CHAPTER NINE

2.4K 73 0
                                    

MALAYO-LAYO na ang tinatakbo ng taxi nang
lumingon siya, Nakita niyang binubuksan na nito ang rental car at pumasok sa driver's side. Ibinalík niva ang tingin sa unahan at isinandal ang likod sa sandalan ng taxi at pinipigil ang sariling maiyak. Hindi niya maunawaan ang sarili sa nararamdaman. She mustbbe insane for feeling this way.

Tinanong siya ng taxi driver sa broken English
nito kung saan siya patungo.

"Take me to any of the famous fountains..." Kung saan man naroroon ang mga iyon, she added to herself silently... miserably.

Nawala na lahat ang pagnanais niyang pasyalan ang magaganda at kilalang pasyalan sa buong Roma. Sa wari ba ay nagdilim ang buong paligid na para bang may namumuong sama ng panahon. And she didn't want to go back to the hotel. Magmumukmok lang siya roon.

My god, she was pathetic! kastigo niya sa sarili.
Na para bang nagkakaroon lang ng kulay ang paligid dahil kay Daniel. And she had only met the man! Wala pang apat na araw silang magkasama. And in both times that Daniel took her around Rome, he had never once promised to see her again.

They saw each other on a day to day basis. Making the most of every moment. Daniel was attracted to her. Nakikita at nararamdaman niya iyon. He had seen desire in his eyes whenever he looked at her. Sometimes he stared at her with tenderness, or an indulgement smile, sa tuwing napapasinghap siya sa mga bagay o sa mga magagandang tanawin.

He laughed at her jokes. Gaano man iyon ka-corny sa palagay niya. He had kissed her the other night. And last night, too. And she would have wanted for him to deepen the kiss. Sa halip, tulad noong unang gabi ay napakasandali lang niyon. Tulad din ng halik na iginawad nito sa kanya kanina.

Tila siya galing sa disyerto at nauuhaw subalit
nadadampian lang ng tubig ang mga labi niya.

She groaned silently. She was falling for him.
Badly. At ni hindi niya alam kung magkikita pa silang muli. Babalik na siva sa Milan sa susunod na araw. Katunayan, she already had an extended stay.

She could extend her trip for more days if she
Wanted to, tulad ng sinabi ng lolo niya. Pero matapos ang apat na araW na magkasama sila ni Daniel ay parang wala nang silbi pa ang pamamasyal niyang mag-isa.

For her Rome had lost all its grandeur.

The taxi driver dropped her at the Piazza Navona kung saan naroon ang Berninis Fountain of the Rivers. She couldn't even appreciate the beauty of the fountains. Pagkatapos ay nagtuloy siya sa Trevi Fountain.

Stupid of her, pero talagang naghulog siya ng coin at humiling gayong ni hindi siya naniniwala man lang sa kalokohang iyon. Talhimik niyang hiniling na sana ay hindi sa hapong iyon natapos ang pagkikita nila ni Daniel.

Patalikod na siya nang muntik na siyang mapatli nang may humawak sa braso niya. Paglingon niya ay isang matandang babae ang nakita niya at nakakunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya. She was slowly shaking her head.

Pulubi, matabang niyang naisip.

Akala niya ay sa Pilipinas lang nagkalat ang
mga ganito. Though the old woman didn't look
filthy. Malinis ang suot at ganoon din ang shawl na nakabalabal sa mga balikat nito. She opened her purse and took some euro coins and handed them to the old woman.

Totoong inabot nito ang kanang kamay niya pero hindi para kuhanin ang mga coins. Sa halip ay iginilid nito ang mga iyon at hinaplos ng daliri ang kanyang palad.

Napahugot ng hininga si Carlene. The woman was a gypsy! Hitana. Tulad ng mga napapanood niya sa movies.

And she was actually reading her palm!

Hindi siya naniniwala sa wishing well. At lalong
hindi siya naniniwala sa hula at palm reading. Ni hindi niya gustong pag-aksayahan ng panahon ang mga ito. Pero walang buhay ang fountain at impulse ang ginawa niyang paghulog ng coin at paghiling. She had regretted that right away and felt so silly for being so desperate.

GEMS 40: Arrivederci, Roma (2008)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon