CHAPTER SIXTEEN

2.5K 69 1
                                    

"OH, MY god!" Nanghihilakbot na mabilis siyang tumakbo patungo sa dulo ng pier habang nahuhubad ang canvas shoes. Pagkatapos ay tumalon.

Si Daniel ay may ilang sandali ring nasindak at
naparalisa sa takot. Kapagkuwa'y inilang-hakbang ang pagtungo sa dulo ng pier. Ang akmang pagtalon sa tubig ay napigil nang makitang hawak na ni Carlene si Danica. He almost sagged in relief. Inilangoy ni Carlene si Danica patungo sa pampang.

Sinakop nito sa mga bisig ang dalawang bata na nagsimulang mag-iyakan at inakay patungo sa dulo ng pier malapit sa pampang. Pagkatapos ay inabot mula kay Carlene si Danica.

Danica was coughing and shivering. Binuhat
ito ni Daniel at dinalawang hakbang ang hagdanang bato patungo sa itaas. "I'll take you to the hospital!" natatarantang sabi nito.

"Put... put me down, Daddy!" sigaw ni Danica
na nagpapalag. "Daddy, 'baba mo ako sabi!"

Nahinto sa paghakbang si Daniel. Niyuko ang
anak. "Y-you're all right?"

"I swallowed a little of the sea water. That's all,
Daddy."

"Inabutan ko siya bago siya lumubog sa tubig," ani Carlene na nakapanhik na rin at hawak sa
magkabilang kamay ang nag-iiyakang kambal.

Ibinaba ni Daniel si Danica at nanlalambot na
napaupo sa damuhan at isinandal ang sarili sa puno ng niyog. Itinukod ang isang siko sa tuhod. Si Carlene ay pinagagalitan si Andre.

"Why did you push her, Andre?"

"Carlene, it's all right!" awat ni Daniel na tuluyang nakabawi sa sindak. "Naglalaro ang mga bata at natitiyak kong 'di sinasadya ni Andre ang pagkakatulak kay Dani."

"'Di ko po siya push," humihikbing sagot ng bata.

"Do you know what this means?"

Lumakas ang hikbi ng bata.  "I'm... I'm... gownded, Mommy." Tumingin ito kay Daniel, nagmamakaawa ang mga mata.

Napaungol si Carlene. Tila pinipiga ang puso pero pinigil ang sariling yakapin ito. Hindi niya dinisiplina ang mga bata nang dahil sa aksidente pero sa takot niya para sa anak ni Daniel ay hindi niya napigil ang sarili.

"You will not be grounded, Andre. I promise you," Daniel said firmly and turned her eyes to Carlene.

"Hindi kita gustong kontrahin pero hindi sinasadya ng bata ang nangyari. It was an accident. Naglalaro sila sa kakapirasong pier at hindi maiwasang magkatulakan."

Si Danica ay nilapitan ang kambal at pinahid ng basang kamay ang mga luha ni Andre.

"Oh, don't cry, Andre. 'Di naman ako nalunod.

"He pushed you!" akusa naman ni Darren sa
kapatid sa nanginginig na tinig at halatang nagpipigil na maiyak muli.

"He didn't mean it, Darren," patuloy ni Danica
na pinapayapa si Andre. "Naglalaro tayo, and Andre got excited..."

Unti-unti nang nagmaliw ang pag-iyak ni Andre. "Di ko naman sadya, Ate Ani. Sowwy."

Danica smiled. "I know."

"Love mo na ako uli, Ate Ani?"

"Siyempre." Hinagkan ni Dani si Andre sa pisngi. Si Darren na ayaw magpatalo ay nagpa-kiss din, which Danica obliged. Ilang sandali pa'y nagsimula na uling maglaro ang tatlo.

Wala sa loob na napaupo sa damuhan si Carlene isang dipa mula kay Daniel. She was staring at the three kids with mixture of bewilderment, amazement, and sadness in her eyes. Nang mag-angat siya ng paningin ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Daniel.

Ang paraan ng pagkakatitig ni Daniel sa kanya
ay tila ba yaong nagsisikap na basahin ang laman ng isip niya. The mixed emotions must have shown in her face.

GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon