_Micah's_
Nakadating na kami dito sa Maynila. Halos mag-gagabi nadin pala. Ang sakit na nga ng Pwetan ko dahil nakaupo lang ako sa loob ng van. Buti nalang at tatlo lang kami at naisipan ni tito Red na Ibaba yung sinasandalan kaya parang nakahiga ka nalang. Kaso nakakahilo pala. Nakahiga sa byahe.
Huminto kami sa Harap ng Isang napakalaking bahay.
"Eh? teka po? bahay po ba talaga ito? hindi Kastilyo? kaharian?" Tanong ko. Sa Sobrang laki ng bahay. Hindi mo aakalaing bahay ito. Pumasok kami sa loob kaya't lalo akong namangha. May mga Golden Linings sa Kisame kaya't magtataka ka kung talaga bang Ginto ito o hindi. Nga Vase na May kakaibang disenyo. Ang iba doon ay nakikita ko lamang sa literature ng Greece. Para ngang galing pa sa Bansang iyon. Isang mahabang Itim na Carpet na may mga tahi na ginamitan ng gintong sinulid. Gawa sa napakagandang Bricks ang pader nito. Makaluma ang Style ngumit mahuhumaling ka sa Ganda.
"MIKKKKKKSSSSS!!! WAAAAH" Nagulat ako nang may bigalang yumakap saakin.
"Daniela" Mahinang tawag ko.
Ginantihan ko din siya ng yakap. Grabe! namiss ko siya.
"Oh! My Gerrrddd! i oh so Miss you!!" Niyakap niya ulit ako.
"Uy! andito ka na! musta buhay."
Nag Fist-to-fist naman kami ni Dhan. Nasabi ko na ba sa inyo na magkaedad lang kami? Mas matanda lang ako sa kanila ng dalawang buwan.
"Oh! nga paka naenroll ka na namin ni Kambal sa school. Guess what? magkakaklase tayo! whooo!" Masayang sabi ni Dhan habang itinaas pa ang kamay niya habang nakasara. Alam nyo yun? parang sinasabing matcho ako pero hindi?
Ibinaba naman niya ang kamay at umakbay kay Daniela. Tumango si Daniela at hinila nila ako sa lugar kung saan hindi ko alam.
"A-ano 'to? bakit?"
"TTTAAADDDAAA!!!"
Nanlaki ang mata ko sa Nakikita ko. Hind ako makapaniwala. Ang laki ng kuwarto.
"Eh? may artistang nakatira dito sa bahay niyo? bukod sa inyong dalawa?" Tinuro ko sila. "Ang laking kuwarto ha! sino ba nakatira dito? si Sara Geronino ba? Yeng Constantino?"
Nagkatinginan naman sila at binigyan ako ng Mukhang akala mo walang gana. Ganito -----> (-___-)
Pinalobo ko ang mukha ko habang nakatingin padin sa kanila. "Bakit?"
"Probinsyana ka talaga" Sabi ni Dhan.
"Kaya ba nating burahin yan sa Loob ng ilang araw? Pasukan na eh! naku! ung hindi baka mabully lang yan sa school."
'baka mabully lang yan sa school'
'baka mabully lang yan sa school'
'baka mabully lang yan sa school'
'baka mabully lang yan sa school'
"M-may Bully?"
Tango ang ibinigay nila saakin. Iniisip ko palang na baka mamaya padilaan sakin yung sapatos kapag kabunggo ko o kaya sabunutan ako. Hala! ayoko pa magmukhang espasol kapag hinagisan nila ako ng itlog, tubig at harina.
"Oy? Oy?" Naramdaman kong may kumakalabit saakin.
"Miks? Why is your eyes like that?" Tanong saakin ni Daniela. Nakatingin lang ako sa kanya. Konti nalang talaga at iiyak na ako. Huhu!
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Manhid, (On-going)
Fiksi RemajaThe Sticky note is the only way for me to show him how i feel. Sticky note na kinaiinisan niya dahil sa mga salitang nakalagay dito. One day i saw him throw it. Sa Malayong lugar. And the message on the sticky note is... I Love you David. That is t...