🥂Chapter 26

10 2 0
                                    

       

 

    
          “TUMAWAG na ba si Nanami?” tanong ni Danie habang humihikab. Umiinom si Laila ng tubig at umiling-iling. “Hindi pa nga!”

“Anong oras ka ba natulog kagabi?”

“Halos hindi ko nga maipikit ang mga mata ko at talagang nag-aalala  ako aalala ako para kay Nanami,” sabi pa ni Laila sa tanong ng kaibigan.

Huminga ng malalim si Danie at nagtimpla rin ng sarili nitong kape.

“Sinabi sa akin ni Luke na tawagan ng tawagan daw natin si Nanami kung hindi pa siya tatawag ngayon ng buong araw.” Suggest naman ni Danie,  kaya tumango si Laila.

“Iyan talaga ang gagawin ko.” Pag-sang-ayon din nito.

“Sigurado akong ayos lang siya, pero mas mabuti na rin iyong nakasisigurado tayo. Kaya 'wag ka ng mag-alala diyan.” Sabi ni Danie at tinapik ang kanyang balikat.

Ngumiti naman si Laila at saka tumango tango pa ito.

“Okay, magluluto lang ako ng almusal natin.” Dugtong pa ni Danie.













































































































































































SAMANTALA “Magandang umaga, Miss Nanami.” Masayang bati ni Eve na may matamis na ngiti sa labi ng batiin niya si Nanami.

Ngumiti si Nanami, bilang ganti at nagtaka sa pangalan na tinawag sa kanya ng matanda.

“Magandang umaga rin sayo manang Eve,” Pumuwesto siya sa dining table at nacurious sa pagbanggit nito sa kanya na Nanami.

Kaya lang hindi pa siya nakakatanong ng
lumitaw ang babaeng clown pero himala,  wala yata itong make up ngayon.

Pero infairness maganda naman pala ito kapag walang make up hindi na masama.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Eve ng makita niya si Chiara, “Magandang umaga manang Eve,” pekeng ngiti ni Chiara.

Umikot naman ang mata ni Chiara ng mapadako ang mata nito sa kanya. Umupo ito sa  tapat niya at tumaas ang kilay nito.

“Ano po ba ang bre. . .

“Anong almusal natin, manang Eve?” Pinutol ni Nanami sa pagsasalita ni Chiara.

Ibinaling ni manang Eve ang atensyon sa kanya at ngumiti. “Sinangag at bacon meron din tayong salad sa mga hindi nakain ng heavy breakfast.” Madiing sabi naman ni Manang at bumaling ang tingin kay clown este hindi na pala siya clown ngayon, mukha na siyang bangkay na buhay dahil medyo maputla ito kapag walang make up kaya siguro laging makapal make up nito.

Sinamaan ng tingin ni Chiara si Nanami
“How dare you to cut me out like that? Bingi ka ba na hindi mo narinig na kinakausap ko si manang Eve?”

“Ah kinakausap mo pala si manang? Akala ko kasi nag-oorasyon kariyan?” tanong ni Nanami na parang gulat na gulat.

“Your son of . . .

“Opps bawal magmura na kikita tayo ni Lord,  nasa hapagkainan din tayo!” sabi naman niya at pinandilatan si Chiara.

VENOM OF LOVE (Under Editing) Slow UpdatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon