CHAPTER 1 (PROLOGUE)

40 2 1
                                    

Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kong saan ako magtatago gayong napakaraming kalalakihang nakamaskara ang humahabol sa akin.




Pagod na pagod na ako sa pagtakbo pero hindi ako pwedeng tumigil kahit sandali maaaring abutan nila ako. Medyo mabagal ang pagtakbo ko dahil na rin sa buntis ako.



"Baby kapit ka lang kaya natin to." pagkausap ko sa anak ko.



Hindi ko napansin ang batong nakausli sa daan kaya nadapa ako at napaupo. Pilit akong tumayo kahit na masakit na ang mga paa ko at dumudugo na rin ang sugat ko sa tuhod dala ng pagkakadapa ko.





"Huli ka!" pagbulaga ng isang lalaking nakamaskara sa harapan ko. Tumalikod ako at akmang tatakbo ngunit may sumulpot na tatlong lalaki. Hinawakan ako ng isa sa braso.



"Pinahirapan mo pa kami." saad nya sabay sampal sa akin.




"Para nyo ng awa buntis ako. Magkano ba ang kailangan nyo kaya ko kayong bigyan wag nyo lang akong saktan at ang baby ko." pagmamakaawa ko sa mga lalaki.



"Pasensya na misis ikaw ang kailangan ng amo namin." sagot nung lalaking sumampal sa akin.





Kinaladkad nila ako at isinakay sa van. Hindi ko alam kong saan nila ako dadalhin. Tinakpan nila ng panyo ang bibig ko, namalayan ko na lang nasa isang madilim na kwarto na ako.




"Welcome my dear!" saad nung lalaking nasa harapan ko.



"Walang hiya ka!"




Angelic Face with the Devil eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon