CHAPTER 5 (Behind the Bitch Face)

10 0 0
                                    


Hi Guys this is probably my first and last POV

Kesha here! Your one and only Queen bee.

So nagtataka siguro kayo kung bakit ako galit na galit kay Abby. Simple lang naman dahil ang mama nya ang dahila kung bakit gabi gabing umiiyak at naglalasing si Mommy. Wala syang kasalanan kung tutuusin maliban sa naging kamukha nya ang mama nya.

Oh yeah you guys heard me right? I hate her because she looks like her mother. Ang tanga mo kung magtatanong ka pa kung bakit dahil sinabi ko na kanina.

Well naiinis ako at galit ako kay daddy at sa mama nya sorry na lang at na damay sya. Nakakaawa nga sya eh. Lalo na kapag binubully namin sya. Ayoko naman talaga sanang awayin sya pero sa tuwing nakikita ko ang mukha nya at naalala ko ang mama nya hindi ko mapigilan ang galit ko. Kusang nagkakaroon ng isip ang mga kamay at bibig ko para gawan sya ng hindi maganda.

At ang lahat ng galit ko ay nadagdagan pa ng mas piliin sya ni Tyler kesa sa akin. Oo mahal ko si Tyler at hindi ko matanggap na isang basura lang ang pipiliin nya kesa sa akin. Hindi ko matanggap na natalo nya ako dun kaya naman ganun na lang ang galit ko. Lahat na ginawa ko para lang mahalin din ako ni Tyler pero sadya atang hindi nya ako nakikita.

Sinubukan kong magpakabait at tigilan si Abby pero hindi nya pa rin ako nagustuhan. Hindi ako sanay ng natatalo. I always get what I want and for the first time in my life there's only one thing that I can't get no matter what I did. And I hate her for that because  for the second time she took the person I love.

At yun yung mas lalong ikinagalit ko. Si daddy na kilala yung mama nya nang dahil sa isang kliyente na nagalok ng aliw sa kanya. Nung una ay isina walang kibo ko  ang paguwi ni Daddy ng gabi dahil inisip ko na baka busy lang sya. Hanggang sa dumadalas na, dinner date namin, family bonding at mismong anniversary nila ni mommy ay nakalimutan nya na.

Hindi ko na nagustuhan ang mga nangyayari kaya napagdisisyunan kong sundan sya ng minsang lumabas sya. Nakita ko syang pumasok sa isang skwater area patungo sa isang bar. Maya maya pa ay lumabas na sya kasama ang isang babae. Tinitigan kong mabuti ang itsura nung babae. Nung una ay inakala kong anak nya sa labas dahil mukhang bata pa yung babae pero sa pagsunod sunod ko ay naliwanagan ako. Hindi nya ito anak sa labas kundi babae nya.


Kinausap ko sya at pilit na pinapaamin pero sadyang matigas si daddy dahil hindi sya umaamin sa kasalanan nya. Naalala ko pa ang minsang nagkainitan kami.

---FLASHBACK

"Masyado akong magiging busy ngayon kaya baka umaga na ako umuwi." saad nya.

"Busy? Saan? O baka naman ang dapat kong tanong ay kanino?" saad ko sa kanya na deritsong nakatingin sa mga mata nya.

"Ano bang sinasabi mo Kesha?" naguguluhang tanong ni mommy na nagpapalipat lipat ng tingin sa amin ni daddy.


"Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay mommy, daddy?" saad ko.

"Tumigil ka na kesha!" galit na sigaw ni daddy sa akin.

"Ayaw mong sabihin pwes ako ang magsasabi."saad ko. "Niloloko nya tayo mommy. May babae sya. Paano ko nalaman?" tanong ko ng mapansing nagtataka sya. "Nakita kita may babae ka. Yung nanay ng kaklase ko." saad ko.

Napatayo sya at akmang sasampalin ako ng awatin sya ni mommy.

"Pagsabihan mo yang anak mo." saad nya kay mommy at iniwan na kami. Tumingin ako kay mommy na parang hindi na niniwala.

"What mom?"

"What?" naiinis na tanong nya.

"You don't believe me right?" naiinis na tanong ko kay mommy.

Imbes na sagutin ako ay iniwan nya lang ako.

---END OF FLASHBACK

Simula nun ay hindi ko na pinapansin si daddy. He try to reach out but it doesn't matter to me anyway. Wala na akong paki sa lahat ng tao sa paligid ko. Gabi gabi kong naririnig si mommy na umiiyak. Wala akong magawa kundi magalit at ang lahat ng iyon ay ibuhos kay Abby. Lagi ko syang inaaway.


Alam kong wala ng pagasa na maging maayos pa ang pamilya namin. At ang tanging magagawa ko na lang ay ang tanggalin sa landas ko ang taong sumira ng pamilya ko.

***

Ngayon ay nandito ako at nakatayo sa harapan ng bahay nila Abby.

Isang katok lang ay agad namang bumukas ang pinto. Agad tumaas ang kilay ko ng makita ang ina ni Abby. Nagulat marahil sya ng makita ako at dapat lang dahil sya ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Mahinahon akong nagsalita kahit gustong gusto ko na syang sapakin, sabunutan at kalbuhin.


"Sumama ka sa akin." saad ko. Sumunod naman sya at agad na sumakay ng kotse.

Dinala ko sya sa isang park para kausapin.

"Alam mo naman siguro kung sino ako." umpisa ko, sya naman ay tahimik lang na nakaupo.



"Tigilan mo na si daddy kung ayaw mong may mangyaring masama sayo." pagbabanta ko.

"Hindi dapat ako ang sinasabihan mo nyan kundi ang tatay mo. Hindi lingid sa kaalaman ko na may pamilya sya-

"Hindi pala eh bakit patuloy ka pa ring lumalapit sa kanya." putol ko sa sinasabi nya na nanlilisik ang mga mata.


"Kahit anong sabihin mo hindi ko kayang ipangako na hindi na makikipagkita sa kanya dahil wala sa akin ang disesyon kundi sa tatay mo."


"Anong sabi mo?! Ang kapal mo ring babae ka eh nu! Tigilan mo si daddy kung ayaw mong ito na ang susunod na kakausapin mo!" saad ko at inilabas ang isang baril at itinutok sa kanya.






"Hindi ako natatakot sayo." saad nya na parang wala lang sa kanya ang baril na nakatutok sa ulo nya.







Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Wala man lang emosyon syang ibinigay sa akin.



Bigla na lang nagdilim ang paligid ko at ang tili ng babaeng nasa harapan ko ang huli kong narinig bago pa man ako mawalan ng malay.

***

Nagising ako na masakit ang ulo. Agad ko namang kinapa ang ulo ko at naramdaman kong may benda ito. Bigla tuloy akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari sa park.



Puro puti ang paligid. Sagilid ko ay may suwero na nakakabit sa braso ko.



Nasa hospital ako. Pero asan si mommy at daddy. At ano ang nangyari sa nanay ni Abby. Maya maya ay may pumihit ng seradura.




Nakangiting pumasok si mommy bagamat bakas ang pagaalala sa mukha.



"What do you feel?" tanong nya ng makalapit sya sa akin.



"My head still ache." saad ko. Naalala ko ang nangyari kaya nagtanong ako kay mommy. "Bakit ako nandito?  Asan yung babaeng kasama ko sa park?"



Napakunot naman ang noo nya sa tanong ko at nagtatakang sumagot. "Sinong babae? At park? Hindi ka dun natagpuan. May mga nakakita sayo na nakahandusay sa isang kanto. Saan ka ba nang galing?" tanong nya na medyo naguguluhan.



Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang nangyari pero hindi daw sa ganoong lugar ako na tagpuan. Ilang araw na rin pala akong nakastay sa ospital.


Hindi ko na masyadong inisip ang nangyari dahil siguro karma na rin sa kanya ang nangyaring yun.

---END OF POV

Pasensya na guys kung matagal magupdate. Busy kasi masyado sa school.:)

Angelic Face with the Devil eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon