang naguguluhan sya.

"Aish! Fine " Nagdabog ako papasok ng kotse ko. At umuwi na lang.

~Kristine Pov~

I hate him. Sinabihan nya pa ako lumandi kay justin ?! Aba! Sya nga ang lumandi. May fiance na pala sya tapos ako ? girlfriend lang nya. Ano ang patama ko doon ? Grr~ Di nya ba alam na mahal na mahal ko kahit napaka moody at possessive nya.

Narinig kong may kumatok.

"Kristine open this door!!" sigaw ni kuya

"Kuya please Wag ngayon" sigaw ko habang umiiyak ako.

"Yaya can you bring me the extra keys ?" rinig kong tanong ni kuya

'please not now' isip ko

"Sure sir. Wait lang po" rinig kong tugon ng yaya namin.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Nakatakip ako ng kumot dahil ayokong makita nila akong umiiyak.

Narinig ko ang mga yabag ni kuya na papalapit sakin.

"Can i talk to you ?" tanong ni kuya

Naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Huhuhu " iyak ko

"Pumunta sya dito kanina. Gusto nyang mag explain sayo. " sabi nya

May gana pa talaga syang pumunta dito matapos nya akong sabihan ng masama.

"Halata sa mukha nya na gusto ka nya talaga " pagpatuloy nya.

Bumangon ako. Tumingin ako kay kuya.

"Kuya ang sakit kasi ng mga sinabi nya sakin. " sabi ko

Ngumiti sya sakin. Niyakap nya ako

"Alam mo kapag nagmahal ka, Mararanasan mo talagang masaktan. Kaya kung gusto mo talaga sya gawin mo ang makakaya mo para makuha mo ulit sya." explain nya

Hinawakan nya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Listen to him para malaman mo ang katotohanan. Kaya wag ka na umiiyak. " ngumiti sya sakin.

"Kuya totoo ba talagang kamukha ko si mama ?" nagtatakang tanong ko

Tumango sya.

"Oo kasing ganda mo din sya. " sabi nya

Ngumiti na lang ako.

"Thanks kuya " niyakap ko sya

"No problem basta ikaw kristine " sabi nya

Alam ko na ang gagawin ko. May pasok kami bukas pero ayoko muna sya makita dahil nag aalinlangan ako sa gagawin ko. Pag iisipan ko munang maigi.

"Basta kapag may problema ka! Just call my name and I'll be there *wink* " Biro nya

"Pfft~ Kuya may kindat ka pang nalalaman dyan hahaha " tawa ko

"Syempre naman hahhaa " nakitawa na din sya.

"Are you a gay ?" Tumigil sya sa pagtawa at bigla na lang nagpout.

"Sa gwapo kong to *turo sa mukha nya* ? Bakla ? " sabi nya

"Yuck! Ang hangin mo talaga " asar ko.

Inirapan nya lang ako

"HAHHAHAHA " tawa namin

Tumingin sya sa orasan.

"Matulog ka na dahil maaga pa pasok mo " kiniss nya ako sa cheeks.

"Goodnight kuya " kiniss ko din sya sa cheeks.

Humiga ako at kinumutan pa nya ako.

"Good night " pinatay na nya ang ilaw ng kwarto ko sabay na lumabas sya.

Ang swerte ko talaga dahil nandyang ang kuya ko.

*Blackout


I Love Mr. Bad boy  ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon