Chapter 1

46 2 2
                                    

Chapter 1: First Day

_Micah's_

"Micah...doon ka na mag-aaral sa Maynila ha? alam mo namang mahirap ang buhay dito sa Bicol diba? Mas maganda na doon. Sa bahay ka ng tita mo titira at siya ang magpapa-aral sayo"

Nagulat ako sa sinabi ni Mama habang kumakain kami.

"Bakit po? Okay naman po dito sa Bicol ah?" Malungkot na sabi ko.

Alam kong wala akong magagawa kapag nagplano si Mama. Kapag nandoon na ako kayla tita. Alam kong magiging maganda ang buhay ko. Malaking bahay, Mabait na Pinsan. Pero ayokong iwan si Mama. Mahihirapan akong mag-adjust kapag wala siya.

"Anak. Ayos lang talaga na nandito ka. Mas Gusto ko nga iyon dahil magkasama tayo. Pero gusto din makapag-aral ka sa Paaralan ng mayayaman. Aba't sa pamilya natin tita mo lang ang mayaman eh."

Sumubo si mama at itinuloy ang pagsasalita.

"Swerteng bata! nakapag-asawa ng mayaman"

Natawa naman ako sa inasta ni mama.

"Mama talaga! pabigat lang ako doon!"

"Aba! saka sa talino mong yan? tsk. tsk. Hindi ka magiging pabigat. Baka maging scholar ka pa. Mag-eenroll ka pa naman bilang Grade 7 ah? diba? Ay basta iyon ang gusto ko. Hala sige Kain na."

Kumain nalang kami ni mama at hindi na nagsalita. Pumunta siya sa kuwarto ko para imisin ang mga dadalhin ko sa isang araw papunta sa Maynila.

Ako naman ang nagligpit sa Kusina ng mga pinagkainan.

Naghuhugas ako ng plato nang may pumasok sa isip ko.

'Sino nalang ang mag-aalaga kay Mama?'

Dapat maganda ang buhay namin kung kasama namin si papa. Kaso iniwan niya kami. Hindi na namin alam kung saan siya nagpunta. Kung sumakabilang buhay na ba siya, Sumakabilang bahay o Sumakabilang planeta.

Only Child lang ako at magtet-thirteen palang. Nag-stop ako ng pag-aaral noon ng one year dahil sa financial problem. Noong nalaman iyon ni tita. Nagalit siya at bakit daw hindi sinabi sa kanya. Kaya dapat sana ay Grade 8 na ako. Sayang daw ang isang taon.

Nang mangyari iyon. Hindi tumigil sa pagpapadala ng pera si tita dito saamin. Kahit nga yung asawa niya na si Tito Red ay nagtampo dahil hindi namin sinabi sa kanila.

Pinahinto nila si Mama sa pag-tatrabaho at pinilit na sa may maynila nalang tumira pero tumanggi si Mama. Dahil doon pinagiba ni tita yung lumang bahay namin, pero pinalitan naman nila ng mas malaki at malawak. Nakakatanggap kami sa kanila ng pera every month kasi ang gusto nila ay magpahinga nalang si mama sa bahay. Kaya ang ginagawa niya at Nagtatanim at nag-aalaga ng mga bulaklak sa Garden. Pareho kasi sila ni Tita Venus ng Gusto.

Kaparusahan daw kay mama sabi ni Tita. Si mama kasi yung tipo ng taong ayaw sa magagagarbong gamit. Gusto niya ang simpleng pamumuhay lang. Kahit nga ang gamit namin dito sa bahay makaluma. Magmula sa sandok hanggang sa mga kasangkapan sa pagluluto. Halimbawa nalang yung palayok na ginagamit namin. Ngunit tama nga sila na mas nakakapagpasarap ito ng Putahe.

"Anak? ayos na ba yang mga hugasin?" Tanong niya sakin. Nakita kong mugto ang mata niya. Naku si Mama talaga. Iyakin.

"Opo mama" Mahinahon kong sagot.

"O' siya umakyat ka doon sa Taas huhuhu...tignan mo kung ayos na yung mga gamit na nailigpit ko. huhu *sniff* baka may kulang pa"

Natawa naman ako sa aktong pagiyak ni Mama. Pinunasan ko ang luha niya at inakbayan siya.

Dear Mr. Manhid, (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon