CHAPTER 21

988 34 0
                                    


"You're here," he uttered. Meeting him unexpectedly caught me off guard, but I managed to smile at him, and look around. Kalma Fiel, act like you usually do back then. "Ah, yeah, I just had a meeting but later I'll be going back to Siargao, kararating ko lang kaninang 6 am, my meeting ended at 11 am, kaya nandito ako, waiting for my flight," I said and chucked while scratching my nape, releasing some intense feeling underneath my smile.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, timitibok ito sa kakaibang paraan, masakit, makirot at nahihirapan akong huminga. Pero kailangan hindi niya ito mahalata. He doesn't know anything.

"What time is your flight?" tanong nito at sinubukan tingnan ang schedule ng Siargao flight sa screen, pero agad akong nagsalita, ayaw kong magkaroon ng chance na tumagal pa ang usapan namin, baka hindi ko kayanin, at bigla nalang tumulo ang luha ko habang kaharap siya. "Mga 1 hour na lang, aalis na din ako, sige I'll go na," sambit ko, pero ang totoo hihintayin ko pa talaga si Hael.

Kailangan ko lang talagang makalayo sa kanya, nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Maglalakad na sana ako papunta sa waiting area ng bigla niya akong pigilan, parang may makalas at nakakapasong pakiramdam ang aking nadama ng hawakan niya ang kamay ko. He glanced at his wrist watch, please just let me go, "Join me for a coffee first, while you're waiting," he said, no, I'm not sure if I would able to bear it. "Nako, kuya Zign wag na," I said, and tried my very best na hindi mahalata.

My lips parted when he smiled unnoticed while looking at me and shook his head as a sign of disagreement. "No, you're coming with me," it wasn't a question, nor he wasn't asking any permission, it was an order na hindi ko magagawang tanggihan. Hinila niya ako papunta sa Starbucks at tuluyan na ako hindi nakatakas. "How are you?" tanong nito habang hinihintay yung order.

Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa kanyang mga mata, kung kaya't panay ang tingin ko sa paligid upang maiwasan ang nakakapang lambot niyang mga tingin, "Ok naman ako doon, K-kuya," bakit ka nauutal Fiel, baka mahalata niya. Using my peripheral vision, I saw him smirk while staring at me. Please stop. "Why did you decide to stay there?" seryoso nitong tanong sa akin.

Why do you care? Do you miss me? Nabubuo na naman ang imposibleng mga tanong sa aking isipan. Tumigil ka Fiel, control yourself. He loves someone else and that will never be you.

Hindi napuputol ang patigtig niya sa akin habang hinihintay ang isasagot ko sa tanong niya. "Ahm, gusto ko kasi yung beach doon and isa pa super daming pwedeng idevelop sa lugar na iyon," pagsisinungaling ko, ayaw kong makita niya na hindi ako yung Fiel na ineexpect nilang lahat. A failure.

But answering his question makes me remember the beauty of Siargao, and I thank god for letting me stay at a wonderful place. "Ikaw kuya, kamusta kayo ni Evi?" I asked even though I know that this question will just hurt me, I just avoided his gaze and sip on my drink, a signature hot chocolate. "We're doing great, actually I'm planning on asking her to live with me na," masaya nitong tugon.

I just felt like a sharp knife stab into my chest, I lost my right senses for a second and forgot that my drink was boiling hot. "Ah!" napaso ako. Ang sakit. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at inabutan ako ng tissue dahil tumulo yung hot choco sa suot kong skirt.

Pero bago niya pa ako tuluyang mahawakan, dali-dali na akong umiwas. "Ka-kaya ko na po," I said, but I was already at my peak and before I even knew it, I'm already shedding tears. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit pa 'rin.

"Are you ok?" he asked. I smiled at him, but my tears kept escaping. Mga traydor na luha. Tiningnan niya ako gamit ang mga mapanlinlang niyang mga mata, bakit mo ipinapakita sa akin na nag-aalala ka, tama na ayaw ko nang umasa pa. "Ok lang ako, ano haha, ang tanga ko kasi napaso ako, alam ko naman mainit haha, ok lang ako," I was stuttering while trying to grab all my things and stood up. Kailangan ko na talagang umalis dito.

"Ahm, kailangan ko nang umalis, K-kuya, goodluck sa inyo ni Evi dadalaw ako pag nagkaroon ako ng time," I was trying my best to smile. Fuck these tears.

"But you haven't finish you drink yet," sambit nito, at bakas sa kanyang mukha na naguguluhan siya sa nangyayari. He must be asking why I'm crying in front of him. Stupid me, I kept avoiding his gaze.

Tiningnan ko yung hot chocolate drink ko, I chucked, carelessly grabbing it. "Ah oo nga, hahaha," I know it was stupid but I drink it straight, not minding how hot and it burns me inside. I smiled after I finished drinking it, looked at him, and said, "Congrats in advance sa inyo ni Evi, Kuya Zign, I wish you two will be the happiest couple in the world, thank you sa coffee but I badly need to go, b-bye." It was a lie. I smile once again before I turn my back at him and walk away.

Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa restroom, dala-dala ang mga gamit ko. Nanghihina akong nagkulong sa isang cubicle. I cover my mouth as I burst out and cry. Lahat ng mga ginawa kong pag-iwas sa sakit na ito, ay tila nawala sa isang iglap.

Sa isang ngiti niya, lahat ng mga sinabi ko sa aking sarili ay tila naglaho. Lahat ng pangako na magsisimula ng wala ito, ay walang kwenta. Ang sakit panoodin na masaya siya sa ibang tao, sobrang selfish ko upang hilingin na sana ako ang dahilan kung bakit siya masaya. Sana ako na lang.

I bit the bottom of my lips, started hitting my chest as it kept on beating in a most painful way. Hindi mawala sa aking isipan ang mga ngiti niya. Bakit ang sakit-sakit ng mga ngiti mo. bakit parang mas lumala lang ang nararamdaman ko para sayo.

Bakit kung kailan lumayo ako, mas lalong hindi ko kayang tiisin ka. Bakit ganito? Ang sakit-sakit na. Nanatili ako sa loob ng cubicle na iyon ng mga ilang minuto, hinintay kong matapos ang pagtulo ng mga luha ko at dahan-dahan tumayo.

Lumabas ako, mabuti na lang ay wala pang ibang gumagamit ng restroom. Lumapit ako sa sink at tiningnan ang aking sarili sa salamin. I bitterly smile, I look so messed up again, maga ang mga mata ko at namumula ang pisngi at ilong ko.

Ramdam ko din sa aking dila ang pagkapaso nito dahil sa katangahan ko kanina. Naghilamos ako ng mukha at huminga ng malalim. Paano ka niya mamahalin, at mapapansin kung ganito ka lang Fiel? Tanggapin mo na nawala kang chance sa kanya.

Because Evi is the type of girl that a man could ever want.

Napatingin ako sa phone ko ng mag ring ito, tumatawag si Hael. sinagot ko ito habang nagpupunas ng basa kong mukha. "Hael."

"Hi po, nandito na ako sa airport, saan ka na?" masigla nitong sambit mula sa kabilang linya. "Nasa restroom lang saglit." tugon ko.

"Sige, hintayin kita." tumango ako bago ko ibinaba ang tawag. I fix myself and step out of the restroom. Naglakad ako papunta sa gate 3. Nakita ko si Hael, suot ang pilot uniform niya, busy ito sa kanyang phone habang hawak sa kaliwang kamay ang handle ng maleta na dala niya.

He stands out, looking so neat and handsome out there. I urge a smile and walk towards him. I tapped his shoulder to get his attention. "Fie—," hindi nito natapos ang sasabihin ng tingnan niya ako.

Ngumiti ako sa kanya upang ipakita na ok lang ako, pero kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "You cried," it wasn't a question. He just knew it for sure.

"Hindi napuwing lang ak—," hindi na nito hinintay matapos ang sagot ko, agad niya akong niyakap ng mahigpit. As he locked me in his arms, I felt weak and tears fell from my eyes again. "You saw him," he whispered.

Tuluyan na akong lumuha, I hide my face in his chest and nodded. "He's happy with her, and I can't do anything about it, I should be happy for him, but it hurts," I whisper.

"Your feelings are valid, let it out." he whisper, naramdan kong may inabot siya at bigla nalang niyang pinasuot sa akin yung pilot hat niya. Malakit ito tamang-tama para maitago ang pag-iyak ko.

"Baka sabihin ng iba pinapaiyak kita, tara na nga iuuwi na kita sa Siargao," He cheerfully said while I kept my head's down. He held my hand in the most gentle way and sabay kaming bumalik sa Siargao.

"You need a new start," he said while we're about to land. Tiningnan ko siya, at ganun din ang kanyang ginawa.

Inabot niya ang kaliwang kamay upang makipagshake hands sa akin at sinabi. "Hi, my name is New Start," he joked.

That made me smile, Hael made me smile and slowly lessen the pain. Should I try this new start?

"Hi, New Start," I answered and we both laughed. 

His Fallen Ally (LOA 2 #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon