CHAPTER 18

987 39 2
                                    


Panay ang pagvibrate ng phone ko, at ang pag pop up ng non-stop notification sa ipad at laptop ko ngayon, I glance at it and tried to buried my face in the pillow, ginawa ko ang lahat ng pagpipigil upang hindi ito bigyan ng pansin.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang lumipat ako dito sa Siargao, at tatlong araw na 'rin akong inactive sa lahat ng social media ko, pero tatlong araw na 'rin akong hindi pinapatahimik ng mga gadgets ko.

"Agrh!!!!" sa sobrang inis ko, padabog akong bumangon at kinuha ang phone ko, hindi ko na kayang magpigil, binuksan ko ito at tiningnan lahat ng notifications ko, halos umabot ng 1k plus yung notif ko sa twitter, 894 ang notif ko sa instagram, 50k sa youtube at 79k sa facebook.

Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa aking nakita, nangbuksan ko ang twitter account ko, my lips parted dahil halos lahat ay tungkol sa live ko past three days ago, and what shocks me more is that, nakalkal na agad nila kung sino yung sumilip sa live ko that day.

They even posted it on a breaking news type, "Rumored boyfriend? Mangliligaw?" hindi makapaniwala kong pagbasa sa header ng mga post ng fans. "#Wedemandavlogtogether!" What the heck is this?

This is Hael's fault, kung hindi siya nagpakita sa live ko, hindi sana magkakaganito ang mga fans ko. Sa inis ko, dali-dali akong tumayo at nagmadaling bumababa sa hagdan. "Hael!!!" I shouted, as I heard him singing downstairs.

"Hael!!!" sigaw ko pagbaba ko, naabutan ko itong nag brewed ng coffee sa kitchen. "Good morning," nakangiting bati nito sa akin, pero hindi niya ako tiningnan ng diretso. Kasalanan niya ito, mas lalo lang tumataas ang dugo ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagvibrate ng phone ko sa aking kamay.

"This is your fault!!! Kung hindi ka umepal sa live ko that day hindi sana nagkakagulo yung fans ko!!! My name is everywhere!!!!" sambit ko, imbis na tingnan ko sumandal siya sa counter ng kitchen at lumingon sa bintana.

Ang lakas ng loob nitong hindi umimik, pero kitang-kita ko ang pamumula ng tenga nito. Ano bang sira ng ulo ng lalaking ito. "Are you not gonna say something, ikaw ang may kasalanan nito, now people are demanding something from us!!! We're not even close!!!" I said.

Hindi pa 'rin ito nagsalita, kaya lumapit na ako sa kanya at hinarap ang kanyang mukha sa akin, this guy is really getting into my nerves. "Talagang hindi ka magsasalita?" tanong ko. He avoided my gaze, grab the black towel in the sofa and suddenly cover it to my body.

"Makakapagsalita lang ako ng matino kung haharap ka sa akin ng may suot na bra," kalmado nitong sambit at ng matapos balutan ang katawan ko, doon niya ako tiningnan ng diretso sa aking mga mata.

"Wag kang bigla-biglang lumalabas ng silid mo na hindi kompleto ang suot mong damit, lalaki ako, kahit na gentleman ako pagdating sayo kaya kong maging bast—-," bago niya pa tapusin ang sasabihin niya kinuha ko ang pandesal sa lamesa at sinubo sa madumi niyang bibig. Tumawa siya at doon lang ako tinamaan ng kahihiyan.

Nakalimutan ko, I'm only wearing pajamas at white loose shirt, I'm not wearing a bra. You're so stupid Fiel!

"Manyak!" singhal ko sa kanya at lalayo na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila pabalik. "Kung manyak ako, edi sana hindi kita binalutan, hinayaan na lang kita," he seriously said, and suddenly flashed those smile and wink at me.

"Hey, bakit hindi niyo na lang sakyan ang gusto ng mga tao ate Ash," napalingon kaming dalawa sa likuran ko ng biglang nagsalita si Love. she was sitting on the couch, don't tell me kanina pa siya nandyan?

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko, tumango siya at habang may subong lollipop, tiningnan niya kami ng kuya niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "Bakit hindi niyo nalang gawin yung gusto ng mga tao, give them what they want, pareho naman kayong magbebenefit sa results, and isa pa vlog lang naman iyon ate Ash, feed you fans some fan service naman po, gaya ko kung hindi ko kilala kung sino yung guy sa live mo, I will also demand some interaction video with him," she said.

His Fallen Ally (LOA 2 #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon