Simula

15 1 0
                                    

Being with someone who have a trust issue is kinda hard especially when you have a kind of mentality that if a person doesn't believe you, you just let it happen as if you don't care about what they think.

Bakit pa nga ba magpapaliwanag kung may nabuo na silang persona sa mga utak nila? Kapag ba nagpaliwanag akong wala lang ako sa mood dahil pagod, mabubura ba ang pagiging masama ko sa kanilang mga isip? I don't think so.

Hangga't sa nakikita nila ako, ma-aalala nila ang mga pinagsasabi ko.

"She called me ugly awhile ago, anong klaseng bata ang tinanggap niyo sa pamamahay na ito?!" nanggigigil na turan ng nanay ni Daddy.

Galit naman akong binalingan ni Dad, nagsukatan kami ng tingin bago siya nagsalita.

"Is it true, Davin? You disrespect your lola?" Usal niya na may halong inis.

Napayuko lang ako saka mabilis na pinunasan ang pumatak na luha sa aking mga mata.

"I want to go home. I don't want here, gusto ko kay Mommy," umiiyak kong usal kahit alam ko namang malabong mangyari iyon.

Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang ang pag-hatak ni lola sa aking buhok para patingalain ako.

Wala akong nagawa, hindi ako pumiglas kahit nasasaktan na ang aking anit. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

"Mom, don't do that!" Galit na palahaw ni Daddy pero hindi nagpatinag si lola. Bumaling siya kay Daddy at dinuro ito.

"This kid needs a punishment! Kailangan niya ring matauhan na hindi siya mahal ng nanay niyang pokpok!" usal niya bago bumaling ulit sa 'kin. "No one cares about you, walang nagmamahal sa 'yo at sampid ka lang sa pamilyang ito. Kaya huwag kang umastang parang señorita sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo ba ako?!"

Hinatak-hatak niya ang buhok ko saka ako pinatayo at dinala sa bodega. Sa bodega kung saan ako palaging napupunta kapag may ginawa akong pagkakamali.

Basta na lamang akong tinulak ni lola sa loob saka isinara ang bakal na pinto.

"Diyan ka nararapat para magtanda kang bata ka! Wala kang kwenta!"

Narinig ko ang mga kalansing ng kadena kaya kinalabog ko ang pinto.

"Sorry na po, lola! Hindi ko na uulitin! P-Palabasin niyo po ako rito! Ayoko po rito!" Pagmamakaawa ko pero hindi nila binuksan ang pinto.

Napasalampak na lamang ako sa likod ng pinto saka inilibot ang paningin sa maalikabok at maduming mga kahon. Walang ilaw sa bodega kaya tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng bodega. Pumapasok iyon sa maliit na bintana, tangkain ko mang dumaan doon para tumakas ay takot naman akong makagat ng aso nila.

Pinunasan ko na lamang ang luha ko, walang ambag ang luha at hindi naman ito nakakapagpabago sa sitwasyon kahit pa mahulog ang eyeball ko sa kakaiyak ay wala namang mangyayaring mabuti.

Lumapit ako sa bintana saka tumingala roon. Takot ako sa dilim at ito ang tanging ginagawa ko kapag narito ako sa loob. Tinitingala ang buwan at humihiling na sana'y makaalis ako sa madilim na pihitang ito at makasama ulit ang nanay ko.

Halos apat na buwan na rin magmula ng mawalay ako sa kaniya. Sabi niya pa na hindi niya hahayaang magkalayo kami ngunit bakit ito ang nangyari?

Akala ko ba bibili lang siya ng icecream dahil birthday ko pero bakit hindi na siya bumalik? Bakit hindi niya na 'ko binalikan?

Unti-unting namukal ang luha sa aking mga mata na kinalaunan ay naging hagulgol at pagsigaw ng sakit na nararamdaman ko.

At sa araw na iyon, I promised to my kid self that I will never cry over someone again.

Hindi na ako iiyak ng dahil kay mommy, kakalimutan ko na siya at iisipin na lang na patay na siya simula ng araw na iwan niya ako.

Ito na ang reyalidad, pilitin ko mang talikuran ito ay paulit-ulit din naman ako nitong guguluhin. At para tumigil ito, kailangan ko na itong harapin para hindi ako tuluyang malugmok sa kalungkutan.

Sarili ko na lang ang meron ako ngayon, and I can't lose myself. Kahit sarili ko na lang ang ilaban ko.

—————————————

Disclaimer:

The Perfectly Imperfect is a work of fiction. Names, characters, some places and incedents of this story are product of the author's imagination and use fictitiously.

Any resemblance to actual events, places, or persons living or dead is entirely coincidental.

This story is unedited. Expect typographical errors, wrong spelling and inconsistency of the plot.

The Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon