“LIMANG buwan mo na niyang sinusulat hindi mo pa ba tapos?” tanong ni Dora.
“Actually ma'am, anim na.” Pabulong na pagtatama ni Nanami sa kanyang Boss.
“And I should be done with the story by now pero. . .hindi talaga madali, hindi madaling magsulat ng story dahil kailangan mong mag sipag at magkaroon ng determinasyon.” Napabuntong-hiningang sabi niya.
“Bakit kasi nagkaroon ka ng mental block?”
“Ewan ko, bigla ko na lang naramdaman na wala akong maisulat at parang nawalan ako nang gana.”
“Anong mangyayari ngayon, riyan?” tumaas ang kilay ni Dora sa kanya.
Kinutkot ni Nanami ang kanyang mga daliri, at kinagat kagat ng bahagya ang kanyang mahabang kuko, dahil sa pag-aalala.
“Ilang kabanata na ba ang nasusulat mo?” mahinahong tanong ni Dora at nagpipigil na huwag ulit tumaas ang boses.
Nag-alinlangan si Nanami na sagutin ang tanong, “Labing lima pa lang.”
Nanlaki ang mga mata ni Dora, “Fifteen Chapter pa lang? What the h*ll?” nanlaki ang butas ng ilong nito sa inis sa kanya.
“Tapos na ako nito mamayang gabi. Ipinapangako ko.” Kinakabahang saad naman niya.
“Hindi mo agad iyan matatapos, gagahulin ka na sa oras.” Umiling iling si Dora at napatayo.
“Wala ng pag-asa,” matamlay na saad ulit nito sa kanya.
Kumunot ang noo ni Nanami, “Ano pong ibig mong sabihin?”
“Kung hindi mo matatapos ang kwento ngayong gabi. . .tanggal ka na.”
“ANO?”
“Narinig mo ko. Tatapusin ko na ang kontrata mo at hindi ka na makakabalik pa dito.” Tumayo si Dora at saka lumapit sa pinto at binuksan ito.
“Tapos na ang meeting natin, pwede ka nang umalis sa opisina ko.”
Kinakabahang tumayo si Nanami at sinubukan niyang magsalita pero pinanlakihan lang siya ng mata ng kanyang editor kaya napabuntong hininga siya bago lumabas ng opisina.
“Miss Dora_” Bago pa matapos ni Nanami ang kanyang sasabihin ay isinara na ni Dora ang pinto sa harap ng mukha ni Nanami kaya gigil na umalis na lang siya doon.
SA kahabaan ng kalsada. Sinipa ni Nanami ang isang maliit na bato sa lupa, nakayuko ang ulo niya habang naglalakad pababa sa hintuan ng bus.
Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Dora.
Ayaw niyang mawala ang trabaho niya dahil ito lang ang pinagkakakitaan niya.
Isang malungkot na buntong-hininga ang pinakawalan niya ng sa wakas ay makarating siya sa hintuan ng bus at huminto sa paglalakad.
Nakayuko pa rin ang ulo niya habang naghihintay ng bus na darating.
Nag-beep ang phone niya kaya bumuntong-hininga ulit bago kinuha iyon sa bag niya.
Binasa niya ang text message mula kay Laila na pinsan niya.
KUMUSTA ANG MEETING?
Tapos isang mensahe na naman ang natanggap niya na galing kay Danie.
SANA HINDI KA NIYA TINALAKAN, KAYA MO IYAN , ’WAG KA MAG-ALALA, I'M BUY YOUR FAVORITE SNACK. PUNTA KA DITO PAGKAGALING MO DIYAN.
Matapos niyang mabasa iyon ay napangiti siya ang mga kaibigan talaga niya ang nagpapasaya sa kanya lagi.
BINABASA MO ANG
VENOM OF LOVE (Under Editing) Slow Updated
Fiksi UmumStarted written: March 13, 2023 Finish written: August 28, 2024 Paano kung ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas. At paano kung makilala mo ang ama nitong masungit at galit sa mundo. Na kahit kunting pagkakamali mo lamang ay susu...