“ANONG ginagawa mo?” tanong ni manang Eve.
“Nagluluto po ako ng cordon bleu, manang.” Sagot naman ni Nanami.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na iyon ang gusto mong hapunan? Huwag kang mag-alala, gagawin ko ito para. . .
“Hindi na po manang kaya ko na.” Putol ni Nanami sa pagpresinta ni manang Eve sa kanya.
“Saka po hindi ito para sa akin, gusto ni Amalie na kumain ng luto ko, kaya po ginawa ko ito para sa kanya.”
“Para kay Amalie?”
“Opo!”
“Oh Sige, kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling tawagan ako.” Sabi naman nito sa kanya.
“Okay lang po ako, kaya ko naman salamat po.”
“Sige, maiwan na kita at ako'y matutulog na magandang gabi.”
“Magandang gabi rin po manang, sige na po pahinga na kayo.” Sagot naman ni Nanami na abala sa pagbalot ng karne na gagamitin niya para makagawa ng cordon bleu na pagkain.
Umalis na si manang Eve sa kusina at naiwan na lang siyang mag-isa doon, dahil tulugan na ang iba pang mga katulong.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Amalie sa kusina mag-aalas dyes na ng gabi iyon. Gising pa ito dahil wala naman itong pasok bukas dahil sabado, kaya pwede itong matulog ng late.
“Para kanino mo po iyan, Ate Nanami?” tanong nito sa kanya.
“Gising ka pa pala.” Bati niya dito
“Opo wala naman pasok bukas.”
“Buti na lang gising ka pa.”
“Bakit po?”
“Malalaman mo rin.”
Matapos lutuin ni Nanami ang pagkain sa isang plato ay nilagyan niya sa tabi nito ng isang sause na kahit sino ay masasarapan. Specialty niya kasi ito dahil ang mommy niya ang lagi siya nito pinaglulutuan kaya nagpaturo rin siya dito.
Lagi din niya ito niluluto tuwing death anniversary ng kanyang mommy para sa paggunita niya sa yumaong pinakamamahal niyang ina, para kahit papaano ay parang kasama pa rin niya ito.
Inilagay niya ang plato sa isang tray na may isang basong malamig na malamig na tubig.
“Wow. Mukhang masarap ito ate Nanami Maaari ba akong humingi niyan.” Natatakam na sabi ni Amalie sa kanya.
“Dalawa naman itong ginawa ko iyon na lang ang kainin mo kasi ito para ito sa daddy mo.” Sagot naman ni Nanami ginawa niya ito para sa ama nito. Dahil hindi na naman ito sumabay sa hapagkainan kanina tulad noong nakaraang gabi.
Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Amalie kahit hindi nito sa kanya aminin, alam niyang nasasabik din naman ang kanyang alaga na lagi niyang makasabay ang ama nito kahit paano.
Kinuha naman ni Nanami ang isa at ibinigay niya sa alaga niya at hinintay niya ang magiging reaksyon nito sa kanyang niluto.
“Hmmn, ang sarap naman po nito at ang lambot, pati itong sauce niya ang sarap.” Masayang saad ng bata.
“Talaga, ano sa tingin mo magugustuhan ba ito ng daddy mo?”
“Oo naman po.” Masayang sabi nito at minadali ang pagkain.
“Oh ito, dalhin mo ito sa daddy mo. Gagawin mo ba? Sasamahan naman kita.” Sabi niya.
“Ako po?” turo nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
VENOM OF LOVE (Under Editing) Slow Updated
General FictionStarted written: March 13, 2023 Finish written: August 28, 2024 Paano kung ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas. At paano kung makilala mo ang ama nitong masungit at galit sa mundo. Na kahit kunting pagkakamali mo lamang ay susu...