CHAPTER 3 (A sweet surprise)

8 1 0
                                    

Abby POV


Seventeen, pero alam ko namang walang handaang mangyayari. Okay lang sa akin, masaya pa rin ako kasi kasama ko si mama at si Tyler. Oo nga pala ano kayang inihandang gift nun sa akin. Madalas ako nung i-treat kapag birthday ko o di kaya'y may regalo. Madalas ko namang tanggihan ang mga regalong binibigay nya.



Ayoko kasing isipin ng iba na pniperahan ko lang sya. Congressman ang papa ni Tyler at ang mama naman ay isang modelo at nagmula sa isang mayamang angkan. Nagtataka nga ako kung bakit ang bait nya sa akin. Napangiti ako sa pagkakaalala kung paano kami nagkakilalala.



---FLASHBACK


"Hey you get out of that tree!" sigaw ng isang batang lalaki mula sa ibaba ng puno ng mangga kung saan ako na roon. Tumingin ako sa kanya, maputi, kulay asul ang mga mata nya. Mas matangkad sya para sa edad nya. Isang batang mayaman, anang aking isip.




Medyo maangas ang dating nya pero mukha rin namang mabait. Alanganing ngumiti ako. Kahit mahirap lang kami matatas din akong magsalita ng ingles. Pitong taon lang ako at sa tingin ko naman ay walong taong gulang lang ang batang lalaking nasa paanan ng punong mangga.




"Why?" tanong ko na mahigpit na nakakapit sa puno ng mangga.



"Because this is my tree."



"How could you say so?"




"Because my family own this place so you better down here." saad nya.




"I really love to but I can't." saad ko na kinakabahan habang nakatingin sa baba. May kataasan ang kinapipwestuhan ko sa puno ng mangga kaya naman nahihirapan na akong bumaba. Kanina ko pa gustong umalis pero na ngangatog ang mga tuhod ko kaya naman hindi ko na itinuloy at nanginain na lang ako ng mangga habang nagaantay ng taong pwedeng tumulong sa akin.




"O'sige tumalon ka na lang." saad nya.



"Ha? Eh ayoko nga baka mabalian ako tapos magcacancer ako at mamatay." saad ko na dahilan para matawa sya. "Oh bakit ka tumatawa?" tanong ko na medyo naiinis.




"Ang layo kaagad ng tinakbo ng utak mo eh. Patay agad?" saad nya. "Sige na tumalon ka sasaluhin kita."




"Promise?" tanong ko.

Angelic Face with the Devil eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon