I Am In Love with a Cosplayer

7 1 1
                                    

Sabado ng gabi, sa ikalawang palapag ng bahay sa isang silid

"Grabe, bitin naman yong Darling in the franxx" mahinang sabi ni Kevin sa sarili habang nakahiga sa kama at nag uunat

Si Kevin ay isang college student na kasulukuyang kumukuha ng kursong Arts and Entertainment, bata pa lang si Kevin ay mahilig na sya sa anime, kadalasan sa ginagawa niya ay nanggaya ng mga linya sa anime, sa maikling salita nakahiligan niya ang pag vovoice over, nag d-drawing din si Kevin at masasabing napaka husay ng kaniyang kakayahan.

Katatapos lang panuorin ni Kevin ang Darling in the franxx at mapansin ang oras 7:20 na ng gabi, nanatiling nakahiga si Kevin at nag scroll sa facebook

"Ma anong ulam" sumagiw si Kevin

"Bakit hindi ka bumaba?!" Sigaw ng ina ni Kevin

Hindi sumagot si Kevin at baba na sana upang mag hapunan ngunit sa pag i scroll niya ay may napansin siyang cosplayer na lumitaw sa friends suggestion ng fb niya

"Emilia?"! Nagulat na sabi ni Kevin sa kaniyang sarili

Nagulat si Kevin dahil para niyang nakita si Emilia mula sa Re: Zero nang buhay dahil sa napakaganda at perpektong pigura ng nasa larawan, hindi makapaniwala si Kevin na posible ito kaya naman tinignan niya ang profile ng cosplayer at napansin na halos lahat ng anime na ginaya nito ay masasabing napaka perpekto. Nag ka interest si Kevin kaya naman pinindot niya ang Add Friend upang mag padala ng friend request.

Bumaba si Kevin upang kumain at iniwan niya ang kaniyang telepono sa kaniyang kwarto. Makalipas ang ilang oras bumalik si Kevin sa kaniyang kwarto upang mag pahinga, kinuha ni Kevin ang kaniyang mobile phone upang mag facebook saglit bago matulog nang mapansin niyang in confirm na siya ng cosplayer, natuwa si Kevin at nakitang online ang cosplayer kaya naman nagpadala siya ng mensahe

Kevin: hello pretty cos thank you for accepting my friend request 😊

Nag delivered ang mensahe ngunit walang tugon ang kabilang partido, ang screen ng cosplayer ay Pretty Cos, muling nag padalawa ng mensahe si Kevin

Kevin: ang ganda ng mga kino-cosplay mo, pwede ba makipag kaibigan sayo?

Nag delivered muli ang mensahe, nag hintay si Kevin at mahigit tatlumpung minuto ang lumipas ngunit wala pa ring tugon ang cosplayer

"Siguro busy to" sabi ni Kevin sa kaniyang sarili at natulog

Kinabukasan pag gising ni Kevin ay bumaba siya upang mah almusal at mag workout, nang matapos si Kevin bumalik siya sa kaniyang silid upang mag hanap ulit ng panibagong anime na mapapanuod ngunit bago bago siya mag tingin ng mapapanuod sinilip niya saglit ang kaniyang fb at napansin na may bagong post ang cosplayer, nag react si kevin ng heart at nag comment ng 'so pretty', wala pang isang minuto nang tumunog ang notification ng fb ni Kevin at napansing nag react ang cosplayer sa comment niya at nag reply ng 'thank you' at pagkasunod nakatanggap siya ng message mula sa cosplayer

Pretty Cos: Oi Hehe welcome
Pretty Cos: sorry I was busy last night ngayon ko lang napansin
Pretty Cos: thank you, Sure we can be friend 😊

Natuwa si Kevin sa kaniyang nakita at nakipag chat, naging tuloy tuloy ang pag chachat ng dalawa at nakilala nila ang isat isa makalipaa ang isang linggong pag chachat napansin ni Kevin na tila iba na ang nararamdaman niya para sa cosplayer, napaka gaan nitong kausap at nagagalak ng lubos ang puso ni Kevin

Pretty Cos: haha oo nga nakakatawa talaga yon, btw next saturday may cos festival sa *insert place* pupunta ako bilang si Zero Two
Kevin: woah, really? Paniguradong napaka perfect nyan lalo na kung ikaw ang gumawa, try kong pumunta 😊
Pretty Cos: ahaha sige kita tayo dun 😊

Bagamat alam ni Kevin ang lugar aabot pa rin ng apat na oras ang biyahe upang makarating sa lugar at alam ni Mitch na malabong makapunta si Kevin dahil sa distansiya, tama Mitch ang pangalan ng cosplayer at pretty cos ang ibinansag sa kaniya dahil sa husay niyang manggaya ng mga karakter sa kahit anong anime, hindi sineryoso ni Mitch ang mga sinabi ni Kevin

Gagamitin nu Kevin ang araw na ito upang mag tapat ng nararamdaman

Makalipas ang ilang araw at sumapit ang araw ng event, nag simulang mag tipon ang ibat ibang uri ng cosplayer sa isang lugar, masasabing buhay na buhay ang lugar at animoy nakapasok ka sa loob ng anime sa pag mamasid dito, si Mitch ay isang sikat na cosplayer kaya busy siya at madaming nag papakuha ng larawan sakaniya. Maya maya may isang matangkad na lalaki na nakabihis at may hawak na isang bouquet ng bulaklak na naka kuha ng atensyon ng lahat, dahil ang lalaki ay napaka porma at napaka gwapo dahan dahang lumapit ang lalaki kay Mitch at sinabi

"Hi Mitch. Pwede ba akong mag pa picture kasama ka?" Nakangiting sabi ng lalaki

"Su-" natigilan si Mitch at nagpatuloy "Kevin pumunta ka" nagulat na sabi ni Mitch

Tama ang lalaking naka bihis ay walang iba kundi si Kevin

"Bat parang nagulat ka? Diba sabi ko pupunta ako?" Nakangiting sabi ni Kevin at pagkatapos iniabot ang bulaklak

"Kevin ano ito?" Nahihiyang tanong ni Mitch

"From the moment I saw you, Interesado na ako sayo ngunit hindi ako sigurado kaya kinompirma ko ang nararamdaman ko" lumuhad si Kevin at hinalikan ang kamay ni Mitch

Ang lahat ng tao ay kinikilig sa kanilang mga nakikita na tila ba nakakita sila ng isang prinsepeng nag alok ng isang kasal sa isang prinsesa dahil talagang tugma ang itsura ng dalawa

Nag blush si Mitch at sinabi

"K-kevin pero may hindi ka alam tungkol sa akin" namumulang sabi ni Mitch

"Sabihin mo" nakangiting sabi ni Kevin na nanatiling nakaluhod

"Kasi ano-" nag aalinlangan si Mitch

"Kasi ano?" Tanong ng lahat

"Kasi Michael totong pangalan ko lalaki talaga ako hilig ko lang mag make up at gumaya ng mga babaeng karakter" mahinang sabi ni Mitch ng naka yuko

Nagulat ang lahat dahil ngayon lang nila nalaman na Lalaki talaga si Mitch tanging mga kaibigan ni Mitch at mga dati na niyang nakakasama lamang ang nakakaalam ng totoo

"Ako din may sasabihin" mahinang sabi ni Kevin at dahan dahang tumayo habang hawak ang kamay ni Mitch

"Ano?" Muling sigaw ng lahat

"Well, your gender doesn't matter, you are the most beautiful person in this room right now and that's enough" nakangiting sabi ni Kevin

Nag sigawan ang lahat at kinikilig at naiwang tulala si Mitch dahil sa naging reaskyon ni Kevin, dahil ang totoo lalaking lalaki talaga si Micheal hahaha kahit ako natatawa bakit ko naisulat ito kaya hanggang dito na lang salamat sana nabitin ko kayo

-The End-

I am In Love with a cosplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon