MAAGANG nagising si Nanami at mabilis siyang naligo at nagbihis. Nakasuot siya ng black plain blouse at white sneakers. Pina-high ponytail niya ang kanyang buhok at nilagyan lang niya ng light makeup ang kanyang mukha.
Nakatayo siya sa harap ng salamin kahit ordinary lang ang kanyang ayos ay hindi makakaila ang kagandahan at kasiksihang niyang taglay.
Si Nanami ay hindi katulad ng ibang mga babae na palaging insecure sa kanilang katawan. Nagtitiwala siya sa kanyang sarili at alam niyang kaya niyang akitin ang sinumang lalaki, kahit wala pa siyang gawin sapat na ang mala-anghel niyang ganda at ang mata niyang parang nangungusap.
Kinindatan niya ang kanyang repleksyon at naglakad patungo sa kama. Nakalagay doon ang mga damit niya na maayos na nakalagay sa kanyang dalawang maleta.
Sinimulan na niyang sarhan ang mga maleta ng pumasok si Danie sa kanyang silid na hindi man lang kumakatok.
“Good morning.” bati nito sa kanya.
“Good morning din.” Sagot naman niya.
“Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?”
“Hindi,” simpleng sagot ni Danie at sinimulang tulungan si Nanami na ibaba ang mga maleta sa kama.
“Pero kailangan mo bang gawin ito, Nanami?”
“Oo naman, kailangan ko ngayon ng trabaho dahil kapag nalaman ni Dad na wala na ako work mapipilitan akong umuwi sa amin, at iyan ang ayaw kong mangyari,” saad naman niya.
“Nanami, bakit ba ayaw na ayaw mo bumalik sa inyo?” tanong naman nito.
“Alam mo naman ang sagot diyan, ’di ko maatim na umuwi hangga't nandoon ang Matildang iyon.” Nakasimangot na sagot naman niya sa tanong nito.
Napabuntong hininga naman si Danie at inabot nito ang kamay ng kaibigan; Alam kong concern ka lang sa akin at ipinagpapasalamat ko iyon sa inyo ni Laila. But just like Laila said, this is my choice. Kaya kong magpasya kung ano ang mabuti para sa akin at kung ano ang hindi. At promise iingatan ko ang sarili ko doon. Basta huwag na huwag nyo ito sabihin kay Dad kapag hinanap niya ako, ah?” pakiusap ni Nanami sa kanyang kaibigan.
“Sige na nga basta mag-iingat ka roon at lagi mo kami tatawagan tuwing gabi ah,” sabi na lamang ni Danie at saka siya niyakap ng mahigpit.
“Tatandaan ko iyan Danie, thank you!”
“Basta 'wag kang maiinlove sa amo mo ah, kasi sabi mo bata pa ang ama ng batang iniligtas mo at walang ina, baka naman mainlove ka doon, kawawa naman iyon sa'yo.” Pagbibiro ni Danie sa kanya.
“Sira, baka siya pa ang mainlove sa kagandahan ko!” pagbibiro naman ni Nanami
kaya nagtawanan silang dalawa.“HERE,” dinala ni Danie ang isang plato ng omelet kay Nanami at umupo ito sa harap niya habang hinihintay nila ang susundo kay Nanami.
“Kainin mo ito bago ka umalis, para hindi ka gutumin sa byahe.”
“Aw. Napaka-caring mo talaga sa akin. Sigurado ka bang wala kang crush sa akin?” pagbibiro ni Nanami.
“Yuck, ibalik ko na nga lang itong pagkain mo sa kusina, nagsisimula ka na namang magkaroon ng ligaw na imahinasyon, tungkol sa kasarian ko,” diring-diring saad ni Danie at sinubukang agawin ang plato niya ngunit mabilis itong inilayo ni Nanami kay Danie.
“Hahaha, biro lang ito naman bestmode agad.” Tawa ni Nanami kaya nagsambakol ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
“Baliw ka kasi at tsaka hindi tayo talo at may Luke na ako, mukha mo.” Napangingiti ng sabi ni Danie sa kanya.
BINABASA MO ANG
VENOM OF LOVE (Under Editing) Slow Updated
General FictionStarted written: March 13, 2023 Finish written: August 28, 2024 Paano kung ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas. At paano kung makilala mo ang ama nitong masungit at galit sa mundo. Na kahit kunting pagkakamali mo lamang ay susu...