Sevy's Pov
After 1 hour spending in library ay bumalik na kami sa classroom dahil magsisimula na ang next teacher namin sa pr.
"Goodmorning, everyone" bungad ni Ms. Pagpasok pa lang sa pinto.
Tahimik ang lahat at halos walang umiimik. Si Ms. Knightrin ang teacher namin sa pr. Isa sa mas nagpa-pahirap sa buhay namin.
Problema nila tapos sa'min ipapa-solve! Aba naman!
Wala s'yang sinayang na oras at nagsimula na mag-turo, just like the normal days in class.
Magtuturo at pagkatapos ituro ang lecture ay may pa-sasagutan or hindi kaya mag q-quiz, kasama na ang pagbibigay ng mga projects and research about sa topic na diniscuss ni Ms. Knightrin
Well, hindi naman sila galit sa pagbibigay ng maraming gawain at sunod - sunod na mga surprise test at exam every 2nd of the week.
Tsk.
"Inaantok ako" yumuko ako sa table chair "edi matulog ka".
"Kung puwede lang, bakit hindi" lukot ang mukha kong tumingin sa labas ng bintana pero agad din naman naglaho iyon at napalitan ng blankong expression.
It's raining outside. Kaya pala makulimlim ang mga ulap kanina.
The entire campus was in silent, the only thing that everyone could hear was the rain falling on the ground.
Free from disturbance.
I love rain..very---much.
Kasi ang ulan, kayang takpan ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mapupungay ko'ng mga mata.
Kapag kinakain ako ng lungkot, sumasakto lagi ang ulan.
That's why i love rain, niyayakap nila ako patungo sa madidilim at malalmbot nitong makulimlim na ulap
If a week drained me that much and can't focus of what i am doing, they're just with me.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa'ng maging malungkot sa mga oras na feeling ko'ng wala talagang nagmamahal sa'kin.
Kahit anong gawin ko. Hindi ko maibsan ang kalungkutang kumikirot sa aking puso.
Mahirap din sa akin, dahil sa 'diko malamang dahilan.
Matapos ang sunod sunod na klase ay tumunog na rin ang bell.
Uwian na.
Kanya kanya na silang nag-ayos ng mga gamit at binitbit ang bag palabas.
"Cakes, mauna na ako. May dinner date kami ni dad"
Tumingin ako sa kanya. I slowly nodded as i agree "No problem". I said,
"I go ahead, ingat cakes sa pag-uwi" she smiled at me.
I nodded and smile back. Kinuha n'ya ang kaniyang bat at naglakad palabas ng classroom.
Ako na lang ang naiwan mag isa sa room, as i expected.
Hindi na magbabago.
Lumabas na din ako ng room at naglakad sa hallway ng 2nd floor.
May iilan din ako'ng nakakasabay sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makalabas ng campus at pumuntang parking lot.
Binuksan ko ang pinto at sinalpak ang susi, pagka-start ng engine ay nagmaneho na ako kaagad paalis.
Pag uwi sa bahay, si manang lang din ang nadatnan ko at wala ang iba.
Para na ma'ng may magbabago.
"Ija" nakangiting bungad ni manang ng pumasok ako sa kitchen.
"I'm home po" sabi ko at kumuha ng baso at isang pitsel ng tubig sa ref at sinalin, saka ininom.
"Kamusta naman ang araw mo, ija?" Tanong ni manang.
Binaba ko ang basong hawak ko "Just like a normal day lang po, manang" pagod ako at wala sa mood.
Gusto ko ng matulog, gusto na rin magpahinga ng katawan ko.
"Kumain ka na ba?" She asked.
Umiling ako "Hindi pa po" sabi ko at naupo sa counter chair ng mini bar sa kitchen
"Sandali at ipaghahain lang kita" akmang tatalikod na sana si manang ng pigilan ko s'ya.
"Uhm, no manang... uh, hindi pa po ako gutom" ngumiti lang ako sa kanya ng bigyan n'ya ako ng makahulugang tingin
"Ano bang kinain mo at hindi ka pa gutom?" May pag-aalalang tanong ni manang.
"Wala po, ayaw ko lang kumain"
"Naku, ija!. Masama ang hindi kumakain ng ayos, hindi maganda yan sa kalusugan" lumakad s'ya sa gawi ko at tumabi sa gilid saka hinimas ang aking buhok gamit ang kanyang mga kamay.
"Ayaw po tanggapin ng tiyan ko ang pagkain ngayon" pagdadahilan ko, pero totoo din naman dahil ayaw talaga ng tiyan ko tanggapin ang pagkain ngayon.
Sinandal niya ang aking ulo sa kanyang beywang.
"Oh s'ya. Mukhang ayaw mo talagang kumain, mabuti pa't umakyat ka na at magpahinga sa iyong kuwarto" malambing na sabi ni manang, humiwalay siya sa akin at ngumiti,
Ngumiti din ako Sa kanya pabalik at tumango, hindi na ako nagsalita at tumayo saka naglakad paakyat ng kuwarto.
Binaba ko ang gamit ko at kumuha ng damit sa walk in closet. Modern lang pero all black and gray ang lahat ng kulay, ayoko ng masyadong matingkad at makulay.
Ang sakit sa mata ng ganon.
Pagkakuha ko ng damit ay pumasok ako ng bathroom at nagpalit, ginawa ko na rin ang night routine ko.
Paglabas ng cr ay agad kong binagsak ang sarili sa malambot na kama,
Hayst, paulit-ulit lang ang nangyayari araw araw.
Gigising ka sa umaga, maliligo, kakain, magt-tootbrush, papasok, uuwi, kakain at matutulog.
Paulit-ulit na lang.
Nakaramdam ako ng matinding antok kaya kusa ng pumikit ang mga mata ko at nakatulog na ako ng kusa.
Nagising ako ng alas kwatro ng umaga, bumangon ako at pumasok ng cr.
Hinarap ko ang sarili sa salamin, kinuha ko ang toothbrush at nagsalin ng toothpaste.
Naghilamos na din ako, at naligo. Wala pang 20 minutes ng matapos ako sa cr, nakapag bihis na din ako ng uniform na nakita ko kanina sa tabi ng coffee table ko'ng nakahanger na, plantsado na din kaya sinuot ko ng daretso.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan, bukas na ang ilaw sa kitchen at dinning area.
Naabutan ko'ng wala si manag, at tanging nakahandang pagkain lang ang na sa ibabaw ng lamesa.
Umupo ako at kinuha ang sticky notes na nakalagay sa gilid ng aking plato.
Manang,
Ija, kumain ka na dyan. Mamalengke lamang ako ng mga pagkain dahil naubusan na tayo ng stock. Ingat sa pagpasok.
Nakangiti kong tinago ang sulat sa aking bulsa at nagsimulang kumain. Nang matapos din ako agad ay inilagay ko na ang platong pinagkainan ko sa sink.
Naglakad ako palabas ng bahay at pumunta sa garahe, binuksan ko ang pinto at sumakay, sinalpak ko ang hawak kong susi saka binuksan ang makina ng sasakyan.
Nang mabuhay ang makina ay agad akong nagmaneho, paalis ng bahay.
Naka-depende kung gaano kabilis ang patakbo ko ng sasakyan sa oras ng byahe mula sa school, depende na rin kung traffic.
Mukhang wala naman kaya mabilis ako makakarating ng school.
Marunong ako'ng mag drive, pero tanging student license pa lang ang meron ako para makapagmaneho at makagamit ng kotse.