~Jearl Pov ~
"JEARL CYRUS LEEEEEE !!"
Naririnig ko si carmela na sinisigaw ang gwapo kong pangalan. Nakita ko pa syang patakbo dito sa pwesto ko.
"What ? " iritang sabi ko.
Halatang hingal na hingal sya.
"*hingal* kasi jearl nabigay na ng bata yung sulat kay bff kanina " sabi nya
"Ready na ba ang lahat ? " tanong ko
Tumango sya.
"Nasaan na si drake ?" Tanong ko ulit
"Nandoon sya sa rooftop para icheck ang lahat " sabi nya
Tumakbo na ako papuntang rooftop.
"Drake Wala na bang kulang ? " tanong ko
Im just nervous. This is my first time to court a girl.
"Wala na pare. Kaya punta ka na sa pwesto mo dahil paakyat na sya ngayon" sagot nya
Ngumiti na lang ako. Di ko alam kung ano bang sasabihin ko mamaya basta ang alam ko mahal ko sya. Ang corny ko ba ? Well, ganyan talaga kapag nagmahal ka.
~Kristine Pov~
Paakyat na ako ngayon sa rooftop. Nakita kong nakatingin sila sakin. Kanina ko pa hinahanap yung bodyguard ko pero wala pa din.
"Ayiee" Ayan ang naririnig ko sa kanila.
Tumingin ako sa hagdan. Bakit may candila dito ? Tanong ko sa sarili ko dahil ngayon ko lang ito nakita.
Tumuloy na ako sa pag akyat. Hanggang nasa pintuan na ko ng rooftop. Dahan-dahan ko itong binuksan at sumalubong sa pwesto ko ang confetti. May naririnig na ako nagsitugtugan na musika. Madilim pa rin ang rooftop.
Pumasok ako ng tuluyan at bigla nagsisimulang magbukas ang mga ilaw. Sa una kinabahan ako pero ngayon namangha ako dahil sa ganda ng gumawa neto.
Nagulat ako ng may tumakip sa mga mata ko.
"Who Am I ? " malamig ang kanyang boses. Alam ko kung sino sya dahil lagi ko syang kasama.
"J-jearl, ikaw ba yan ?" Tanong ko. Tinanggal na nya ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko.
"You're right " he smiled at me.
Sumipol sya. At nakita kong may lumilipad na balloons. Nagulat ako dahil may kasama itong fireworks at may nakasulat.
'Will you be my real girlfriend ?'
Lumingon ako kay jearl. Nakita ko syang nakaluhod sa harap ko.
Napaluha ako di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"*sob* J-jearl " tawag ko sa kanya.
" Ok lang sakin kahit di mo ako sagutin ngayon basta maghihinta----" pinutol ko dahil ang dami nyang sinasabi di man lang ako pinatapos.
"I Love You Mr. Bad boy " sabi ko habang nakangiti na halos kita na ang gilagid ko.
Halata sa mukha nya na masaya sya.
Yumakap sya sakin."I Love you too Stupid girl " tugon nya sakin
Lalong humigpit ang yakap nya sakin. Ginantihan ko sya ng yakap. Hinawakan nya ang mukha ko. Hinalikan nya ako sa noo as a sign of respect. Hinalikan nya din ako sa pisngi. Hahalikan na nya dapat ako sa labi ng may sumingit samin.
"Ehem! Tama na yan nilalanggam na kami dito " singit ni kuya drake.
"Kyahh!! Bff kinikilig ako sa inyo " sabi nya sakin.
Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa sobrang kahiyaan. Inakbayan ako ni jearl.
"Don't be shy " bulong nya
Tinanggal nya ang kamay ko sa mukha ko. Namula ako sa kanya dahil ramdam ko yung hininga nya sa leeg ko.
Lumapit si kuya drake kay jearl.
"Congrats Pare " nagshakehands sila
Yumakap sakin si carmela.
"Kyahh kinilig talaga ako doon. Congrats bff " sabi nya
Ngumiti na lang kami ni jearl.
"Sige uwi na kami ni carmela. Ikaw na bahala sa kapatid ko. " paalam ni kuya drake. Lumingon sya sakin at ngumiti halos makita na ang gilagid nya.
"Bye bff " kiniss nya ako sa cheeks.
Bale kaming dalawa na lang ang natitira dito.
"Let's eat " sabi nya at hinila nya ako paupo. Umupo na din sya.
Ang daming pagkain dito halos mga foreign yata ang may gawa neto.
"Di halatang pinaghandaan mo to " sarcastic kong sabi.
Namula naman sya. Pinisil ko ang cheeks nya.
"Ouch " aray nya
"Ang cute mo kapag namumula " asar ko
"Kumain na nga lang tayo " sabi nya
"You always make me happy " sabi ko
Naging seryoso kami ngayon.
"Kailan mo nalaman na mahal mo ako ? " tanong ko
"Since you're always there for me " tugon nya
Kumuha na sya ng pagkain at binigay nya sakin
"Here! Eat this " utos nya
Nagulat ako dahil halos mapuno na ang plato. Ang dami nyang nilagay sa plato ko.
"Bakit ang dami naman nito ? " reklamo ko
"Ang payat mo na kaya " sabi nya
Napakunot ako ng noo.
"Payat ka dyan " tinaasan ko sya ng kilay.
Tumawa naman sya. Sa sobrang inis ko napalo ko sya sa braso nya.
"Kanina ka pa namamalo " reklamo nya
"Ikaw kasi eh " ngumuso na lang ako
"Kailan mo ko minahal ?" Iniba nya ang usapan namin.
"Mahal ? Sino nagsabi na mahal kita ? " sabi ko. Sarap nyang biruin
Halatang nagdidilim ang mukha nya. Pinipigilan kong tumawa.
"Pfft~ "
Tumigil sya sa pagkain.
"So di mo ako mahal ? " tanong nya ulit
Tumango ako. Tatayo na sana sya nang bigla akong nagsalita.
"Di kita mahal kasi mahal na mahal kita. " sabi ko
Lumingon sya sakin at ngumiti ng malapad. Tumayo ako dahil alam kong kikilitiin nya ako.
"Lagot ka sakin ngayon " banta nya
"Kyahh!!" Tumakbo ako sa mga nagtutugtog.
"Here i come " ngumisi sya sakin
Lumunok ako ng isang beses. Tumakbo ako pero nahuli nya ako. Niyakap nya ako sa likod. Backhug yun haha.
"Saranghae " sigaw ko
Lalong humigpit ang yakap nya sakin.
"Nado saranghae " tugon nya
Humarap ako sa kanya. Hinalikan ko sya pero smack lang. Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan nya ako. Sa una di ako tumugon pero nung patagal ng patagal ay tumugon na ako. Shet lang ! He's a good kisser.
Kasabay non ay pagputok ng fireworks sa langit.
BINABASA MO ANG
I Love Mr. Bad boy ( EDITING )
Dla nastolatkówJust an ordinary with a twist bad boy story! UPDATED na to.