CHAPTER 2 (Introduction)

28 2 1
                                    

Palabas pa lang ako ng bahay ay naririnig ko na ang samot saring hindi magagandang salita ukol sa akin sa ina ko. Wala na atang ginawang araw ang diyos na hindi sila nagtsitsismisan tungkol sa aming magina at sa mga pagkakamali ng mga taong nakapaligid sa kanila.



"Nagaaral kunwari pero sa beer house lang naman ang tuloy nyan." pagpaparinig nung isang matandang babae sa akin.




"Like mother like daughter." sabi naman nung isang kausap nung matandang babae.




"Talaga eh kelan ba naman namunga ang mangga ng ampalaya." sagot naman nung isa. Ipinagkibit balikat ko lang yun at nilampasan sila.


***



Break time namin ngayon sa iskul at wala akong maupuan dahil walang gustong makishare o magshare ng table sa akin. Lumabas ako ng cafeteria at doon sa may likod ng isang building ako naupo para kumain sa madalas kong pwestuhan.




Last year ko na to bilang high school student. Hindi ko alam kong makakapag college pa ako. Prostitute si mama at hindi ako nahihiya kong ano man ang trabaho nya dahil alam kong hindi naman nya ginusto yun.



Gustuhin man nyang kumawala sa pagiging prostitute ay hindi nya magawa dahil na rin sa mga magulang nya. Hindi ko nga alam kong magulang ba talaga ni mama yun dahil hindi naman namin sila kamukha.




Despite of all those bad things happen in my life I still manage to be on top. Valedictorian ako nung grade school kaya naman nakakuha ako ng scholarship para makapasok sa prestiheyosong paaralan na ito.




Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala.





I'm Abby Dawn. I'm 16 years old at pangarap kong maging isang business woman. Para daw kaming pinagbiyak na bunga ng mama ko kaya naman marami ang nagsasabing iisang landas lang ang tatahakin namin ni mama. Maputi ako, natural na mapupula ang labi ko. May katangkaran, balingkinitan ang katawan at higit sa lahat kakaiba ang mga mata ko. They say I had an angelic face with a sweet, innocent and loving eyes.



Madalas na tahimik ako dahil na rin sa wala naman gustong kumausap sa akin. Ang sabi ni mama mayaman daw si papa, gwapo, matangkad at maganda ang pangangatawan. Yun lang ang lagi nyang sinasabi kapag tinatanong ko sya kung bakit sila naghiwalay wala na syang masagot.




Para bang nabura ang lahat ng memorya nya. Tumayo na ako para bumalik sa susunod na klase ko.

Angelic Face with the Devil eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon