CHAPTER 6 (Gang Rape)

36 0 0
                                    

Abby Pov

Kamakailan lang ang sweet sa akin ni Tyler pero ngayon parang may iba. Iniiwasan nya ako. Ni hindi nya sinasagot ang mga text at tawag ko. Ang nakakapagtaka pa dun madalas ko syang makitang kausap ang grupo ni Kesha.






Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi ko gusto ang nakikita ko.


Magkasama sila ni Kesha at masayang nagkekwentuhan. At ako? Heto nakatingin lang sa kanila at walang lakas ng loob na bawiin ang taong mahal ko.




Nagulat pa ako ng biglang may tumamang bola sa ulo ko. Agad akong napatingin kung saan nang galing yun. Ang sakit ng ulo ko dahil dun sa bola na yun. Agad namang lumapit sa akin yung lalaki na marahil ay sya ang nakatama sa akin.

"Hey are you alright? Sorry about the ball." paghingi nya ng paumanhin. Ngumiti naman ako at sumagot.


"I'm fine." maikling tugon ko. Siguro basketball player sya ng iskul base na na rin sa itsura nya. Matangkad, maganda ang pangangatawan, maamo ang mukha. Okay fine gwapo din sya.



"Ganyan ka ba talaga katipid magsalita?" tanong nya na naupo na sa tabi ko.


Ngumiti naman ako sa sinabi nyang yun. "Wala naman akong ibang dapat isagot sa tanong mo. Kaya ang pangit naman siguro kung maiksi ang tanong mo tapos ang haba haba ng sagot ko." sagot ko sa kanya.


"Your funny." saad nya na natatawa sa akin. Magaan syang kausap hindi kagaya ng mga ibang lalaki dito sa iskul na puro hangin ang utak.


"By the way I'm Tristan." pagpapakilala nya sabay abot ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman yun at nagpakilala din.


"Abby, Abby Dawn." saad ko.




"Tristan come here!" sigaw ng mga kaibigan nya na kapwa player nya.



"Gotta go." saad nya at tumayo na. "Nice meeting you Abby." saad nya at tuluyan ng umalis.



Napalingon naman ako kila Tyler. Nakatingin din sya sa akin at mukhang hindi gusto ang nakita nyang eksena kanina. Hindi na ako nagsalita basta umalis na lang ako ng gymn.




Bahala sya sa buhay nyang magselos aba hindi yata biro tong nararamdaman kong takot sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Kesha.



***

Simula ng makilala ako ni Tristan ay lagi na syang nasa tabi ko. Madalas nya akong yayaing lumabas pero ni minsan hindi ako sumama sa kanya. Kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin ang relasyon namin ni Tyler.




Pero minsan naiisip ko lang na sya kaya iniisip ako. Hindi nya na kasi ako kinakausap, ni tawag o text ay wala akong natatanggap sa kanya.




Wala na yata kami.




"Hey what's the problem?" tanong ni Tristan ng mapansing tulala ako.


"Wala." saad ko at ngumiti sa kanya.


"Come I'll show you something." hindi pa ako nakakasagot ay hinatak nya na ako.



"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko na medyo nahihirapang sabayan sya sa paglalakad dahil halos kaladkarin nya na ako.

"You'll see." nakangiting sagot nya.


"Were here!" masayang pahayag nya sa akin matapos makarating kami sa kung saan.

"Wow!" ang tanging nasabi ko ng makita ang paligid ko.


Angelic Face with the Devil eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon