“ANONG nangyayari?” tanong ni Eve ng makitang mugto ang mga mata ni Mela.
Tumingin si Mela kay Manang Eve.“Bakit ba? Anong nangyari?”
“Please ayoko po munang pag-usapan manang.” Sabi nito at naglagay ng tubig sa ginigisa nitong bawang at sibuyas.
Bumuntong hininga si Manang Eve at humakbang palapit kay Mela at iniba na lang ang tanong niya.
“Nakita ko ngayon lang si Dr. Bernard na umalis ng bahay. Anong nangyayari? May sakit ba si Amalie?”
“Hindi po wala namang sakit si Miss Amalie.” Umiling si Mela at sinimulang haluin muli ang kumukulong sabaw ng sopas.
“Si Venom ba ang may sakit?” tanong ulit ni manang.
“Hindi rin po, pero himala kung si master gagamotin, pero hindi po siya.”
“Kaya nga naguguluhan ako. Sino kaya ang may sakit? kung hindi si Amalie or si Venom sino pa ba ang gagamotin ni Bernard dito?”
Nagkibit balikat si Mela. “Si Nanami po ang ginamot niya kanina.”
Napataas ang kilay ni Eve. “Si Nanami? Ano naman ang nangyari sa batang iyon?”
“Hindi ko rin po alam, manang.” Kibit balikat na sagot naman ni Mela.
“Mahabagin, kung ganoon grabi ang nangyari sa batang iyon, dahil kung simpleng sakit lang iyan hindi ipapatawag ni Venom ang family doctor nila? Ano kayang nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni manang Eve.
“Hay naku manang 'wag ka ng mag-alala doon mas mag-alala ka dapat sa sarili mo, ikaw dapat ang pinapagamot ni Master Venom, imbis na kung sino lang.” Saad naman ni Mela.
“Hoy, 'wag ka namang ganyan sa kapwa mo? Mabait naman si Miss Heart kaya wala namang masama kung mag-alala ako sa batang iyon.”
Napabuntong hininga naman si Mela tama naman ito pero 'di talaga niya maiwasang makaramdam ng kaunting inis sa bagong yaya ni Amalie.
“Pero manang narinig ko kanina na pinagalitan ni master si Nanami at sinakal daw ito, kasi naman nakikinig siya sa amo natin at doon sa babaeng dumating kagabi. Habang nag-uusap ang dalawa sa library ni Master Venom.” Kwento nito kay manang Eve kaya nagulat ang matanda.
“Ano? Bakit niya gagawin ang bagay na iyon, sus mareyusep na batang iyon, napaka-ususera kasi.”
“Pero mabuti na rin iyon, she deserves whatever punishment she got. Pero medyo naaawa ako sa babaeng iyon. At naguguluhan din ako,” binaling ni Mela ang atensyon kay Eve.
“Bakit pa ipinatawag si Dr. Bernard kung pinarusahan ni Master si Nanami, 'di ba dapat galit siya doon? At ito pa, inutusan lang naman ako ni master na ipagluto siya ng sopas? Hindi ko gets.” Naguguluhang saad ni Mela kaya pati si Manang Eve ay hindi rin mapaniwalaan ang ginawa ng kanyang alaga sa dalaga.
“Ahh si Venom ang nag-utos sa iyo na gumawa ng sopas para kay Heart?” hindi makapaniwalang tanong ni Eve.
“Opo. Personal na sinabi sa akin ni Marcel ito kanina, na ipaghanda ko raw ng mainit na sopas si Nanami dahil utos raw iyon ni Master.” Sabi nito.
“Hmmn! Nakakapanibago nga ang lahat ng ito at hindi kapani-paniwala. Baka naman pinilit yata ni Amalie ang kanyang ama na gawin ang lahat ng ito. Alam naman nating lahat kung gaano kagusto ng batang iyon ang kanyang yaya.” Sapantaha ni manang Eve sa lahat na nalaman niya ngayong araw.
Nagkibit balikat si Mela, “Siguro nga po manang, sige na po at bibilisan ko na ang pagluto nito.”
“Sige tutulungan na kita.” Alok ni Eve.
BINABASA MO ANG
VENOM OF LOVE (Under Editing) Slow Updated
General FictionStarted written: March 13, 2023 Finish written: August 28, 2024 Paano kung ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas. At paano kung makilala mo ang ama nitong masungit at galit sa mundo. Na kahit kunting pagkakamali mo lamang ay susu...