CHAPTER SIX

2.7K 73 2
                                    

"WELL, well. Finally. You are starting to
remember how rude you were and-"

"Hindi kita namukhaan," anito na pumutol sa
sinasabi niya. "At the Galleria, you were wearing an oversized sunglasses."

Napaangat ang mga kilay niya. At saka natantong tama ito. Natatandaan niyang nakasalaming de-kulay siya nang oras na iyon paglabas niya ng Galleria. A huge Gucci eyeglasses. Bagong bili niya mismo sa shop ng Gucci at gusto niyang isuot na kaagad.

"Again, I apologize. I was in a hurry," he said, nawala ang ngiti sa mga labi at nahalinhan iyon ng pagguhit ng kung ano sa mga mata na tila hindi nito gustong alalahanin ang dahilan kung bakit ito nagmadali noong araw na iyon.

Kapagkuwa'y mabilis nitong idinagdag, "I remember giving you my calling card, nang sa ganoon ay matawagan mo ako at masagot ko ang ano mang gastos sa damage ng side bumper mo."

She shrugged and said childishly, "Itinapon ko
ang calling card mo..."

"Itinapon mo ang-" He stopped in midsentence, at pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig sa kanya ay nagpakawala ito ng marahang tawa.

Hindi mapigilan ni Carlene ang tila paruparong
umiikot sa sikmura niya dahil lang tumawa ito. Nag-almusal naman sana siya kaya tiyak niyang hindi dahil sa gutom ang sanhi ng sa wari ay tila sangkaterbang paruparong nagliliparan sa sikmura niya.

What was wrong with her? Napupuna niya at
nabibigyan ng kung ano-anong kahalintulad ang bawat kilos at galaw ng lalaking ito.

She had boyfriends before. During high school
and college days, bagaman hindi naman nagtagal talaga at mga hindi seryoso. Pero minsan man ay hindi niya natatandaang naisip niyang sexy ang ngiti ng mga naging boyfriends niya; o malalim at buong-buo ang tinig ng alin man sa mga ito. Oh, well, there were, in fact three short-lived relationships.

One in high school which lasted until graduation, dahil nang magtungo siya sa Maynila para magkolehiyo at ito naman ay sa Cebu sa ganoon ding layunin. Hindi nakatagal ang long distance affair. One in college that lasted three months, and another one while she was teaching at the Montessori, a colleague. Hindi rin nagtagal sa kung ano mang dahilang hindi na niya matandaan.

Sa mga ito ay hindi niya napupuna ang ganoong detalye. Just that they were handsome and coveted by other girls. Period. Sinisikap niyang alalahanin sa isip ang tinig ng mga naging boyfriends sa mga sandaling iyon pero kahit sino ay hindi makarehistro sa isip niya.

Strange, but she couldn't even remember their
names.

"Please," patuloy nito sa sinerong tono na pumutol sa daloy ng isip niya, "ipagpaumanhin mo ang sinabi ko kanina. Hindi ito ang unang pagkakataong may nagsabing nagkakilala na kami kahit hindi..."

Dumukwang ito at inilahad ang kamay sa kanya. Muli, unti-unting tumaas ang sulok ng mga labi nito sa pagngiti. "Let me start again. I am Daniel Ledesma. I am an orthopaedic surgeon by profession."

TINITIGAN niya ang kamay nito. His fingers were long and looked strong. Nakikita niya ang mga balahibo sa likod ng palapulusuhan nito. Naiinis pa rin siya sa ginawa nitong assumption. Hindi niya gustong ibigay ang kamay niya, subalit nang mag-angat siya ng paningin dito, his smile, aside from being so sexy, was engaging. Nagbuntong-hininga siya, rolled her eyes, at tinanggap ang kamay nito.

"Carlene Valle."

His handshake was strong, warm, and honest. Subalit agad niyang binawi ang kamay, and
flinched inwardly, dahil tila ba nadikit siya sa isang nabalatang electric wire. Nalilitong tinitigan niya ito. Naramdaman din kaya nito ang sa wari ay kuryenteng nanalaytay mula sa kamay niya patungo sa braso niya?

GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon